017 // aubrielle's

1.1K 87 28
                                    

aubrielle han's

Monday nanaman. Last subject na ngayon pero may practice pa mamaya para sa play. Dadaan din ako library bago magpractice. Mag-aayos lang ako saglit dun.

Nung tumunog na 'yung bell, mabilis ko kinuha 'yung bag ko at tumakbo palabas ng classroom.

Agad akong dumiretso sa library. Sa 5th floor pa naman 'yun ng building namin. Kaya ayun, hingal na hingal ako.

"Hello, Ms. Han." Nakangiting bati sa akin ng head librarian. Ngumiti rin ako at bumati sa kanya.

Binigyan niya ako ng listahan ng libro na ibabalik ko sa shelves. Kinuha ko 'yung cart na may libro tapos 'yung maliit na ladder.

Kailangan ko na agad matapos 'to para makahabol ako sa practice.

Umapak na ako sa ladder para maabot ko 'yung taas ng shelf. Nagbalik na rin ako ng ilan-ilan na libro.

"Aubrielle." Nagulat ako nang marinig ko 'yung boses ni Eunsang na mahina kaya nahulog ko 'yung hawak ko na libro tapos tumama sa ulo niya.

Mabilis ako bumaba sa ladder, "Hala, sorry!" Sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko 'yung ulo niya at tinignan ito.

Tinanggal niya 'yung kamay ko, "Ayos lang. Hinahanap ka na."

Ayie, kilig naman ako. Siya pa naghanap sa akin. Ngumiti ako at kukurutin ko sana siya sa pisngi pero hinawakan niya lang kamay ko para hindi ko siya makurot.

"Tara na kasi." Sabi niya.

"Bakit ka ba nagmamadali? Tsaka, alam naman ni Mrs. Jo na may duty ako rito bago pumunta sa practice ng play." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Kasi ano..."

"Kasi ano?"

"Si Lucca, hinahanap ako." Sagot ni Eunsang.

"Ayon lang pala eh. Tapusin ko muna 'to, ha?" Sabi ko sa kanya.

Tapos nagpatuloy na ulit ako sa pag-ayos ng libro. Umakyat ako sa ladder.

Tumingin ako sa kanya at napansin kong pinapanood niya ako.

"Ako na diyan. Baka mahulog ka pa eh." Sabi ni Eunsang.

Oo nga, eh. Baka mahulog ako sayo.

escort | eunsangWhere stories live. Discover now