Chapter 20 - How did she know him?

983 24 0
                                    

Angelo POV

Hindi mawala sa isip ko kung bakit ako tinawag na JX ni Joelle kanina. Napaka-impossible mapagkamalan niya ako ang asawa niya. Nakita naman niya ko ng harapan at malayong malayo ako sa itsura ng napakakinis niyang kabiyak. Di kaya may diprensiya sa mata si Joelle?

Pero masaya ko dahil hindi nga siya suplada at nakipagkaibigan siya sa akin. Na-appreciate din niya ang pagbibigay ko ng mga bayabas at buko kahit huli na nagpasalamat pa rin siya. Kaya masaya ako pero nag-aalala rin dahil nasa ospital daw si Baby Jem ang nag-iisang babae sa Triple J. Sana ay ligtas siya.

Naisip ko ulit ang pagdadaop ng mga palad namin sa ikalawang pagkakataon. Naramdaman ko ulit ang init na para akong nakuryente at para akong kinilig. Kaya himas himas ko ang kamay ko at masayang umuwi ng bahay.

Bakit ngayon ka lang? Dapat ay kanina ka pa nakauwi? Bakit ba tinanghali ka naman? Saan ka ba nagsuot?” salubong sakin ng nakasimangot kong asawa. Hinalikan ko lang siya sa noo at nakangiti pa rin.

Dumarecho ko sa munting kusina at naghugas ng kamay para kumain ng almusal. Ipinaghain naman ako ni Princess. Habang kumakain ay pangiti ngiti pa rin ako dahil naiisip ko napabait talaga ni Joelle.

Bakit parang ang saya mo – saan ka ba galing?” tanong ulit ni Princess. Medyo mahinahon na ang tono niya ngayon.

Na-na-naghatid lang ng m-mga i-i-isda sa I-isla Jo-jon-elle!” nakangiting sabi ko.

Ha? Bakit?” usisa pa rin ni Princess.

Na-nag-punta d-don si Jo-Joelle at na-nagka-ki-ki-kilala kami. Ma-ma-mabait pa-pala siya.” excited kong kuwento.

Nagkakilala kayo? Nag-usap ba kayo?” parang namumutla ang tingin ko kay Princess.

Sa-sa-sandali lang ka-ka-kasi i-sinugod d-daw sa o-ospital ang ba-baby niya. Sa-sana nga ay ma-ma-maging ma-maayos siya. Na-na-nag-aaalala ako!”

Nakukuha mo pang mag-alala sa anak ng iba dito sa anak mo hindi ka nag-aalala.” pasinghal na sabi niya.

Napakamot ako sa ulo ko. “Pe-pe-pero ang i-i-ipinag-ta-ta-tataka ko ay na-na-napagka-ka-kamalan niya kong si J-JX!”

Ha! Nakilala ka ni Joelle?” lalong namutla si Princess at tumayo, naghugas ng kamay at nagmamadaling pumasok sa silid. Ano kaya nangyari don hindi ba siya natutuwa na napagkamalan akong guapo ni Joelle. Hindi kaya may diprensiya talaga sa mata si Joelle? At may diprensiya sa pandinig si Princess dahil sa nagkakilala kami ni Joelle pero sabi niya nakilala ako ni Joelle. Magkaiba yon di ba? Nakilala ibig sabihin dati na kong kakilala ni Joelle. Nagkakilala ay ngayon pa lang nagkita. Ewan ang gulo ni Princess, namutla pa siya.

Inay, inay, ihanda niyo yung ibang gamit. Luluwas tayo ng Manila.” sigaw ni Princess. Anong sinasabi ni Princess na luluwas ng Manila? Susundan ba namin si Joelle? Baka fans na rin siya ni Joelle.

Tinapos ko agad ang pagkain at nilinis ang mga plato. Pumasok ako sa silid namin. Nag-e-empake na si Princess. Inilagay sa dalawang maleta malaki ang lahat ng mga damit namin.

Ba-ba-bakit ta-tayo lu-lu-luluwas sa Ma-manila?” tanong ko.

Ah, pina-uuwi na kasi tayo ni Mama, gusto daw niyang makita si Baby Angela. Gusto niya mabinyagan na si Baby.”

Ga-ga-ganon ba? Gu-gu-gusto ko rin makilala ma-ma-magulang mo!”

Princess POV

Paano nagkita sina Angelo at Joelle? Nagkausap pa sila, at paano nakilala ni Joelle si JX? Kahit sino ay hindi makikilala si JX sa katauhan ni Angelo. Kung nakilala man o napagkamalan niya si JX si Angelo. Malamang babalik siya dito at babawiin niya sa'kin si JX. Dapat unahan ko siya. Malaki ang Manila at hindi niya kami agad makikita doon di tulad dito na magkakakakilala ang tao. Itatago ko si JX, hindi mo mababawi sa akin ang asawa mo bruhildang babae!

Tutoong pinauuwi na ko ni Mama dahil nasa China daw si Papa at magtatagal don. Kaya pagkakataon ko ng umuwi at pagnandon na papabili na lang ako ng ibang bahay or condo kay Mama para hindi makita ni Papa si JX pagbalik niya.

 Buti naniwala si Angelo na gusto ko lamang pabinyagan si Angela.

Be ready Joelle, we're playing hide and seek! I will make sure that you cannot find us!

[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]

M3: When Mr. Playboy Becomes Mr. Defecto (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora