Chapter 42

786 13 9
                                    

[Seth's POV]

"Miss, ano pong nangyayari dito?" dumiretso ako dito sa ospital para sana dalawin si Yannie. Pero di ko alam na ganito pala aabutan ko.

Nagkakagulong nurse, kumot na nasa sahig at dextrose na halatang tinanggal sa di tamang paraan.

Di ata ako napansin nung nurse na pinagtanungan ko kaya inulit ko na lang yung tanong.

"miss, nasan yung pasyente dito?" nilingon niya ko pero di na nya nasagot yung tanong ko dahil nakita niya agad yung taong hinahanap nila kanina pa.

"Mam Yannie! Saan po ba kayo nanggaling? Kanina pa po namin kayo hinahanap" litanya nung nurse habang inaalalayaan si Yannie papunta sa kama niya. Inayos nila dextrose niya habang nakatingin lang sa kawalan si Yannie.

"ayan Mam. Ok na po ulit yung dextrose niyo. Wag niyo na po sanang tanggalin ulit" tumango lang si Yannie.

"sir maiwan ko po muna kayo" sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"saan ka galing?" nakatayo ako sa gilid habang siya naman ay umupo mula sa pagkakahiga.

"binawi ko lang ang akin" she said with an expressionless face.

"anong ibig mong sabihin?" sa tala ng buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang pagiging clueless.

And with Yannie who is emotionally unstable, masama ang pakiramdam ko sa ginawa niya.

"did you come here with her?" she asked na hindi man lang ako tinitignan.

"her? I came here alone. Just to witness your little drama I guess"

she smiled bitterly with my statement. Her? She's referring to who?

"ano nanamang ginawa mo ngayon Yannie? Is there something more stupid than killing yourself?" I utter those words with full of annoyance.

"you think it's stupid?" tumingin sya sakin bago ulit nagsalita "para sakin yun na ata yung pinaka the best sa lahat ng desisyon na ginawa ko"

"tell me what you did this time"

"c'mon Seth. Read between the lines. Can't you see? I did all these for a purpose. And I think fate is in my favor."

you're insane. I muttered under my breath.

"just so know pumunta siya dito kanina and we actually made a deal. And I'm glad to tell you that she's out of my way"  she flashed her wicked grin.

"at sa tingin mo panalo ka na?" 

"bakit hindi pa ba? Isn't it obvious? She already accepted her defeat"

"you're imposible Yannie. Hindi lahat ng bagay kaya mong paikutin sa mga kamay mo. Hindi man maalala ng utak ni Lance si Trixie, his heart already recognized her. Tandaan mo, mas matinding makaalala ang puso sa utak."

i walked out her room. I really want to pay her a visit para naman maramdaman niya na kahit papano may mga tao pang natira sa kanya. Pero sa mga narinig at nakita ko, alam ko kung anong dapat kong gawin pero hindi ko alam kung pano.

Sana mapatawad nila akong lahat pag nalaman nila yung totoo. Pero kung hindi, tatanggapin ko kung ano mang kapurasahan para sa mga kasalanan ko kay Yannie, Lance, Mark at higit sa lahat, kay Trixie.

Kung nagmamadali akong umalis ng opisina kanina para bisitahin si Yannie, ngayon nagmamadali akong bumalik.

Bago ko gawin to, I attempted to call Trixie for the nth time pero  Di niya pa rin sinasagot. Siguro nga, hindi ako yung taong kaylangan niya ngayon. Pagkatapos ng mga nalaman niya, hindi ko alam kung kaylan niya ulit kami kakausapin  ni Monica. Pati tuloy si Monica, nadadamay dito.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now