Chapter Fifteen: Aragon Clan.

851 32 0
                                    

Chapter Fifteen: Aragon Clan.

(Kisha’s POV)

It’s not everyday that I find a person quiet like you …

Perfect everyway …

Ano ba?! Hindi ba talaga ako titigilan ng ‘John-syndrome’ na ito? Kay aga-aga nang-aasar na itong utak ko!

I finally found the nerve to confess that it’s you … that I want …

I don’t care if I act a fool I would d*mn near beg for you …

Iminulat ko ang isang mata ko at na realize kong hindi pala panaginip o guni-guni ang naririnig ko. Ringtone ko nga pala ‘yong kinanta ko sa kanya sa office niya. I pick-up my phone and press the answer key.

“Hello?”

“Hi there sissy!” Pamilyar sa kanya ang boses na ‘yon … inilayo muna niya sa tenga niya ang cellphone niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Tama nga siya! It’s her Kuya Ricky!

“Hello Kuya!” Biglang sumigla ang boses niya.

“Kamusta na ang princess namin?” Tanong nito.

“I’m okay.”

“Weh? ‘Di nga? You don’t sound like you’re okay.”

“Na miss kasi kita eh … I haven’t heard from you for a month. Hindi na tayo nag-sa-skype at wala ka na ring update sa facebook mo. Nakakasama ng loob.” Sa kanilang dalawa ni Kuya Andrew, mas close ako sa kanya kasi madalas niya ‘kong i-spoil nang nandito siya. Kaya lang kailangan niyang asikasuhin ang pag-e-expand ng company namin sa ibang bansa kaya umalis siya. Kung hindi siguro ako naging busy sa kakahabol kay John, siguro nabagot na ‘ko kakahintay sa mga sagot niya sa mga e-mails ko sa kanya.

“Pasensya na prinsesa, kinid-nap kasi ako nang isang amerikana dito eh.” Natatawang sabi nito.

Napataas naman ang kilay ko. Sino kaya ‘tong magiging kahati ko sa Kuya ko? He sounds like me … In love. Sana naman kasing bait ni Ate Nica.

“At nagpakidnap ka naman?”

“Maganda eh … mahirap tanggihan.” Natatawang sabi nito.

“Ipinagpalit mo na nga talaga ako.” Kunwari’y nagtatampong sabi ko.

“Hindi ‘no! Ikaw pa rin ang prinsesa ng mga Aragon … pwera na lang pag nagpalit ka na ng apelyido.”

“Hindi na siguro mangyayari ‘yan Kuya.”

“Whaaaaaaaaat? ‘Wag mong sabihin may plano kang maging old maid?! Sayang ‘yang ganda mo pag nagkataon.”

“Kuya, hindi mo naman ako kailangang bulahin para lang pagtakpan ang kasalanan mo sa’kin eh …” Sabi ko sa kanya na kunwari’y nagtatampo pa rin.

“Hindi naman kita binobola eh … bakit, hindi ba totoong maganda ka?”

“Totoo.” Ang kapal ko din eh! Nyehehe!

“Oh, ‘yon naman pala eh?”

“Eh! Kahit na, nagtatampo pa rin ako sayo.”

“Alam ko, kaya nga bumili ako ng mga damit at sapatos sa US at Japan eh … sunduin mo na ‘ko. Pababa na ‘ko ng eroplano.”

“Whaaaaaaaaaaaaat?! Totoo bang sinasabi mo Kuya?!”

“Yup, I wanted to surprise you kaya hindi ko na sinabi sa’yo pero alam nina Mom at Dad ‘to. Pati na rin si Kuya Andrew.”

“Ang daya n’yo naman! Hmp!”

“Oh, ‘wag nang magtampo. Sayang ‘tong mga pinamili ko para sayo … Ipamimigay ko na lang to sa mga pulubing madadaanan ko kapag hindi mo ‘ko sinundo di ---- ”

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Mabilis pa sa alas kwatrong nagpunta ako sa CR upang mag shower. Miss na miss ko na si Kuya at excited na rin akong makita ‘yong mga pinamili niya para sa’kin.

In my 22 years of existence, ngayon lang ako naligo ng five minutes at humarap sa salamin ng five minutes rin. Nagmamadali akong tumakbo patungong garahe. Nakita ko naman sina Daddy at Mommy na nagkikilitian sa aming mini garden.

“Ehem … alis na po muna ako.”

Napahinto naman sila at sabay na nagtanong.

“Sa’n ka pupunta?”

“Eh ‘di susunduin ang magaling n’yong anak. Tsaka ko na kayo pag-uumpugin ‘pag nandito na siya.” At mabilis na akong nag-disappear sa kanilang paningin. Narinig ko pa ang malakas nilang tawanan. Hay naku! May pinagmanahan talaga ako.

***

Nang makarating si Kisha sa airport ay nakita niya agad ang Kuya niya. She run towards him and hug him tight.

“Na miss kita Kuya!”

He hug her back. “I miss you too princess!”

“Tara na sa bahay Kuya, excited na ‘kong makita ‘yang mga pasalubong mo sa’kin eh.”

“Alam ko. Kaya nga hindi ako sure kung ako ba talaga o ang mga pasalubong ko ang gusto mong makita eh!”

“Kuya naman eh … syempre ikaw.”

At ginulo niya ang buhok ko.

“Arrgh! Kuya naman! ‘Wag mong guluhin ang buhok ko! Masisira beauty ko eh!”

“Maganda ka naman kahit hindi ka magsuklay at mag make-up eh.”

“Ewan ko sa’yo. Bolero ka talaga kahit kailan.”

And they both laugh at the top of their lungs as they walk toward Kisha’s car.

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Where stories live. Discover now