Chapter 6 - Ang Bagong Mrs. Joelle Montecillo

1.2K 29 1
                                    

 Joelle POV

 Nagising ako na nandito pa rin sa ospital. Nakita ko si Reese at Ben at si Kuya na nag-uusap-usap.

Kuya.” mahina kong tawag. Agad naman silang lumapit sa akin.

Joelle girl, how are you na?” mangiyak ngiyak na bati ni Reese sa kin. Nagbabakasyon siguro dito si Reese ngayon para magkasama ng nobyong si Ben. Yumakap siya sa akin at humalik. Ganon din sa Ben. “I'm so glad your awake.” Matipid akong ngumiti sa kanya. Kung ngumiti nga ang labi ko.

Kuya, gusto ko ng umuwi.”

Sige, tawagin ko si Dra. Baker para macheck ka ulit at uuwi na rin tayo.” sabi ni Kuya. Ang ibig kong sabihin umuwi ay umuwi sa Pilipinas.

Tinawag nga ni Kuya si Dra. Baker at kina-usap ulit ako. Pinayagan naman akong umuwi sa bahay pero hindi pa ng Pilipinas. May apat na session pa daw kami. Dalawang beses sa isang linggo para matiyak na okay na ko bago niya ko payagan umuwi ng Pilipinas.

Reese, ano ang balita sa Pilipinas?” nag-stay sila ni Ben dito sa bahay nina Kuya. Nasa basement kami. Kadarating lang niya, a week ago.

Hindi tumitigil si Tita Chelsie, sa paghanap kay JX pero wala pa rin magandang balita.” malungkot na sabi ni Reese.

Huwag kang mawalan ng pag-asa, Joelle, makikita rin nila si Bestfriend. Huwag kang susuko.” malungkot din na sabi ni Ben.

Hinding-hindi ko isusuko ang paghahanap sa asawa ko. Sana nga payagan na nila kong umuwi para maumpisahan ko na. Kailangan makita ko siya bago ko mailabas ang baby namin.” Hinawakan ko ang tiyan ko na alam kong nasa loob ang bunga ng pag-mamahalan namin ni JX.

Kanina, parang gusto ko na lang sumuko at mamatay. Pero naalala kong may buhay sa sinapupunan ko. Buhay na nagbigay sa akin ng bagong pag-asa para lumaban sa mundo at hindi isuko ang kanyang ama. Siya ang nag-iisang ala-ala ng kanyang tatay sa akin.

Anak, ngayon pa lang mahal na mahal ka na ni Nanay. Huwag kang mag-alala, mahahanap natin si Tatay.” sabi ko habang hawak ko ang tiyan ko.

Nanay at Tatay ang napag-usapan namin ni JX na itatawag sa'min ng anak namin. Gusto lagi ni JX ay tagalog ang tawag sa amin. Mismo noong nanliligaw pa lang siya ay Mahal ko ang tawag niya sakin. At naging Misis M, dahil Mister M ang tawag ko sa kanya, english rin dahil mahaba ang Ginoo at Ginang. At english din ang huli niya tawag bago siya nawala. My Princess Wife, pero dahil iyon ang title ng bago niyang album.

==

Natapos ang apat na session namin ni Dra. Baker at naging consistent naman daw ako sa mga sagot ko. Ang tanging comment lang niya at ang nawala ang buhay ng mga mata ko pati ang labi na hindi na marunong ngumiti. Pinilit ko pa ngang magbiro na babalik din ang ngiti ko pagnahanap ko na ang asawa kong magpapangiti sakin. Pero parang hindi na epektibo ang biro ko. Hindi sila natawa. Ako rin naman hindi napangiti. Nawala na rin ang pamimilosopo ko! Wala na kong sense of humour!

==

 March 3

Dumating kami ni Kuya Daniel sa NAIA Terminal 2. Sinamahan niya kong umuwi, hindi na sumama si Mama dahil siya ang nagba-baby sit kay JD pagkagaling sa school dahil nandito sa Pinas si Mommy at hindi rin makapag-leave si Ate Gel.

Nagulat ako sa dami ng mga reporter na sumalubong sa'min. May nag-leak na naman ng information na uuwi ako. Ang dami nilang tanong na hindi na naregister sa utak ko. Pero ng marinig ko ito. . .

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon