Chapter Four: I kinda like it.

1.1K 41 0
                                    

Chapter Four: I kinda like it.

Nagtatakbo papuntang lababo si John samantalang pulang-pula naman si Kisha. Hindi niya talaga sinasadya ang nangyari. Pero inaamin niya, nagustuhan niya ito. Who would have thought that her first kiss will happen at this time? At this least expected kind of a person? Oh, a what a sweet nightmare!

Kahit hiyang-hiya ay lumapit si Kisha sa nasusukang si John.

“Are you okay?” She asked.

“Nahalikan ako ng kapwa ko babae tapos tatanungin mo ‘ko if I’m okay?”

“Sorry, hindi ko sinasadya.”

“Alam ko, hindi ka naman tomboy ‘di ba?”

Hindi siya sumagot. Naghilamos naman si John at nang matapos ito ay naglakad siya patungo sa silid ni Kisha.

“Papatawarin kita pag na make-up-an mo na ‘ko.” Sabi pa nito.

Sumunod naman sa kanya si Kisha. Kahit labag sa loob niya, wala siyang magagawa kundi sundin ito. Sobrang laki ng utang-na-loob niya dito at nadagdagan pa ng aksidenteng nangyari. Parang wala na nga siyang mukhang maihaharap dito. Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. She literally FELL in love and she fell into someone who will never dare to catch her. Ngayon pa lang, nasasaktan na siya, paano na lang pag nagtuloy-tuloy ito?

Parang kahapon lang, she wished to experience this thing. Tapos ngayong nandito na, parang gusto niyang pagsisihan. Hay naku! Totoo nga ang sabi nila, “be careful about what you wish for” dahil baka magkatotoo talaga.

****

(John’s/Johnna’s POV)

Pagkatapos niya akong make-up-an ay umalis agad ako ng condo niya. Mahirap na, baka makaisa ulit siya. Pero kanina, habang magkadikit ang mga labi naming dalawa, parang may kakaiba akong naramdaman. The feeling I thought I would never feel again. This can’t be! Pareho kaya kaming babae! Imagine, two lovely ladies nagsasama? But wait?! Did I just say it? Lovely siya? Hmm .. well, maganda naman talaga siya pero mas maganda pa rin naman ako! Bwahaha! Masyado na bang makapal ang fess ko?

It was not my first kiss and I can say that her lips tastes good as well. Aw, naughty thoughts! Shooooo! Go away! Pasingit-singit naman eh! But really, I kinda like it. Nag-inarte lang talaga ako kanina.

Teka, may meeting pala ako mamayang 1pm! At hindi ako haharap sa mga kliyente na ganito ang pagmumukha ko. Sabihin pa nila, basagulerong bading ako. Matawagan nga ang sekratarya ko at nang ma-i-pa-cancel na muna ang mga appointments ko ngayon araw. Magpapahinga muna ako kasi nanakit pa ang katawan ko.

“Hello Aimee?”

“Yes po sir? Esti! Miss?”

Eto talagang sekretarya ko. Matagal ko nang kasama ‘to pero hanggang ngayon hindi pa rin nakapag-finalize kung ano ang itatawag sa’kin. Psh.

“Cancel all my appointments today. You get it?”

“Yes po sir! Esti! Miss.”

“Thanks.” Sabay press ko ng end-call button.

Wala pang isang minuto ng tumunog ang cellphone ko. It’s my cousin Danica.

“Yes dear cousin?”

“Hello Johnnanina? Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Ano’ng masakit sa’yo? Nagka-fracture ka ba? Nagka-dislocation? Ipa-ayos natin ‘yan ngayon din.”

“Ikaw talaga Nicanina, OA much. Ayos lang ako ‘no? Baka mamaya malunod pa ako sa mga tanong mo at ‘yan pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko.”

Loka-loka talaga itong pinsan ko, minsan nga nagtataka ako kung ano’ng nagustuhan ni Andrew sa babaeng ito.

“Sobrang worried ako nang malaman ko ang nangyari, kamusta naman si Kisha?”

“Okay kaming pareho, so don’t worry na.”

“Ah, mabuti naman. Do’n ka daw nagpahinga sa condo niya?”

“Oo, nanghina kasi ako nang sobra. Ikaw ba naman makipagbugbugan sa tatlong hudas ‘no?”

“Oo nga eh, tingin ko nga. Pero may gusto sana akong itanong.”

“Ano ‘yon?”

“Hindi ka ba naakit sa kagandahan ng future sister-in-law ko?”

“Yuck Nicanina! Ano’ng klaseng tanong ‘yan?”

“That’s a super considerable question. Sobrang ganda kaya ni Kish?”

“Mas maganda pa sa’kin gano’n?”

“Oo.”

“Aray ko naman! Ba’t nasobrahan ang pagka-honest mo?! Huhuhu”

“Magtigil ka nga d’yan Johnnanina! Minsan kasi naiisip ko na baka gi-nu-goodtime mo lang kami d’yan sa bakla-baklaang drama mo. Like hello! Sobrang pogi mo kaya dati.”

“Ay bruha! Ipaalala ba naman sa’kin ang past ko? Hoy! That was 10 years ago. Sampong taon din akong nagdusa na ikulong ang tunay na ako ‘no?”

“Talaga lang ha? Eh, bakit sa loob ng 10 years wala ka man lang kahit na isang ‘rumored boyfriend’?”

“Eh kasi po, sobrang pihikan ako, at alam na alam ko ang mga hilatsa ng mga lalaki ngayon. Mahirap maghanap ng taong tatanggapin kung ano ako.”

“Sabagay, may point ka naman d’yan. Buti nga ako nahanap ko na.”

“Oo nga eh, akalain mo? Napagtiyagaan ‘yang pagka-mongoloid mo?” Nyahahahaha.

“Hoy! Ako naman ‘yong pinakamaganda sa lahat ng mga mongoloid ‘no?”

 “Ansbdsbfhdbfdbjfnbjng. Tooooooooooot” Natatawang pinatay ko ang cellphone ko.

Mahirap na, baka makaganti pa siya. Pagdating ko sa condo ko, nahiga agad ako sa kama. Ramdam ko ang dahan-dahang pagsara ng talukap ng mga mata ko.

Mga ilang minuto pa lamang akong nakakatulog nang magising ako dahil naramdaman kong may yumakap sa’kin. I opened my eyes and saw her, Kisha. She’s smiling sweetly at me. I don’t know what to do.

Would I tell her to stay out of my bed and eventually leave me alone? Hindi. Parang hindi ko kaya. Without noticing her face coming towards me, she did it again. I mean, it happened once again. Our lips met, this time in a passionate way. I couldn’t believe I’m giving in with her kiss until .. my cellphone alarms!

It says: Meeting at 1pm! ‘Langya! Bakit hindi ko na delete ang reminder na ‘to? Tsk.

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Where stories live. Discover now