Why Your Readers Drop Your Book

6.2K 279 59
                                    

Why Your Readers Drop Your Book


Bakit paunti nang paunti ang nagbabasa ng story mo?

1. Lahat ng exciting na scenes ay nangyari na at nagiging boring na ang mga updates.

I know na exciting talaga magsulat lalo na kung shining shimmering splendid pa yung idea. Ganadong ganado. Wow ang ganda ng naisip mo'ng story. Gusto mo mapunta kaagad sa scene na nakaka-mindblown at makakuha ng comments/praise from your readers! Awesome plot twist, nakakaloka, etc.

Sa part na ito dapat nag-titira ka ng questions na hindi pa nasasagot.

For Example:

Kilala na ang killer sa story mo. Alam na nila yung backstory and kung bakit siya pumapatay. Mag-tira ka ng PAANO niya pinapatay or SINO ang susunod niyang papatayin? Hwag mo'ng ibagsak lahat para may abangan parin ang readers sa story mo.

2. Bland characters. Your readers just don't care about them.

Bland as in walang personality. Naging bida lang kasi ginawa mo siyang bida pero sa totoo lang wala siyang ipinagkaiba sa vase ng bulaklak.

Paano siya naging protagonist? Kailangan siya ang mag-move ng story. Hindi yung story ang nagmo-move sa kanya.

Make your readers care about your characters. Kasi kung wala silang pakialam, mahirap basahin ang story mo. Tanungin mo sa sarili mo kung ano ba yung mga tipo ng characters ang paborito mo? Yung tipong malulungkot ka kapag namatay? Yung humorous ba? Bad boy with a good heart? Yung ultimate bestfriend na dedicated?

Mahalaga talaga ang pagbabasa para madiscover natin ang mga gusto o hindi natin gusto.

3. Ang tagal mo mag-update. HAHAHA! (You're not alone~ Together we stand~)

Well. Wala akong payo rito kasi ako 'to. LOL Problema talaga ito ng mga Pantsers. Wala kasi tayong draft at palagi tayong naliligaw o nabblanko. Pinipilit ko nalang talaga mag-update kahit wala akong maisip. Kaya masaya ako sa pag-gamit ng 3rd POV, pwede akong maging kahit na sino anumang oras.

4. Boring writing style. Minsan masyadong deep narrative. Deep words. Puro nalang narration/explanation. Ang tagal mag-move ng story.

Hwag na hwag mo itong gagawin sa start ng story mo. Super boring basahin. Yung tipong inexplain mo na lahat ng world building na isang bagsakan three pages long, o kaya sitwasyon ng bida mo about sa family, history, pets, etc.

Parang painting yan, paunti-unti dapat.

Deep words. Kung matured audiences ang target mo siguro ay okay lang ito. Pero keep in mind na puro kabataan or young at heart ang mga readers sa Wattpad.

Use easy or modern style sa pag-narrate. Tignan mo ang writing style ng paborito mong writers.

5. Inconsistency. Mali mali ang informations, nakakalito.

Mag-lista ka sa notebook ng mga info na ibinibigay mo para hindi ka maligaw. Notebook kasi mas madaling buklatin at tandaan kapag isinulat mo. Mahirap yung ikaw ang Author pero mas tanda ng readers mo yung sinulat mo. Kumain ka ng mani. XD

6. Jeje writing style. Maling grammar at spellings (Fil / Eng).

Lalaki not Lalake. Bumili kayo ng Filipino or English Dictionary para makita ninyo ang mga tamang spellings. Pwede rin kay Google or ano mang web search ninyo. And set ninyo ang MS Word ninyo na i-capitalize lahat ng unang letra sa sentence ninyo.

7. Out of date. Napaglipasan na yung style ng story or masyado nang gasgas.

Sobrang cliche na niya. Wala nang ipinagkaiba sa ibang stories na nabasa ng karamihan. Lagyan mo ng shocking elements. 'At biglang dumating ang mga Aliens mula sa planet Tralala.' JK. Maglagay ka ng mga bagay na maa-appreciate mo bilang reader. Or ibang setting. Or characters na mamahalin nila para kahit cliche e enjoy parin.

8. Overly dramatic. Pang telenovela, lahat na ng pwedeng mangyari inilagay mo na.

Simplicity is beauty. Mas realistic mas maganda at mas makaka-relate ang readers mo. Mas madali silang mapupunta sa mundo na ginawa mo. Mas magaan sa dibdib basahin.

Lahat ng problema ibinigay mo na sa characters mo? Sadista? Pagpahingahin mo naman readers mo. Ang dami na ngang pinoproblema tinadtad mo pa sila. Hahaha! XD

 Hahaha! XD

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jun 29, 2019 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Elements of Writingजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें