six.

830 55 4
                                    

Jema: H-Ha?

Ngumiti si Deanna at humarap kay Jema. Hinawakan niya ang isa pa niyang kamay kaya parehas na kamay na ni Jema ang hawak niya.

Kahit na sobrang kinakabahan si Deanna,

Kahit na nakikita niya ang sobrang pagkagulat sa mata ni Jema,

Kahit na hindi niya alam kung paano matatapos itong usapan na to, hinayaan niya na lang kung ano man ang mangyari.

Deanna: Mahal kita, Jessica Margarett Galanza. 2 weeks ago, never did it cross my mind na aamin pala ako but then I realized, tama si Bea. I'm just being indenial.

Kahit anong gawin ko, it's you and will always be you. 

Jema: D-Deanna...

Deanna: And I'm not asking nor expecting you to reciprocate the feeling. I just want to let you know na I love you. Na you deserve to be loved. Na may nagmamahal sayo unconditionally.

Hindi alam ni Jema ano sasabihin niya. Gulat na gulat siya sa mga pangyayari at hindI magsink in sakanya yung mga sinabi ni Deanna.

Nang mabalik na siya sa semi-maayos na pag-iisip, naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Nakakaramdam siya ng sobrang saya sa puso niya pero sa isip niya naman ay parang obligado siya na hindi tanggapin yung nangyayari.

Straight siya. Yun ang sinasabi ng isip niya.

Jema: D-Deanna... I-I'm s-sorry...

Deanna: No. You don't have to say sorry, Jema. Noon pa man, meron na akong nararamdaman para sayo. Hindi ko lang masabi kasi naduduwag ako. Ayaw ko masira friendship natin. But then I realized now, hindi naman kailangan masira friendship natin diba? It's gonna be up to how you and I handle it.

I promise you, walang magbabago. And believe me when I say na no pressure. Like I told you kanina, I don't expect you to return the feelings. Everything I do, walang ulterior motive.

Kumbaga let's just forget this ever happened. This is actually a part of my moving on plan. Sabi ni Bea I have to try another angle. And maybe kung malalabas ko yung nararamdaman ko, baka maka-move on na ako finally, diba? Imagine, 10 years.

Pumikit naman si Jema at huminga ng malalim. Gulat pa rin siya at naguguluhan sa nararamdaman niya.

Sa kabilang banda naman, kahit expect na ni Deanna na marereject siya, hindi niya pa rin maiwasan masaktan. Kahit papaano naman, nagexpect siya. Pero noon pa man, hindi na talaga ganun ang tingin sakanya ni Jema. Nakaya ngang iwan siya para sa ibang bansa eh.

Bumuntong hininga siya at binitawan ang kamay ni Jema. Kinapa niya ang susi sa bulsa niya para ilabas ito.

Deanna: Oh, and one more thing. You can have JM for the mean time.

Dumilat naman na si Jema at tinignan siya ng nalilito. Medyo naging awkward na yung atmosphere between sakanilang dalawa.

Jema: JM?

Deanna: Ah, pangalan ng kotse ko. Inspired sayo actually. Jessica Margarett.

Tumawa naman ng onti pero pilit si Deanna bago ilagay yung susi ng kotse sa kamay ni Jema. Si Jema naman ay nakatingin lang sakanya ng blanko.

Deanna: Don't worry about me. Pinahiram ni Tito Elmer sakin yung ducati nila. Sayo na muna si JM para hindi ka mahirapan pumunta sa mga gusto mo puntahan.

Para hindi ka nasa condo ko lang or nakasunod sakin sa mga pupuntahan ko. 2 months ka lang dito sa pinas kaya sulitin mo na diba? I don't want to hold you back just because I'm gonna be busy with trainings ulit.

Jema felt uncomfortable. Deanna's acting like she didn't just confess a few minutes ago. And at the same naramdaman niya na parang nalungkot yung puso niya dahil sa nakahatnan ng sitwasyon nila.

Deanna: Jema?

Jema: A-Ay... sorry. Sige. Thank you.

Dry na sagot ni Jema at hindi pa makatingin ng diretso sa mga mata ni Deanna.

Mas lalo naman nasaktan si Deanna dahil nag iba na agad ang trato sakanya ni Jema. May part sakanya na nagsisisi dahil sa ginawa niyang pag-amin.

Sinisisi niya ang sarili niya kasi pakiramdam niya naging selfish siya. She risked their lifetime friendship para lang sa sarili niya, para lang subukan kung makakamove on na ba siya.

Ngumiti siya ng pilit at tumalikod kay Jema dahil ngayon pa lang nagsisink in sakanya yung rejection at yung pagkakamali niya. Nararamdaman niyang namumuo yung luha sa mga mata niya.

Deanna: T-Tara na, uwi na t-tayo.

Pinipigilan ni Deanna na mahalata sa boses niya na naiiyak siya kaya pagkatapos niya magsalita ay dumiretso na siya sa kotse.

Si Jema naman ay naiwan sa kung saan sila nakapwesto kanina. Hindi naman tanga si Jema para hindi niya mapansin na nagpipigil na naiiyak yung boses ni Deanna. Buong buhay niya na itong kilala.

Bumuntong hininga din siya ulit bago pumunta sa kotse. Binigay niya ulit ang susi kay Deanna dahil siya daw magdadrive pauwi since siya naman nagdrive papunta.

Deanna: Bigay ko na lang ulit sayo yung susi bukas.

Hindi naman sumagot si Jema at nakatingin lang sa labas ng bintana.

Kinagat ni Deanna ang labi niya dahil pinigilan niya na may tumulo na luha. May tumulo naman na isa pero agad niyang pinunasan.

Buti na lang nakalook away sakanya si Jema kaya hindi nakita nito.

They were silent the whole ride, pati sa pagdating nila sa condo, at hanggang sa pumunta sila sa sarili nilang mga kwarto.

***

the decade of longing [ jedean / gawong ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon