Chapter 11

462 27 0
                                    


Napatingin ako sa mga dahon na naglalaglagan mula sa mga puno. Dinama ko ang napakalamig na simoy ng hangin.

"Keana," napatingin ako sa lalaking tumatawag sa akin. Lumabas ang mga dimple n'ya ng ngumiti siya sa akin.

Sana totoo nalang 'tong nakikita ko ngayon. Sana 'di nalang ako magising kong panaginip man 'to dahil nasa harap ko ngayon ang lalaking mahal ko.

"Thunder," dahan-dahan siyang lumapit sa akin na hindi inaalis ang mga titig n'ya sa mga mata ko.

"Long time no see," hindi ko na maintindihan pa ang iba n'yang sinabi. Naka focus lang ako sa mukha n'ya at siya lang ang tanging nakikita ko.

"Zeil,"

"Hey!"

"Keana Zeil!"

Napalunok ako sa biglaang pag sigaw n'ya. Gosh, sinampal sampal ko ang sarili ko baka kasi nanaginip ako. Napatingin ako sa kanya ng tumawa siya sa mga pinanggagawa ko.

Teka hindi ba ako nananaginip?

"Ayos ka na ba?"

"Huh? Hindi."

"Hindi? Anong problema?"

"Kasi mahal pa rin kita." Napatigil siya sa sinabi ko kahit ako natigilan din sa sinabi ko.

"Please 'wag kana mag salita alam ko namang 'di mo ako gusto. Hindi naman ako naghahangad ng mas mataas pa. Alam ko rin na mahal mo pa ex mo. Huwag ka mag-aalala kakalimutan na talaga kita. Para kapag dumating man siya 'di na ako masasaktan pa."

"No, don't say that."

"What do you mean?"

"Huwag mo akong kalimutan."

"Hindi kita maintindihan." Wait panaginip pa ba 'to? Bakit sobrang sakit 'yong nararamdaman ko ngayon.

"Please huwag mo akong kalimutan. Alam ko mahal na mahal mo ako. Pero hindi naman ganon kadaling magmahal ng iba don't forget me and wait me until I will learn to love you back." Napanganga ako sa sinabi n'ya. Totoo ba 'to na nangyayari?

"Alam ko mahirap para sa'yo 'to but please hintayin mo ako." Ginulo n'ya ang buhok ko bago ngumiti.

Alam ko sobrang tanga ko na kong papayag ako sa sinasabi n'ya. Pero baka naman pwede pa 'di ba? Baka darating 'yong araw na magugustuhan n'ya rin ako pabalik.

Wala na siya sa tabi ko ng mapatingin ako kong na saan siya kanina.

"Gosh mukhang nananaginip lang talaga ako."

Sobrang paranoid ko na siguro talaga.

****

"Hi, baby. How's your day?" Napa pout naman ako sa pinapagsabi ni mommy.

"Mom, I'm not baby anymore you know that."

"Yes, I know. Lalo na alam kong tumitibok na 'yang puso mo hahaha." Namula naman ako sa sinabi ni mommy. Medyo nahihiya pa kasi ako sa kanya kahit na alam n'ya na 'yong sa amin ni Thunder.

"Mom, kamusta si kuya?" Medyo nag-aalala na kasi ako sa kanya lalo na ngayon na wala dito si ate Nicole.

"Magiging okay rin ang lahat. Mag pahinga kana."

"Mom, I just wanna know. May gagawin ba sila kuya na delikado?" Ngumiti naman sa akin si mommy.

"Nah, don't think too much Keana." Marahan nalang akong tumango kay mommy.

****
Nasa room ko na ako ngayon at iniisip ko ang mga nangyari kanina. Totoo ba talaga 'yong mga sinabi ni Kulog? Medyo kasi parang nawala lang ako sa sarili ko kanina o baka nag ha-hallucinate lang ako!

Ginulo ko ang buhok ko dahil naguguluhan na talaga ako. Wala din akong magawa dito.

Bumaba nalang ako at pumunta sa garden. May dala akong mga libro para maka pag libang naman ako.

Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw.

"Manang, paki hatid nalang ako ng sandwich and juice sa may garden." Tumango naman 'yong maid namin. Dalawa lang ang maid namin na nandito dahil mahirap kasi mag tiwala sila mom and dad. Lalo na maraming kaaway ang pamilya namin.

"Hayys salamat naman at mahangin dito." Umupo ako at nag simulang buklatin ang isa sa mga dala kong aklat.

"Here's your sandwich and juice." Nabitawan ko ang hawak ko na libro ng makita kong nakangiti sa akin si kulog na may hawak na tray.

"A-anong ginagawa mo dito?" Keana naman hwag ka namang magpahalata na inlove na inlove ka sa kanya.

"Dinadalaw ka. Masama?" Marahan lang akong imiling sa kanya.

"Salamat." Naiilang pa rin ako sa kanya. Ayokong tumingin sa kanya dahil alam ko kapag tumingin ako sa kanya mas lalo lang lala 'tong nararamdaman ko sa kanya.

"Hilig mo na talaga 'yong pagbabasa?"

"Ah yeah, wala kasi akong magawa ngayon. Ikaw ba wala ka bang ginagawa?"

"Nope, I just want to spend my free time to you." Napatigil naman ako sa sinabi n'ya.

"Don't say that."

"What?" Tumingin naman ako sa kanya kahit na alam kong mapapahamak lang ako lalo kapag tumingin ako sa kanya.

"I said don't say that again. Everytime you say sweet words. I can't handle myself but to make fall inlove you again and again. I just want to forget you." Tumayo ako sa kanya at akmang aalis na sana pero hinawakan n'ya yong wrist.

"I thought you already understand what I said to you earlier that I don't want you to forget me." Hindi ako nakapag salita. Meaning 'yong mga nangyari kanina ay hindi panaginip at totoo yun? Gosh, ang tanga mo talaga Keana Zeil!

"Pero kong gusto mo na talaga akong kalimutan wala naman akong magagawa. Alam ko naman kasing sobrang gago ko. Kasalanan ko naman lagi lang kitang sinasaktan."

"Hindi, hindi kita kakalimutan hanggang sa mahalin mo na rin ako pabalik." Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang bagay na 'yon. Ngumiti naman siya sa akin.

"Promise?"

"Yeah, promise." Hindi ako kaagad nakakilos ng niyakap n'ya ako. Should I hug him back? Ugh bahala na nga. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Thank you kasi binigyan mo ako ng chance." Napangiti lang ako.

"Ehem." Napabitaw kami sa isat-isa ng nasa harapan na pala namin si daddy at naka tingin. Pakiramdam ko namumula ako. Nahihiya ako kay daddy.

"Hi tito," bakit parang pa cool lang 'tong si Kulog.

"We need to talk." Oh, my Gosh!

"Dad, anong pag-uusapan nyo?"

"Hindi mo na dapat pang malaman." Nauna ng naglakad si daddy. Tumingin sa akin si Thunder at nag sign na aalis na siya.

"Kulog," tumingin siya sa akin ulit pero this time naka ngiti siya.

"Wala pala. Sige."

"Okay." Tinignan ko lang siya hanggang lumiko na siya at di ko na nakita pa.

Napaisip ako kong ano bang pag-uusapan nila? Sana naman hindi 'yon about sa nakita ni daddy na magka yakap kami.

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Where stories live. Discover now