nine.

1.9K 94 47
                                    

Ma. Deanna Izabella Wong
POV

Deanna: J-Jema...?

Tinignan niya ako ng malungkot. Pakiramdam ko sobrang tagal na namin hindi nagkikita, partida nasa iisang bubong lang kami nakatira.

Jema: T-Tinawagan ako ni Jho kanina... n-napaaway ka daw?

Nagkatinginan kami ni Bea tapos tinignan ko naman si Ate Jho na nagtatanong.

Jho: Oo, nag-away sila ni Bea kanina. Buti na lang nandito si Kobe, pinigilan niya si Deanna sapakin si Bea. Pero hindi yun yung reason bakit kita pinatawag dito, bes.

Jema: Ano yun?

Sinenyasan naman ni Ate Jho ang lahat na lumayo at lumabas ng VIP room. Saka na tumingin sakin si Ate Jho.

Jho: Mag-usap kayo, Deanns. Doon lang kami sa labas. O baka sa kabilang room. Kanina ka pa inom ng inom, kami naman iinom habang nag uusap kayo dito.

Gusto ko sana pigilan si Ate Jho pero agad naman na siya lumabas pagkatapos niya magsalita. Sinarado niya yung pinto kaya kaming dalawa na lang ni Jema yung nandito.

Tahimik lang akong nakatingin sa sahig. Hindi ko kayang tignan si Jema sa mata. Masasaktan lang ako. Ayokong umiyak sa harap niya.

Umupo naman siya sa kabilang dulo ng upuan kaya wala na siya sa harapan ko sa may pinto. Parehas lang kaming tahimik at walang naglalakas loob na magsalita.

Jema: Deanna...

Napapikit naman ako nang marinig ko boses niya. Shit, how I miss that voice.

Hindi na lang muna ako nagrespond at hinayaan siya magsalita.

Jema: I-I'm sorry if I intended to avoid you these past few weeks.

Hindi ulit ako nagsalita. Nakapikit pa rin ako dahil ayokong may tumulo na luha sa mga mata ko. Naiiyak ako dahil sa namiss ko siya, pero at the same time dahil nasasaktan ako. Medyo nagising ako sa mga sinabi ni Ponggay, Ate Jho at Bea kanina.

Jema: It's just... I only see you as a friend, Deanns. Sorry.

Deanna: I know.

Finally, I found the strength to talk. Kaya ko to. Kakayanin ko to.

Deanna: Like I said dati, I'm not expecting you to return the feelings. I'm not even making it a mission to make you feel the same way. Gusto ko lang naman talaga gumawa ng way to get over you. Alam mo yun? Para kapag okay na, then okay na ulit ako. Okay na ulit tayo. Hindi ko na kailangan magpanggap at masaktan around sayo.

Jema: Tinutulungan lang naman kita, Deanns. Ayaw kong bigyan ka ng false hopes. Ayokong isipin mo na may chance. Ayokong mapaasa at masaktan kita.

Tangina. Mas masakit pala talaga pag naririnig ko ng ganito ng diretso. Mas nararamdaman ko yung puso ko na nagbebreak. Literal.

Deanna: Hindi ba sinabi ko naman na? Lahat ng gagawin at ginagawa ko, walang ulterior motive. Walang ibang purpose kundi gawin ko lang din yung mga dati kong ginagawa. Hindi naman ako aasa, Jema.

Jema: Hindi mo naman masasabi yon, Deanns. We can't control our feelings...

Deanna: Don't you trust me?

Jema: Deanna naman, ayaw lang kita masaktan.

Napatawa naman ako pero sarcastic. Grabe, hindi ako makapaniwala na sakanya pa mismo nanggaling yan.

Deanna: Ayaw mo akong masaktan? Really, Jema? Ang bilis mo nga akong iwanan noon, hindi mo pa ako mapakinggan para umuwi ka kahit sandali lang, tapos ngayon ang bilis bilis mo akong bitawan. Yan ba ang ibig sabihin ng ayaw akong saktan?

Hindi ko na napigilan, tumulo na yung mga luha ko. Dumilat na rin ako. Hindi ko pinupunasan yung mga luha ko dahil nakatiklop na pala ang mga kamao ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Deanna: Hindi kita maintindihan, Jema. Ganun ba ako ka-hindi importante sayo? Na kaya mo akong bitawan dahil lang sa nararamdaman kong to na ako naman ang gumagawa ng paraan para mawala? Ganun lang ba ako kadali bitawan ha, Jema?

Dun ako mas nasasaktan eh. Yun yung mas lalo dumurog sakin. Na nagexpect akong maintindihan mo ako. Na nagexpect ako na maybe ayaw mo aoo mawala sa buhay mo kaya you'd make a way para i-keep ako. This is just what it takes for you to leave me? Dahil lang may feelings ako for you? Sabi ko nga naman diba, I'm trying to move on! Am I pestering you? Hindi naman diba?!

Jema: D-Deanna please... H-Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan d-dito... Para satin din naman tong ginagawa ko, para mas madali para sayo, para sa future okay tayo...

Naninikip na yung dibdin ko. Tuloy tuloy na yung pag agos ng luha sa pisngi ko.

Deanna: You know what? Wag kang mag-alala. Hindi na rin kita papahirapan. You don't need to think about the result, the outcome, or anything about the future. Because ayoko na. Gagawin ko na gusto mo, ako na mismo lalayo. Mas maganda na to para parehas tayong hindi nahihirapan.

At dahil hindi ko na kaya pang matiis na makipag-usap pa, tumakbo na ako sa labas, sumakay sa kotse ko at humarurot paalis.

Punong puno ng luha yung mga mata ko kaya buti na lang nakakaya ko pa magdrive.

Nang makarating ako sa condo ko, agad ako dumiretso sa kwarto ko, nilock ang pinto at cinover ang sarili ko sa kama.

Ang sakit, sobrang sakit.

Iniisip ko kung magmomove out ba ako pero since nakaya naman namin mag iwasan dati ng dalawang linggo, two more weeks na iwasan ulit won't be much of a bother siguro.

Basta aalis ako sobrang aga and uuwi ako sobrang gabi. Ganun na lang.

Tuloy tuloy pa rin yung pag iyak ko hanggang sa namalayan kong nakatulog na pala ako.

***

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 21, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

the decade of longing [ jedean / gawong ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora