027 // aubrielle's

1.1K 69 41
                                    

aubrielle han's

Tumunog na 'yung bell. Sign na lunch na. Kaya natuwa 'yung iba kong kaklase. Nagpaalam na 'yung teacher namin tapos paglabas niya, nagsilabasan na rin 'yung iba para kumain. Inayos ko muna 'yung notebook ko tapos lalapit ako kaila Winter at Yumi. 

"Brie." Napaangat 'yung tingin ko at nakita ko si Eunsang.

"Yes? Hehe."

"Sabay tayo maglunch." Ohmygod.

Napatingin ako kaila Winter at Yumi na nanonood pala sa aming dalawa ni Eunsang. Tumango-tango lang sila.

"Magpapatulong sana ulit ako sa lines ko." Nakangiting sabi ni Eunsang.

Oo nga pala. Umasa ka, Brie, akala mo gusto kang kasabay, ano?

"Ah, oo nga pala, hehe."

Tahimik lang kumakain si Eunsang kaya hinihintay ko siya matapos. Wala kasi ako ganang kumain.

"'Wag mo nga ako tignan. Kumain ka kaya, may practice rin mamaya." Sabi niya. 

"Alam mo ba, Eunsang, naniniwala kasi ako sa kasabihan na, "What you see is what you get."" Pambanat ko sa kanya sabay tawa. Naks, smooth! Charot.

Saktong tapos na kumain si Eunsang kaya tumingin siya sa akin, "Pinaghihirapan lahat ng bagay. Pero kung gusto mo ako, Brie, sabihin mo lang." Kumindat siya sa akin at ngumiti. Tapos tumayo siya para ibalik 'yung tray pati 'yung pinagkainan niya.

Naramdaman ko 'yung pag-init ng mukha ko. Aba 'tong Eunsang na 'to? Kailan pa siya natuto ng ganon?! 

Nakita kong pabalik na si Eunsang sa table kaya tinakpan ko muna 'yung mukha ko gamit ng script. 

"Brie, oy, tara na." Rinig kong sabi ni Eunsang. 

Linayo ko 'yung script sa mukha ko at tumingin sa kanya, "Ha?"

"Ano ginagawa mo?" Tanong niya. 

"Nagbabasa script." Sagot ko.

"Nagbabasa pero nakadikit sa mukha mo?" Nagtatakang sabi ni Eunsang.

"Oh bakit? 'Yun ginagawa ko eh, bakit ba?" 

Sa Auditorium kami nagprapractice. Kasalukuyan kami nasa last scene na. Malapit na rin kasi showcase nito kaya dapat maayos na namin lahat since kaming dalawa ni Eunsang 'yung bida.

"Paano pala 'yung ano... 'Yung kiss dun?" Tanong ko.

Nanlaki 'yung mata ko nang lumapit sa akin 'yung mukha ni Eunsang tapos nakatingin siya sa mata ko, "Wala na raw 'yun, diba? Pero, bakit? Gusto mo ba?" 

"Ano sinasabi mo diyan?! Nagtatanong lang eh." Sabi ko sa kanya. 

"Eunsang-" Lumayo 'yung mukha niya sa akin nung may tumawag sa kanya. 

Tumingin kami ni Eunsang sa kanya. Sino namang 'tong epal na 'to? Okay na, eh. Joke, ang harot, Brie, ha. 

"Bakit ka nandito, Gia?" Tanong ni Eunsang sa kanya. Teka, ang familiar ng pangalan na Gia? 

"May gusto akong sabihin sayo." Sagot nung Gia.

"Sabihin mo na." 

"Gising na si Yurie, Eunsang." 

Yurie? Ayun ba 'yung tinutukoy ni Dongpyo...? 

escort | eunsangTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang