Characters

6K 268 15
                                    

Characters


Kadalasan ng mga characters na ginagawa ko ay yung almost perfect. Pero hindi ko sila ginagawang santa or what. Mayroon silang flaws like for example si Samantha – Mayaman, Maganda, Matalino pero mapagpanggap. Now, bakit niya ginagawa iyon? Dahil mayroon siyang bubog sa puso niya. Gusto niya ng atensyon at magustuhan ng lahat. May pagka-childish siya, reckless, at may mga maling desisyon siyang ginagawa sa buhay niya. This way, maipapakita na tao siya. At may mga nakakarelate sa pinagdaraanan niya.

Pero dapat may mga redeeming qualities din ang character mo.

For example si Iron Man. Diba may pagka-playboy siya? Arogante, narci, siya lang matalino kaya dapat makinig ka sa plano niya. Bawal mag-share ng stupid ideas dahil ililibing ka niya sa kanyang sarcasm.

Pero bakit gusto parin natin siya? Kasi despite all of these traits, nakita natin yung pinagdaanan niya at yung pagiging heroic niya.

Hindi lang dapat ito sa mga Main Characters nilalagay dapat sa mga Villains din like LOKI. (Oo capslock dahil baby son ko siya. He's so precious!) Diba kahit na gumagawa siya ng masama, hello? Binigyan parin siya ng redeeming qualities. Hindi siya pure evil.

Isali na rin natin si Thanos. Gets natin yung gusto niyang gawin. Maganda sana yung layunin niya pero nagawa niya sa maling paraan.

Sa paghulma ng characters dapat ipakita natin kung bakit naging ganoon ang personality nila. Ano ba yung mga nakaapekto sa kanila kung bakit sila naging ganoon in the first place.

Iwasan natin yung pure black at pure white.

Iwasan natin yung pure black at pure white

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Elements of WritingWhere stories live. Discover now