CHAPTER 5

1.6K 39 0
                                    



Biglang natigilan si Wayne sa ideyang nabuo sa isip dahil sa sinabi ng ina. Pero agad rin niyang binura sa isip ang ideyang iyon. Kalokohan iyon. Hindi niya pakakasalan si Chrisma para lang mapadali ang problema nila tungkol sa kustodiya sa mga pamangkin nila. Besides, he'd already tried marriage for the sake of raising a child and it didn't end well for him. He was miserable for the entire two years he was married to Jemma and in the end, he still lost his little Maddie.

Pero simula't sapul naman kasi ay wala siyang karapatan kay Maddie dahil hindi naman niya tunay na anak ang bata. Ngayon, may legal na karapatan na siya kina Matt at Rachel. He won't lose them. And marrying Chrisma will finally put an end to his five-year-long repressed sexual desires for the woman! Still, it seems a bit underhanded. Yes, he was physically attracted to Chrisma. Sino ba namang lalaki ang hindi tutubuan ng pagnanasa para sa dalaga? Lalo na't sa tuwing magkikita sila nito ay tinutukso at inaakit siya nito.

Pero maliban doon ay wala na siyang iba pang nararamdaman para sa dalaga. Kahit na ano pang kalokohan ang sbaihin ni Gus tungkol sa mga inamin diumano niya rito noong lasing siya, wala siyang gusto kay Chrisma. Kaya naman sa palagay niya ay hindi tama na itali niya sa kanya ang dalaga sa pamamagitan ng kasal para lang maresolba ang problema nila sa kustodiya sa mga bata at mapagbigyan ang pagnanasa niya para sa dalaga.

"Hindi mo naman siguro iniisip na paghiwalayin ang mga bata, Wayne? Magkapatid sila. Kambal pa. Hindi sila maaaring maghiwalay. And if you try to do that, kokontrahin mo ang huling habilin ng kapatid mo na palakihin ng magkasama ang mga bata," wika ng mama niya na paroot parito sa loob ng opisina niya.

"Alam ko iyon, mama."

Nakasaad din sa huling testamento nina Xander at Michelle na kung hindi nila tatanggapin ni Chrisma ang responsibilidad sa mga bata ay isa sa mga ate ni Chrisma ang magpapalaki sa mga bata. Bagay na hindi niya papayagang mangyari. Dahil kumpara kay Chrisma na nakita niyang may tunay na malasakit sa lahat ng mga pamangkin niya, sina Nerissa at Talia ay halatang walang amor kina Matt at Rachel. Pawang pakitang-tao lang ang malasakit nina Nerissa at Talia sa mga bata. Kapag may ibang taong kaharap ay saka lang magiliw kina Matt at Rachel ang dalawang babae. Pero kapag wala nang ibang nakakakita sa mga ito, ni hindi pinapansin ng dalawa ang mga bata.

Bukod pa roon ay may mga anak na rin sina Nerissa at Talia. Duda siya kung maaalagaan ng husto ng mga ito ang mga pamangkin niya o kung papayag ba ang asawa ng mga iyon na magkaroon ng dagdag na bata sa bahay ng mga ito. Walang problema pagdating sa pinansyal na pangangailangan ng mga bata. May trust funds ang mga bata bukod pa sa mga naiwan nina Xander at Michelle na lahat ay sa mga bata mapupunta. Pero pansamantalang hahawakan nilang dalawa ni Chrisma ang mga iyon bilang guardians ng mga bata.

At sakali mang wala ni isang kusing na naiwan sina Xander at Michelle para sa mga anak ng mga ito, hindi rin naman iyon magiging problema. Dahil handa siyang tustusan ang mga materyal na pangangailangan ng mga pamangkin niya. Ang pinoproblema niya ay ang mga pangangailangan ng mga bata na hindi nabibili ng pera. Iyon ang hindi niya sigurado kung paano niya mapupunuan. Patunay na ang ginawang panenermon ni Chrisma sa kanya kanina bago ito umalis. Hinila siya ng dalaga sa isang tabi ng opisina niya at masinsinang kinausap.

Sa kauna-unahang pagkakataon, walang kislap ng kapilyahan o kaaliwan sa mga mata ni Chrisma. Ang tanging naroon ay pagkayamot at dismaya sa kanya.

"Handa akong alagaan at palakihin mag-isa ang mga bata, Wayne. Pansin ko hindi ka masyadong close sa kanila. Hindi ko alam kung dahil lang iyon sa pinapa-alala nila si Xander sa iyo kaya mo sila gustong iwasan. Pero sa tingin ko ay hindi lang iyon ang rason mo. Naalala ko kasi na nabanggit ni Xander sa akin noon na parang nagbago ka na raw sa pakikitungo mo sa mga bata. Hindi mo na raw masyadong pinapansin sina Matt at Rachel ngayon kumpara noong bago ka umalis at magpunta ng States," seryoso ang anyo at tono ng dalaga.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSWhere stories live. Discover now