CHAPTER 11

2.8K 68 1
                                    


 Hindi alam ni Wayne kung ano ang iisipin habang nagmamaneho patungo sa bahay nina Xander. Kaninang tanghali ay tumawag si Chrisma na papunta na raw ito sa opisina niya sa main branch ng Indigo Bookstore. Pero makalipas lang ang ilang minuto ay tumawag ulit ito at sinabing sa bahay na lang nina Xander sila mag-usap ngayong gabi. Hindi niya tuloy malaman kung good news ba o bad news ang ipababatid nito sa kanya.

Pero alinman sa dalawa ang magiging pasya ni Chrisma, iisa lang ang natitiyak niya, wala siyang balak isuko ang relasyon nila. Alam niyang nasaktan si Chrisma sa nalaman nito tungkol sa unang plano niya. Hindi niya ito masisisi kung mabawasan ang tiwala nito sa kanya. But he swore he would do everything to make her trust him again. He was not giving her up this time. This was his second chance with her. Hindi niya alam kung may pangatlo pa at ayaw niyang sumugal. Kahit taon pa ang bilangin ulit, handa siyang suyuin at ligawan si Chrisma.

Pagparada niya sa garahe ng bahay nina Xander ay bumaba siya bitbit ang binili niyang bungkos ng mga bulaklak para kay Chrisma.

But he immediately knew something was wrong when he entered the house. Bagamat sinalubong siya ng mga pamangkin niya sa pinto pa lang, hindi naman kasama ng mga bata si Chrisma na sumalubong sa kanya. Sa halip kinailangan pa niyang hanapin sa buong bahay ang dalaga. At natagpuan niya ito na nakatayo sa tapat ng bintana sa loob ng silid nito. And she looked like she'd been crying. Napabilis tuloy ang pagpasok niya sa silid. At halos iitsa niya sa kama ang hawak na bungkos ng mga bulaklak.

Hangos na lumapit siya kay Chrisma.

"Chrisma? Chrisma, what's wrong?" nag-aalalang untag niya sa dalaga.

"Ano ba ako sa iyo, Wayne? Tapatin mo na ako. Huwag mo nang patagalin pa ito. Pinagtitiyagaan mo lang ba ako dahil may libreng yaya ka para sa mga bata? O pinaiikot mo lang ako hanggang sa masiguro mong kahit ano gagawin ko para sa iyo?

"Kahit pa ang kusang isuko ang karapatan ko sa mga pamangkin natin? Lahat ng mga sinabi mo kagabi, bahagi lang ba iyon ng palabas mo dahil alam mong malapit na kitang mabuko gayong hindi pa sapat ang mga pekeng ebidensya ninyo ng Mama mo laban sa akin?!" matigas ang tono ni Chrisma nang magsalita.

Pero nang harapin siya nito ay halos mapauklo siya sa sakit dahil sa nababasang kamiserablehan sa mga mata nito. Hindi na nga lumuluha ang mga mata nito pero malinaw na malalim ang sugat sa kalooban na iniinda nito. Halos manginig ang mga kamay niyang maingat na dumapo sa mga pisngi nito.

"What are you talking about?! Chrisma, sinabi ko na ang totoo sa iyo kagabi. Please, maniwala ka sa akin," samo niya sa dalaga.

"Why did you have to make me fall for you? Why did you have to break my heart? Why---oo, alam ko sounds familiar ang mga sinasabi ko. Nabasa ko yun dun sa isang librong pinabasa mo sa akin! Pero seryoso ako, galing sa puso ko 'yun!"

"Chrisma---"

"Patapusin mo muna akong magsalita! I love you! I love you! I love you! I'm so in love with you! Iniirog kita! Iniibig kita! Ano pa? Gusto mo tumiwarik pa muna ako bago ka maniwalang mahal kita?!"

Saglit na natigilan si Wayne. Pagkuwan ay kusang umangat ang isang sulok ng mga labi niya. Pamilyar sa kanya ang mga linyang sinambit ni Chrisma dahil galing din ang mga linyang iyon mula sa parehong librong binanggit ni Chrisma kanina. Binibiro lang siya ng dalaga. Samakatwid, napatawad na siya nito. Pinaniniwalaan siya nito! Kahit siguro lumundag siya mula sa tuktok ng Mt. Everest ay maggagawa niya dahil sa sobrang kagalakan niya.

"When you say it like that it makes it hard for me to believe you, you know?" nakangising aniya.

"Wayne, naman! Limang taon na tayong magkakilala. Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin nari-realize na ang mga pagbibiro ko ay defense mechanism ko lang para itago ang totoong damdamin ko? Limang Pasko na ang dumaan, nasa Chapter One pa rin tayo hanggang ngayon dahil hindi mo pa rin ako kilala?!"

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSWhere stories live. Discover now