Chapter 13

391 17 0
                                    

Nasa room ko ako ngayon at nandito si mommy sinusuklayan n'ya ang buhok ko. Masyado talagang maalaga si mommy sa akin lalo na nong bata pa ako. Ngayon kasi masyado na siyang busy tsaka malaki na rin naman ako. Kaya ko na rin naman 'yong sarili ko.

"Mom, can you tell me kong paano kayo nagka kilala ni daddy?" Napangiwi naman siya sa tanong ko.

"Ba't mo natanong?"

"Wala lang, I just want to know."

"Hmp! Una naming pagkikita mo ng daddy mo sobrang nakakahiya. Parang ayoko ng ikwento sa'yo." Mas lalo tuloy akong na curious. "Actually hindi naman talaga 'yon 'yung una naming pagkikita kasi nong mga bata palang kami nagkita na kami. Pero that time wala akong maalala."

"Then? Mom, I'm curious." Natawa naman si mommy sa akin.

"Okay, I will tell you. Pero kasi medyo bastos 'to at kahiya-hiya." I wonder kong ano 'yun?

"Ano po ba?"

"Tinatamad kasi ako pumasok non at inaantok. So, humanap ako ng mapwepwestuhan ko para matulog. At yun nga nakahanap naman ako tapat sa may flower box. Mapapapikit na sana ako non ng maramdaman kong may tubig na tumatama sa mukha ko. Eww that's so gross baby! So, tumayo ako and then I saw your dad doing that? You know he's peeing." Oh My Gosh! Hindi ko mapigilan ang tawa ko.

"Baby naman bakit mo ko tinatawanan? Sabi ko sa'yo nakakahiya 'di ba?"

"HAHAHAHAHAHA Mom I can't! HAHAHAHAHAHA!" Hindi ko talaga mapigilang matawa. Kasi naman e, sobrang epic ng pagkikita ni daddy and mommy.

"Hayys! Baby Keana stop laughing." Napatingin ako kay mommy na namumula. May mapang-aasar na ako sa kanila ni daddy.

"Siguro mommy masaya 'yong lobe story n'yo ni daddy."

"Not really, we're just enemy. Tapos bigla ko nalang na feel na I'm inlove with him. You know me Keana that I'm not easier about boys actually ako 'yong ginagamit lang sila but pagdating sa daddy mo I can't stop myself falling for him."

"That's true love mom."

"Maybe, but hindi sa lahat ng oras true love yon okay? May mga taong pinagtagpo lang pero hindi naman itinadhana." Natahimik naman ako sa sinabi ni mommy. Kami kaya ni Kulog ipinagtapo lang ba kami hindi itinadhana?

"Labas na ako baby, goodnight." Tumango naman ako kay mommy.

Naisip ko 'yong mga nangyari kanina lalo na kong gaano mag-alala sa akin si Kulog. Sana totoo lahat ng mga pinapakita n'yang 'yon. Pagod na akong masaktan ng pa ulit-ulit ng dahil sa kanya.

Ayokong mangyari na ipinagtagpo lang kami at hindi itinadhana. Kong kinakailangan kong kalabanin si tadhana gagawin ko!

****

Hindi ako makatulog kaya lumabas ako. Sa may garden lang naman ako pupunta at naabutan kong nandoon si kuya Zk. Nakauwi na pala siya? Minsan ko nalang kasi talaga siya makitang nandito sa bahay.

"Kuya," hindi siya lumingon sa akin pero alam kong nakikinig siya.

"Kamusta na? Parang ang tagal na nong huli tayong nag kausap. Parang dati lang naalala ko lagi kitang kinukulit nong bata pa ako at ikaw naman inis na inis sa akin."

"Yah, I remember that time and you are really happy."

"Happy naman ako ngayon ah." Sagot ko.

"Not really. Ibang-iba 'yong ngiti mo dati kaysa sa ngayon." Natahimik naman ako at napa deep sigh.

"I want you to be happy." He added.

"You too kuya, I want you to be happy. I want you to be okay, and everything will be okay. I miss ate Nicole too." I miss everything when I am a child. Sobrang dami na nga talagang nagbago sa akin at sa amin.

"Yeah, soon will be everything alright."

"Kuya, tingin mo nagsisi kaya si ate Nicole? Kasi sobrang cold mo sa kanya, pero 'yong totoo you are not kasi ayaw mo lang talagang ma attach sa isang tao. You don't want to show the real you. Sana mapakita mo kay ate kong ano ang totoong ikaw. Kahit wala na ang mga emotion sa mata mo pero nararamdaman kong nasasaktan ka sa mga nangyayari."

"You're right. Thank you." Umalis na si kuya Zk at ako nalang ang naiwan. Nakakalungkot lang kasi medyo naging magulo na ang buhay namin. Okay pa naman dati pero ngayon sobrang daming gulong mga nangyayari. Dag-dag pa 'tong puso kong parang tanga! Hayys ewan nalang talaga!

****

Nagising ako ng may kumikiliti sa may tainga ko. At napamulat ako at si Kcly lang pala ang may gawa.

"Salamat naman at gumising kana. Besh tanghali na. Masyado mo namang nilubos lubos si kuya dyan sa dream land."

"Hindi kaya, teka bakit ka ba nandito?"

"Wow, so I'm not welcome na here?"

"Hindi naman. Pero kasi bakit? Parang ang aga naman 'ata."

"Wala, I'm just bored lang."

"Weah? Baka nag-away kayo ng jowa mo kaya nandito ka." Napa pout naman siya. Sabi na, e. "Ano na namang pinag-awayan n'yo?"

"Simpleng bagay lang naman. Hayaan muna maayos din namin 'yon. Gusto ko munang tumambay dito."

"Ikaw talaga napaka ano mo! Gumawa ka din kaya ng paraan para magbati kayo hindi siya nalang lagi."

"Eh, besh 'di naman ako same sa'yo."

"Bahala ka kapag nanawa 'yon sa ugali mo wala ka ng jowa. Lalo na kapag nakahanap siya ng mas better sa'yo."

"Ano ba 'yan Keana, you're so nakakainis ah. I'm not sanay kaya na gawin 'yong mga things na 'yan."

"Yun nga dapat kasi kapag may jowa ka dalawa kayong umaayos ng problema. Hindi 'yong isang tao lang dapat nagtutulungan kayo."

"Oh really? Bakit parang mas may alam ka pa compare to me ah."

"Eh ba't ganyan ka na manalita?"

"What's the problem sa pananalita ko?"

"Wala, by the way 'yong ex ba ng kuya mo maganda?" Ay bwesit bakit ko ba 'yun natanong!

"Ikaw ah, you're so curious lagi about to my kuya. Hmp she's really pretty like you."

"Hey! Don't compare her to me." I'm much better than her. Eh!

"Talaga ba? Okay if you don't want. Maybe someday babalik siya but not sure kong kailan maybe soon." Sana 'wag nang bumalik.

"Oy, Keana I think nababasa ko 'yong sa isipan mo. You're so bitter ah. Tara kain ka sa labas ng sugar that's so very sweet."

"Duh! Kcly ayusin mo nga pananalita mo ang panget."

"Heh! I just wanna tryin' duh!"

****

You can read The Battle We Fight guys para ma gets n'yo 'tong chapter na 'to. But if you don't want it's okay. Maiintindihan n'yo pa rin naman siguro kahit 'di n'yo na basahin pa 'yon. Basta kapag medyo naguluhan kayo may part kasi na connected 'tong story na 'to sa The Battle We Fight.

Thunder Clyde | ✔ [BAD BOY SERIES 2]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant