046 // narration

1.1K 70 18
                                    

narration.

Pumunta sa gymnasium si Eunsang at Yurie. Pinaglalaruan ni Yurie 'yung mga kamay niya habang nakaharap siya kay Eunsang.

"Eunsang, I do like you." Nagulat si Eunsang sa biglaan na pag-amin ni Yurie sa kanya.

"Yurie, naka-move on na—"

Pinutol naman ni Yurie 'yung sasabihin ni Eunsang, "I know. Gusto ko lang sabihin 'yung totoo sayo. I've always heard everything you said everytime na bumibisita ka sa akin sa ospital. I know you are falling for someone."

Tumulo 'yung mga luha ni Yurie kaya hindi alam ni Eunsang 'yung gagawin niya, "I'm sorry. I lied to you, Eunsang. Last Month pa ako nakarecover sa coma. Everytime you visit me, naririnig ko lahat kasi gising ako. I did this because I'm afraid na mawawala ka na sa akin. But I guess, kahit anong gawin ko, may iba ka ng gusto. Oo, Eunsang, pinagsisihan ko lahat. Sana pala hindi na lang ako naaksidente, sana hindi na kita nireject noon."

Niyakap ni Eunsang si Yurie, "Sorry, Yurie. You're still special to me." Tanging sabi ni Eunsang tapos ningitian niya si Yurie.

"Uhm, yayayain sana kita hehe libre ko?" Nagtaka naman si Aubrielle sa inaakto ni Junho.

"Ano ba nakain mo?" Nagtatakang sabi ni Aubrielle sa kanya.

Tumingin-tingin si Junho sa cellphone niya kaya mas lalo lang nagtaka si Aubrielle sa kanya.

"Hoy, Junho? May problema ba?" Tanong niya.

"Wala, hehe." Sagot ni Junho.

"Sige, aalis na ako. May pupuntahan pa kami nila kuya. Bye, Junho."

Hahabulin pa sana siya ni Junho pero mabilis din nakaalis si Aubrielle sa auditorium. Habang naglalakad siya, napadaan siya ng gymnasium at napansin niya 'yung dalawang tao na magkayakap.

"Wow, sa school pa talaga—" Napatigil siya ng makita niyang si Eunsang pala 'yun at Yurie. Nagngi-ngitian silang dalawa.

Hindi naiwasan ni Aubrielle na masaktan dahil alam niya sa sarili niya nagkakagusto na siya kay Eunsang.

"Pake ko ba sa kanila. Tapos naman na 'yung play, hindi ko na siya kukulitin." Tapos umalis na lang siya palabas ng school para puntahan ang kuya niya.

Pero 'pag alis niya, hindi niya pa rin maiwasan madismaya at umasa. Nasasaktan siya sa nakita niya.

"Sana pala hindi ko na lang tinignan." Bulong niya sa sarili niya.

escort | eunsangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon