eight.

903 53 1
                                    

Ma. Deanna Izabella Wong
POV

Hindi naman ako bobo para hindi ko alam na sinadyang hindi kainin ni Jema yung ginawa kong breakfast para sakanya kasi iisipin niyang baka umasa ako.

Hindi ako bobo pero oo, tanga ako. Tanga ako kasi may part sakin na gustong magpatuloy pa rin, na hindi kunin yung hint na binibigay ni Jema.

May part sakin na umaasa na bumalik sa dati, na walang magbago. Na baka naguguluhan at nagulat lang siya ngayon kaya gustong mag isip isip muna.

Days turned into weeks na ganito kami lagi. Never niya na kinain pa yung mga breakfast na niluluto ko para sakanya.

Hindi na rin siya nagrereply sa messages ko.

Nasa iisang condo lang kami pero hindi na kami nagkikita kasi pag aalis ako for morning training, tulog pa siya. Pag uuwi naman ako from afternoon training, nasa condo na nga siya ulit pero nagkukulong naman sa kwarto.

2 weeks na lang babalik na siya sa states. At sobrang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari saming dalawa, sa kinahatnan ng dapat na life-time na pagkakaibigam naming dalawa.

Kung sanang hindi lang ako nagpakaselfish...

Kung sanang inisip ko lang kung ano mararamdaman niya.

Magkasama kami ni Bea ngayon sa bar na pagmamay-ari ng family nila. Nasa isang VIP room kami kasama namin si Ate Jho, Cy, Ponggay at Kobe.

Inom lang ako ng inom at nakikita ko sa mga mata nila na nag-aalala sila para sakin.

Ponggay: Huy, Wong. Anyare sayo? Tama na yan, nakarami ka na.

Deanna: Ha, ano Pongs? Nakarami na? Isang bucket pa lang to huy. Pa-order pa ng isa.

Bea: Tama na yan, Deanns. Tara na ihahatid kita sa condo mo.

Naramdaman ko naman na pinapatayo na ako ni Bea kaya naman sa inis ko ay tinulak ko siya na ikinagulat ng lahat.

Pero sa ngayon wala akong nararamdaman. Namamanhid ako. Yung puso ko halos wala ng nararamdaman kundi sakit to the point na hindi ko na rin maramdaman.

Deanna: Ikaw! Ikaw may kasalanan nito!

Bea: H-Ha? Anong sinasabi mo, Deanns?

Deanna: Tangina. Dahil sa mga sinabi mo sakin, nag end up akong umamin kay Jema! Tapos ano? Ngayon nasira na pagkakaibigan namin! Ikaw sumira ng pagkakaibigan namin!

Aatake pa sana ako pero naramdaman kong may humawak sa braso ko, si Kobe. Pinipigilan ako.

Bea: Anong ako?! Ayan ka nanaman, Deanna eh! Nabubulag ka nanaman sa pagmamahal mo sakanya! Baka nakakalimutan mo, siya yung hindi mahandle to ng maayos! Na kinaya niyang mawala ka sakanya sa isang pikit lang, dahil lang umamin ka!

Deanna: Manahimik ka!

Bea: Gumising ka nga, Wong! Noon pa lang kinaya ka na niya iwan kahit anong makaawa mo! Ngayon kinaya ka niyang bitawan dahil lang sa nararamdaman mo! Crap, why is it so hard for you to see your worth?! Bigay na bigay ka dyan kay Galanza, nakalimutan mo na mahalin sarili mo!

Deanna: Manahimik ka, De Leon! Wala kang alam!

Bea: Ikaw ang walang alam, Wong! Wala kang alam sa pagmamahal sa sarili! Bakit hindi mo matanggap sa sarili mo na hindi ikaw ang magpapasaya kay Jema?! Sarili mo naman iprioritize mo! Ginawa mo kasing mundo yung dapat tao lang!

Deanna: Aba'y gago ka ah!

Jho: PWEDE BANG TUMIGIL NA KAYO?!

Natigil ako sa pag atake ko sana ulit dahil sa lakas ng sigaw ni Ate Jho. Lumapit naman siya sakin at...

*PAK!*

Aray ko putangina. Sinampal ako ng malakas. Volleyball player to hayop.

Pero dahil sa sampal niya parang nawala yung kalasingan ko. Pati yung galit ko kay Bea konti konting nawala. Nabulag lang ako sa galit ko sa sitwasyon at sa sarili ko kaya sakanya ko nailabas.

Hinawakan ko ang mukha ko at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako umiiyak. Basang basa yung pisngi ko sa luha.

Napatingin ako kay Bea pero imbes na galit yung makita ko sa mata niya dahil sa sigawan namin kanina, awa yung nakita ko.

At doon ko naisip na oo nga, nakakaawa na ako. Habol ako ng habol sa isang tao na kahit minsan never naman ako naging as important as I thought I was sakanya.

Iniwan, hindi pinakinggan noon, at ngayon naman binitawan.

Jho: Ano? Nahimasmasan ka na, Wong?

It took me a while to nod. Lumilipad pa rin kasi yung isip ko.

Deanna: S-Sorry... nadala lang ako sa galit ko sa sitwasyon at sa sarili ko.

Ponggay: Bakit ka naman galit sa sarili mo?

Si Cy at Kobe ay nananahimik lang at nakikinig. Wala rin kasi silang alam sa nangyayari.

Deanna: A-Ang selfish ko kasi... for the sake of trying other angles para lang makamove on na ako, umamin ako kaya nasira friendship namin. Aamin ako tapos hihingin ko na sana walang magbago? Ang naive ko naman mag isip.

Ponggay: Hindi ka naman naive mag isip. It's just another way of telling na you don't want to lose her kaya this is you, trying other things to get over her. Hindi ka naman nag eexpect from her diba? Hindi mo naman siya pinupursue, sinabi mo naman na ang purpose mo ay malabas nararamdaman mo para makamove on.

Jho: You expected her to understand. Na baka your friendship is as strong as you thought it would be. Doon ka nasasaktan, Deanns. Hindi sa fact na nireject ka niya, pero sa fact na nagexpect ka na maiintindihan niya kasi you thought na she wouldn't want to lose you as much as you don't want to lose her.

Bea: I agree. Besides, you made it clear na you want to get over her, not pursue her. The rest is gonna be up to her, pero look at what she decided to do. You need to realize your worth, Deanns. Marami pa nagmamahal sayo, nandito kaming mga kaibigan mo.

Tumango naman ako at pinunasan yung mga luha na sunod sunod umaagos mula sa mata ko. I hate to admit it pero sobrang totoo mga sinabi nila.

I expected her to not want to lose me.

Kaso oo nga pala, nagawa na niya akong iwan dati. What more of bitawan naman ako this time?

Bumuntong hininga ako. Magyayaya na sana akong umuwi nang biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko kung sino nakita ko.

Deanna: J-Jema...?

***

the decade of longing [ jedean / gawong ]Where stories live. Discover now