Chapter 41: JX Health Condition

1.2K 32 1
                                    

Joelle POV

Pagbaba ko sa lobby ay nakasalubong ko naman si Kuya Alex.

 “Joelle, I guess balik na ko sa pagiging PSG mo. Nakita ko sa news ang nangyari dito kaninang umaga. Sinugod ka pala ni Princess.” seryosong sabi ni Kuya Alex. “Hindi ka ba nasaktan?”

Hindi. Siya nga nasaktan ko.” Humagikgik pa ko.

Something change with you! Seems that you're back to old Joelle. Saan ang punta mo ngayon?”

Sa St. Luke's Hospital. Lika samahan mo na rin ako para makita mo na rin si JX.” Ibinigay ko yung susi ng kotse ko. Ipinagbukas din niya ko ng pinto sa backseat. Ayaw niya kong pauupuin sa passenger seat. Mas safe daw pag nasa likod ako. PSG talaga!

Nice car! That's why I love being your PSG, daming chicks ang napapalingon sa'kin.” he chuckles. Loko rin pala tong si Kuya Alex kala ko laging seryoso.

Natawa rin ako sa kanya. “Kaya mo ba nameet si Ate Dory?” Yung Misis niya ang tinutukoy ko.

Ha ha ha! Oo, akala niya – sa akin yung BMW dala ko dati nung minsan ipag-drive kita.”

Eh, kaya mo naman bumili ng BMW.”

 “Hindi pa. Magastos pa ang may maliit na bata. And it's not our priority, right now!” Oo nga pala, almost 2 years old pa lang ang anak nila - si Aldrin.

==

Pagdating namin sa St.Luke's ay nandoon na sina JX at Mommy. Humalik ako sa pisngi ng asawa ko at gayon din kay Mommy.

I-i-ikaw si A-a-alex, di ba?” tanong ni MKA kay Kuya Alex.

Yeah! I'm really happy that you're back, JX! Sorry, hindi kita nakilala sa Isla. Sana noon pa kayo nagkasamang mag-asawa.” mahigpit na kinamayan ni Kuya Alex si JX at nakahawak pa ang isang kamay niya sa balikat nito. Mukhang iiyak pa nga ito sa tuwa. Ha ha ha. Joke lang!

Pumasok na kami sa opisina ni Dr. Rene Romero, isang Neurologist. Kahapon ko pa nautusan si Ann para makapagpa-appointment dito. Bata pa si Dr. Romero, early thirties mukhang kagi-graduate pa lang. Halos kasing taas ko siya, maputi rin at palangiti.

Ipina-admit niya si JX dito sa hospital para gawan ng mga series of test tulad ng Cranial CT Scan.

Para ma-detect kung ano ang extend ng damage sa brain ni JX, baka may inflammation or abnormalities sa head and neck areas including the mouth, tongue, salivary glands, throat (pharynx), sinuses, nasal cavities, vocal cords (larynx), and ear. Katulad na lang ng pagka-utal niya.

Ka-ka-kailangan ba talagang i-admit a-a-ako?” Nasa itsura niya ang pagtutol habang napipilitan isuot ang hospital gown. Ako na mismo ang nag-asikaso sa kanya para mapalitan ang damit.

Gusto mong tuluyan gumaling, di ba? So, we need to do this! Don't worry, dito lang ako – hindi kita iiwan.” Tumango siya at niyakap ako. “Be a good patient then!” Nginitian ko siya at hinalikan sa labi.

Maya-maya lang ay may male nurse ng pumunta sa silid niya para kunin siya at isa sa isang silid kung saan siya i-c-ct-scan. Sumama ko sa kanya at ako ang nagtulak ng wheelchair niya. Kailangan kasi nakasakay pa talaga sa wheelchair. Si Mommy, umuwi na sa bahay para daw may kasama ang Triple J at hindi lang puro kasambahay.

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz