040 // aubrielle's

1K 68 18
                                    

aubrielle han's

"Brie, anak, bilisan mo naman jusko. Nakakahiya sa kasama natin sa dinner mamaya, baka malate tayo." Sabi ni Mama habang kumakatok siya sa pintuan ng kwarto ko. 

Binuksan ko 'yung pinto ko at nagulat naman si Mama, "Kasama?!" Sabi ko sa kanya.

Napatingin ako sa suot ni Mama. Nakadress siya tapos naka-make-up. Ayos na ayos si Mama ah.

"Ma, saan ka pupunta? Sa kasal?" Tanong ko sa kanya. 

Kinurot niya ako sa tagiliran ko, "Ano 'yang suot mo?! Pants tsaka t-shirt? Saan ka pupunta? Palengke? Magpalit ka nga doon tsaka magmake-up ka naman!" 

"Ano susuotin ko?! Tsaka, hindi ako marunong magmake-up!" Reklamo ko sa kanya.

"Suotin mo 'yung dress ng binigay ng Kuya Seungwoo mo na never mo sinuot tsaka ako na mag-aayos ng make-up mo kaya bilisan mo na." Tinulak ako ni Mama papasok ulit ng kwarto ko.

Pagkatapos naming mag-ayos, sumakay na kami sa kotse. Si Papa 'yung nagdrive tapos nasa harap si Mama. Katabi ko naman si Kuya.

"Psst, Kuya." 

Lumingin sa akin si Kuya Seungwoo tapos nagtaka sa akin, "May idea ka sa kasama raw kuno sa dinner?" 

"Kaibigan daw ni Papa eh. Matagal na raw hindi nakikita." Sagot ni Kuya. Tumango-tango naman ako.

'Di rin nagtagal ay nakarating din kami sa restaurant na kakainan namin. Lalabas na sana ako ng kotse nang tawagin ako ni Mama.

"Brie, 'wag kang maglikot dun. Nako! 'Wag mo kaming pahiyain." Sabi ni Mama. Grabe naman si Mama sa akin?! Mabait naman ako ah! 

Sabay-sabay kami pumasok sa loob ng restaurant at ginuide kami nung waiter. Tapos dinala kami sa table kung saan kami. May dalawang lalaki at dalawang babae na halos kasing edad lang nila Papa at Mama. Meron naman dun isang babae na parang kasing edad ko lang tapos lalaki na halos kasing edad ko-

SI EUNSANG?!

Nagbatian sila lahat. Ningitian si Kuya si Eunsang tapos ngumiti rin siya. Nagsalubong naman 'yung mata namin ni Eunsang pero umiwas din agad ako. Napansin ko naman 'yung katabi niyang babae na nakangiti sa akin kaya awkward lang ako na ngumiti sa kanya.

"So, buti na lang pumayag kayo sa dinner. Ang tagal ko rin sa Italy. Tsaka, ang tagal din natin nagkikita lahat." Sabi ng Papa ni Eunsang. 

"Nga pala, bro, si Seungwoo at Aubrielle. Anak ko." Ngumiti ako kay Tito niya.

"Ah, ito si Eunsang, anak ko. Tapos ito naman si Vincent, nakilala ko siya sa Italy tapos ayun asawa at anak niya, si Yurie. " Nawala 'yung ngiti ko nung narinig ko 'yung pangalan na 'yun. Kaya napatingin ako dun sa Yurie. Ang ganda, pota.

Masaya silang nagkwekwentuhan habang kumakain kami. Si Kuya, busy sa pagkain. Si Yurie, pangiti-ngiti lang at tumitingin kay Eunsang. Luh.

Tumingin sa akin si Eunsang at sumalubong 'yung kilay ko. Para naman siyang natatawa kaya inirapan ko siya. 

Nilapag ko 'yung kutsara at tinidor ko at nagpaalam na lumabas.

Paglabas ko ay umupo ako sa bench ng restaurant sa labas. Nagulat ako nang may tumabi sa akin at nakita ko si Eunsang.

"Mukha kang tao ah." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin kaya nanahimik siya ulit pero bigla ulit siya tumingin sa akin.

"Joke lang 'yung sinabi ko, Brie. Ang ganda mo talaga ngayon." Sabi niya tapos tumayo siya. Naramdaman ko 'yung pag-init ng pisnge ko tapos tumingin ako sa kanya habang naglalakad siya papasok ng restaurant.

May something ba sa kinain sa pagkain ng restaurant at nasabi niya 'yon?

escort | eunsangWhere stories live. Discover now