How to Write your First Chapter

6.7K 300 28
                                    

How to Write your First Chapter


Looking at a blank page can sometimes be intimidating. Like hindi mo alam kung saan uumpisahan. Paano mo ba siya isusulat?

You don't need to make it fancy. Ang kailangan mo lang gawin ay kunin ang atensyon ng iyong readers. Normally, sa mga first chapter iniintroduce ang iyong characters mostly the MC. Kailangan mo'ng maglaro sa part na ito dahil medyo mabagal ang chapter one at minsan ay boring talaga basahin.

Pwede mo siyang umpisahan sa description ng mga nakikita o nararamdaman ng character. Pwede mo rin itong umpisahan sa dialogue.

"Nahuli kita, hwag mo nang itanggi!" sigaw ng Patricia kay Alex habang hinahampas nito ng bag ang lalaki.

Na-grab ba nito ang atenyson mo? Curiosity? Ano kaya ang ginawa ni Alex para magalit si Patricia? Ano yung nakita ni Patricia na ginawa ni Alex?

Takip ng batang si Leia ang bibig ng kanyang nakababatang kapatid na si Leo. Mabigat ang paghinga nila at puno ng takot ang mga mata. Pinanood nila na lumagpas ang kanilang ama mula sa kanilang pinagtataguang closet.

Ano'ng nangyari? Bakit sila nagtatago?

You need to grab your readers attention. Natural na umiiral ang curiosity natin sa mga bagay bagay. Hindi tayo magiging komportable unless malaman natin yung sagot sa tanong natin.

Sino ang pumatay? Paano niya pinatay? Bakit siya pumapatay?

Kadalasan ginagawa ko 'to sa Prologue, para kahit boring ang Chapter One, okay lang. Kasi at least nakapagbigay ka ng hint tungkol sa nilalaman o pupuntahan ng kwento mo. Paglaruan mo ang timeline mo.

 Paglaruan mo ang timeline mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Elements of WritingWhere stories live. Discover now