CHAPTER 8

1.5K 35 0
                                    


          Ilang minuto nang nakahiga sa gitna ng kama niya si Chrisma. Memoryado na nga niya ang bawat sulok ng kisame ng isa sa guestrooms sa bahay nina Xander. Pero hindi pa rin siya makatulog. Maya-maya pa ay naramdaman niyang kailangan niyang gumamit ng banyo.

Bumangon siya mula sa kama. Isinuot ang ang bedroom slippers niya at lumabas ng silid. Matapos gumamit ng banyo ay kumalam naman ang sikmura niya. Nagtungo siya sa kusina at doon ay nakita niya ang nakatalikod na pigura ni Wayne. Pinaunlakan nito ang hiling ng mga bata na magtagal roon hanggang sa oras ng pagtulog ng mga ito. Pero nang makatulog na ang mga bata ay siya naman ang kumumbinsi rito na dito na ito magpalipas ng gabi. Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan. At nag-aalala siya na baka madisgrasya ito sa daan lalo pa't nakita niyang panay na ang hikab nito. Nakumbinsi naman niya ito. Sa silid nina Xander at Michelle ito natulog.

O mas tamang sabihing dapat ay natutulog na ito sa silid nina Xander at Michelle sa halip na narito sa loob ng kusina. Nakatayo ito sa harap ng kitchen sink, nakatukod ang mga kamay sa gilid ng sink at nakayuko. Sa tabi ng kanang kamay nito ay mayroong mug na hindi niya alam kung may laman o wala. He looked so sad and alone. She could plainly see his grief in his slumped shoulders and bowed head.

"Wherever there are people giving gifts, exchanging cards, I believe that Christmas is truly in their hearts..." malakas na kanta niya bago tuluyang pumasok sa kusina. Sinadya niyang gawin iyon para masigurong maririnig siya nito. Nang sa gayon ay magkaroon ito ng pagkakataong ikubli ang lungkot na hindi sinasadyang nakita niya. Batid kasi niya na hindi nito gugustuhing makita niya ang panghihina ng loob at pagkalumbay nito.

Tulad ng inaasahan niya, diretso ang tayo na animo naka-attention na sundalo ang anyo nito nang pumihit paharap sa kanya.

"September pa lang, Chrisma, malayo pa ang Pasko," patag ang tonong komento nito.

"Sus! Para kang wala sa Pilipinas. Dito basta Ber-months na, simula na ng Pasko. Bakit gising ka pa rin? Namamahay ka ba? Gusto mo ipagimpla kita ng gatas? Pero according sa studies, mas mabisang pampatulog daw ang good night kiss. Sabi na kasi sa iyo eh, dapat nag-good night kiss ka sa akin kanina, 'di sana tulog ka na ngayon."

Bahagyang napangiti naman ito.

"Kaya ba gising ka pa rin? Because I didn't give you your good night kiss?" anito sa pormal na tono pero huling-huli niya ang panunudyo sa mga mata nito.

Bagay na hindi niya inaasahan kaya napangangang tinitigan lang niya ito.

"Seryoso? You'll give me a good night kiss?" bulalas niya.

"Of course not. I'm not easy, Chrisma. Hindi pa naman kita nobya, bakit kita hahalikan? Manliligaw ka pa, hindi ba?"

"Meaning, kapag nanligaw ako sasagutin mo ako?"

"Perhaps. Perhaps not."

Napasimangot siya.

"Ano'ng klaseng sagot iyon?"

Nagkibit-balikat lang si Wayne. Pagkuwan itinaas nito ang mug nito sa direksyon niya.

"Want some coffee?" alok nito.

"Sure!" tango niya na lumapit dito.

Inilapag ni Wayne sa sink ang mug nito at akmang bubuksan ang cabinet na kinalalagyan ng coffee mugs. Pero dinampot na niya ang mug nito at doon humigop.

"Hmm...coffee and Wayne, my favorite drink!" pilya ang ngising kindat niya rito nang maang na mapalingon ito sa kanya.

Iiling-iling na inilapag ni Wayne sa sink ang mug na kinuha para sana sa kanya. Sinalinan nito iyon ng kape mula sa coffee maker at tinimplahan ng asukal at creamer bago iniabot sa kanya.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSWhere stories live. Discover now