Point of View

4.9K 250 16
                                    

Point of View


Bago ka mag-start sa pagsusulat ng story mo, dapat may napili ka nang POV. Mayroong 1st, 2nd, and 3rd POV na pwede mong pagpilian. Piliin mo kung saan ka magiging komportable.

Ano ang 1st POV?

Ito ang paggamit ng boses ng character mismo. Ano yung nakikita o nararamdaman niya, firsthand mong isusulat.


Nakita kong tumatakas na naman ang pusa kong si Ponkan. Palabas siya ng gate namin habang nagca-catwalk. Napaka-gala talaga ng pusang ito!

"Hoy Ponkan, pumasok ka! Saan ka na naman pupunta?" sigaw ko habang lumalapit kung saan siya. Saka ko siya binuhat papasok ng bahay.


Sa paggamit ng POV na ito, nakasentro lang siya sa iisang character. Maraming nakatago sa kanya at kung minsan ay hindi reliable. Kung ano lang ang nakikita niya o naririnig, iyon lang ang malalaman mo bilang reader.


Ano ang 2nd POV?

Madalas itong ginagamit sa mga diary entries. Kadalasan ay nakasentro ito sa iisang target.


Nakita kita sa basketball court. Kausap mo si Rena at mukhang masaya kayong dalawa. Pero hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?

Kung saakin ka nalang sana, hindi kita ipagpapalit kahit kanino.


Mayroong YOU sa Netflix, galing iyon sa isang book na example ng 2nd POV.


Ano ang 3rd POV?

Sa third POV naman, malawak ang target nito at pwedeng magpalit palit ng characters na iniikutan. Malaya kayo na isulat lahat ng nakikita ninyo dahil ito ang POV mo bilang author. May mga sikreto rito na pwede mong malaman kahit na hindi pa alam ng character mo.


Sinabi ni Marikit kay Anthony kung sino ang nakita niyang lumabas ng bahay nina Mildred noong gabi bago ito mamatay. Hindi niya alam, ang lalaking kanyang kaharap ay isang kasabwat ng kriminal.

Samantala, si Anthony ay pinagtatawanan ang katangahan ni Mildred. Sa lahat ng pagkakatiwalaan nito, siya pa ang napili. Kung naging matalino lang sana ang babae, siguro ay humaba pa ang buhay nito.

 Kung naging matalino lang sana ang babae, siguro ay humaba pa ang buhay nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May gusto pa kayong malaman bukod sa mga topic na inilagay ko rito?

Elements of WritingWhere stories live. Discover now