Epilogue

767 23 7
                                    

Keana Point of View

Naging maayos naman ang lahat ng pagkatapos non at ito ngayon nakaharap sa salamin. Habang ang mga kasama ko naman inaayos 'yong buhok ko. Katabi ko naman si mommy.

Gusto kong umiyak kasi sa wakas nangyari na rin lahat ng mga pangarap ko. Pero ayoko namang masira ang pinaghirapan ng mga staff dito para ayusan lang ako.

"Hindi ako makapaniwala na ikakasal ka na nak." Kahit ako nga rin hindi makapaniwala na darating pala ang araw na 'to. Akala ko kasi hanggang pangarap ko lang lahat ng 'to at 'di na matutupad pa.

"Thank You mommy kasi lagi kang nandyan para sa akin." Niyakap ko si mommy.

"Ofcourse lagi naman kaming nandito ng daddy mo para sa'yo. Ano pa't naging magulang mo kami."

Nahinto kami ni mommy sa pag-uusap ng pumasok si ate Kie at kasama n'ya si Aiana. Napaka cute ni Aiana sa suot n'yang pink na gown bago naka headband siya.

"Cute naman ng baby ko." Lumapit sa akin si Aiana.

"Grabe, a. Hindi ko man lang nakita 'to sa future na mauunahan mo kong mag asawa Keana."

"Bakit hindi ka pa ba kasi mag asawa Kie?" Tanong naman ni mommy.

"Gosh tita. Hindi pa ako handang mag asawa."

"Even kuya Zyniel propose to you?" Tanong ko kay ate Kie.

"I don't know basta as of now ayoko muna. Enjoy muna ako sa buhay single ko ayaw ko muna mag-asawa." Napaisip nga rin ako kasi naunahan ko pa talaga silang lahat. Si Ate Nicole at Kuya Ke palang kaya nag aasawa at pangatlo ako.

Last last month lang din kinasal si ate Mae at kuya Ke tapos ito naman ako at sumunod. Yong mga mas matanda sa akin wala pa kinakasal or nagkakaanak.

****

Nang matapos ang lahat lumabas na ako at naabutan kong nandoon pala si Kcly.

"Congrats bestie." Niyakap n'ya ako.

"Thank you din." Hindi ko nga alam kong sila pa rin ni Seven hanggang ngayon. Wala kasi siyang nasasabi sa akin kong sila pa rin ba.

"Tara na." Lumabas na kami ng bahay. Sa kabilang kotse sumakay si Kcly, ate Kie at si Aiana. Ang kasama ko naman si mommy sa isang kotse.

Sumakay na kami ni mommy sa loob.

"Congrats baby, wish ko na sana maging masaya ka at kapag may problema ka nandito lang ako para sa'yo."

Nang malapit na kami sa simbahan nag umpisa ng bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko.

"Goodluck anak." Medyo nawala na rin ang kaba ko.

****

Habang naglalakad ako papalapit sa altar naiiyak na ako. Kasi sa wakas lahat ng mga sakit na naranasan ko mawawala ng lahat 'yun.

Napangiti ako ng makita ko si Kulog and damn he's crying! Ngayon ko lang siya nakitang umiyak pero totoo umiiyak talaga siya.

Napansin ko ngang inaasar siya nila kuya Ke pero 'di n'ya pinansin lahat ng 'yun. Ngumiti ako sa kanya ng makalapit ako sa kanya.

"Tinalo mo pa ako sa pag-iyak, a. Inaano ka ba?" Imbes sana ako 'yong iiyak pero siya 'tong ngumawa.

"Masaya lang ako. I Love You." Bulong n'ya sa akin.

Nag s-sniff pa siya habang palapit na kami sa altar. Nawala tuloy lahat ng kaba at napangiti ako. Kasi alam kong mahal n'ya talaga ako. Ito ang una kong nakita ko siyang umiyak at sobrang saya non kasi sa mismong kasal namin siya umiyak.

****

Mag kaharap kami ni Kulog at magkahawak ang kamay at naka titig sa isat-isa.

"I'm Thunder Clyde will take Keana Zeil as my wife. I promise I will be faithful, in sadness or in happiness I will love you and give you respect through out the rest of my life." Nakangiti siya habang sinasabi n'ya lahat ng mga yan.

"I'm Keana Zeil will take Thunder Clyde as my husband. I promise that I will be faithful towards you, in sadness and in hapiness I will love you and give you respect through out the rest of my life." Nag umpisa na naman akong maiyak at ngumit siya sa akin.

"I now announce, you two, as husband and wife." Bago nag sigawan naman 'yong mga audience. Mga baliw talaga sila. Napangiti nalang kaming dalawa ni Thunder.

Tapos nagsisigaw sila ng—

"Kiss, kiss, kiss, kiss, kiss!" Gosh mas nahiya tuloy ako. Hindi ko alam kong namumula na ba ang mukha ko.

Tumitig sa akin si Thunder at unti-unting lumapit sa mukha ko. Ipinikit ko naman 'yong mata ko.

Naramdaman ko na ang labi n'ya. Ilang segundo din ang tinagal non bago siya lumayo sa akin.

Sobrang ingay sa paligid naming dalawa pero parang wala lang lahat ng 'yun kasi parang siya lang ang nakikita ko sa paligid ko.

Niyakap n'ya ako.

"I Love You Keana Zeil."

"I Love You too Thunder Clyde."

At dito na nga nagwawakas ang kwento naming dalawa. Alam kong marami pa kaming kakaharapin na problema at alam ko ring malalampasan namin 'yun.

Sa lahat ng mga napagdaanan ko isa lang ang natutunan ko na kahit anong mangyari 'wag tayong susuko. Balang araw lahat ng pangarap natin at problema mawawala ding lahat at malalampasan natin 'yon.

****

A/N

Okay, guys happy anniversary sa story na 'to. Yay, sinadya ko talaga na matapos ngayong gabi. Happy one year sa story ni Clyde and Keana. May mga time talaga na nahirapan ako dito kaya natagalan matapos kasi nga na w-writers block ako. Thank you sa lahat ng mga nag hintay at nagbasa. By the way 'tong story na 'to inspired talaga sa op ni Keana at Thunder. May mga ibang scene dito na totoong nangyari sa kanila at yong iba naman fiction nalang.

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Where stories live. Discover now