Chapter Sixteen: Secret revealed.

965 32 2
                                    

Chapter Sixteen: Secret revealed.

Pagdating nila ng bahay, nakahanda na ang kanilang tanghali-an. Hindi na nagtaka si Kisha nang makita ang Kuya Andrew at Ate Nica niya.

“Hi dear! Hello Ricks!” Bati sa kanila ni Danica sabay beso sa kanya.

“Hello Ate Nica! I’m glad you came!” Sabi naman niya.

“It’s nice to see you again Danica!” Masiglang bati naman ng Kuya Ricky niya.

“Ehem.” Pagpaparamdam ng Kuya Andrew niya.

“Bro! Kamusta?” Agad namang bati ni Ricky sa nakakatandang kapatid.

“Mabuti naman bro. Eto ikakasal na. ‘Langya ka talaga! Hindi ka dumating no’ng engagement party namin.” Sagot ng Kuya Andrew niya.

“Hindi kasi maiwan ‘yong business natin do’n eh. ‘Di bale, hindi naman ako mawawala sa mismong kasal n’yo.”

“Dapat lang! Ibibitin kita ng patiwarik kapag hindi ka dumating.”

Nagtawanan silang lahat.

“Ehem! How are you son?” Tanong ng Daddy niya.

Nagulat pa si Ricky nang bigla siyang niyakap ng pagkahigpit-higpit ng Mommy nila.

“I’m more than okay Dad!” He said grinning.

“Parang alam ko na ‘yang ngiting ‘yan anak … ganyan-ganyan din si Andrew no’ng makilala si Danica eh.” Sabi naman ng Mommy nila.

Napangiti naman si Danica sa sinabi nito.

“At ganyan din ako nang makilala ko ang Mommy n’yo.” Sabi naman ng Daddy nila.

Kinurot naman ito ng Mommy niya.

“Kunwari’y ka pa Mommy, halata namang kinikilig ka eh.” Sabi naman ni Kisha.

At nagtawanan silang lahat.

“Kain na po tayo! Kanina pa po ako nagugutom eh!” Pagyaya sa kanila ni Ricky.

Naupo na sila sa hapag-kainan. Nag-uusap ang lahat tungkol sa business na nasa pangangalaga ng Kuya Ricky niya samantalang si Kisha naman ay tahimik lang na kumakain which is very unusual of her. Madalas kasi, ‘pag kumakain sila, ito ang hindi nauubusan ng ikini-kwento.

***

(Kisha’s POV)

Nabaling sa’kin ang lahat ng atensyon. Medyo naninibago siguro sila kasi hindi na ‘ko naimik simula nang nagsimula na kaming kumain.

“Is anything wrong princess?” Tanong sa’kin ni Kuya Ricky.

“Wala naman Kuya. Na-a-out-of-place lang ako sa topic n’yo.” Pinilit kong ngumiti.

Sa totoo lang, kanina ko pa naiisip si John. Natatakot ako sa maaring mangyari sa pagdistansya ko sa kanya. Sabi kasi nila, may dalawang pwedeng mangyari ‘pag lumayo ka sa isang tao. It’s either he will miss you or he will learn to live without you. Ayokong maging nega pero sa estado ng relasyon namin, kung relasyon na ngang matatawag ‘yon … parang malabong ma miss niya ‘ko. I’m just hoping na sana … naramdaman niya ang pagmamahal ko sa kanya.

Tumayo na ako pagkatapos kong kumain. Maya’t maya pa ay nagsitayo na rin sila. Nagkayayaan silang manood ng movie sa movie room. Sinadya talaga ni Dad na magkaroon kami ng movie room sa bahay dahil pare-pareho kaming mahilig manood ng movies at ito ang palaging ginagawa namin kapag nagkakaroon kami ng oras na makapag bonding.

Naka pwesto na kami ngyon sa isang sofa sa harap ng isang malapad na flat screen TV. Napapagitanaan ako nina Kuya Ricky at Ate Danica. Nagulat ako nang bigla akong siniko ni Ate.

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon