Chapter 13: Lady With a Warrior Heart

882 58 4
                                    


Chapter 13: Lady With a Warrior Heart

Minsan napapatulala nalang ako habang iniisip yung nga nangyayari sa buhay ko. Medyo nahohome sick ako. Pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko dahil namimiss ko na si dad at yung mga friends ko sa second world. Ang dami ko kasing iniisip! Dumagdag pa yung mga bisita dito sa palasyo. Isa pa itong si Ilumina. Sa totoo lang ang weird weird na ng mga nangyayari ngayon.

Alam ko namang hindi masamang tumingin ng nakatalukbong ng itim mula sa gilid ng palasyo. Walang masama dun! Pero bakit siya pupunta sa gilid ng palasyo habang nakatalukbong ng itim, at parang nagmamasid sa mga tao mula rito? Parang may mali kasi.

"Pakiramdam ko may iba kay Prinsesa Ilumina," saad ko kay Liwa habang naghihiwa kami ng sangkap. Medyo malayo yung iba kaya hindi nila naririnig ang mga sasabihin ko.

"Ha? Paano mo naman nasabi?"

"Eh kasi nandun ako kanina sa may harapan ng palasyo sa pagdating ng mga bisita. Nakita ko siya sa may gilid ng palasyo na para bang nagtatago at nagmamasid sa gawi namin. Nakasuot siya ng itim na talukbong. Pakiramdam ko may kakaiba sa kanya."

"Baka naman ganun lang talaga siya? Hindi ba't napakabait naman niya?"

"Kaya nga eh. Alam kong napakabait niyang tao pero sa nakita ko... hayy sana nga nagkakamali lang ako."

"Kalimutan mo nalang yun, Loisel. Sa pagkakaalam ko kasi kay Prinsesa Ilumina ay napakamatulungin niyang tao kahit noong bata pa siya.."

Kahit sabihin niyang kalimutan ko yung nakita ko, hindi ko makalimutan kundi mas lalo kong iniisip kung may tinatago ba talaga siya. I'm so curious to the thought na binabalak kong pasukin yung kwarto niya at magtago sa pwedeng pagtaguan. Gusto kong makita lahat ng galaw niya.

"Ang pagkain ng Ginang Kriselda ay maaari nang ihatid sa bahay-bisitahan. Imelda, iyong ihati—"

"Manang ako nalang!"

Bago pa matapos si Manang na utusan si Imelda-whoever ay nagpresenta ako nang narinig ko ang pangalan ni Kriselda Luna. I think it's my oppurtunity to observe her. Aside from Ilumina, I am also curious about them dahil nga sa napapanaginipan kong mga bagay these past few days.

"Sigurado ka?" Tanong ni Liwa.

Tumango ako sa kanya tsaka ako lumapit kay manang.

"Sa tingin ko po ay ako dapat ang utusan niyo sa bagay na iyan. Alam ko ang mukha ng bisitang ginang dahil nandun ako kanina sa harap ng palasyo pagkadating nila."

"Kung gayun, kunin mo na ang kanyang pagkain at humayo papunta sa bahay-bisitahan."

Agad kong sinunod ang utos niya. Gumayak ako papuntang bahay bisitahan. Ang bahay bisitahan ay isang napakagandang istraktura na gawa sa mga bato. Malawak ang loob nito at napakakomportable. May sampung kwarto ito at lahat ay para sa mga mayayamang bisita.

Kumatok ako sa ikalimang kwarto sa ibaba. Bumukas naman ito at nakita ko ang Ginang na may mga perlas sa noo. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at itinurong pumasok ako sa loob. Nginitian ko naman siya at pumasok. Sa loob nang kwarto ay makikita mo ang painitan na may nagbabagang apoy. May isang malaking sofa sa harapan nito. Sa tabi nito ay may lamesa na may lamang mga aklat sa sulating ingles. May malaki ring bed sa may gilid.

"You may put that in here for awhile." Saad niya habang inaalis ang nga aklat sa table.

Iniayos ko ang mga pagkain niya sa lamesa. She was looking at me everytime. I can feel her mother aura. I wonder kung may anak siya. Habang nagaayos akon ng mga pagkain ay inililibot ko yung mga mata ko sa paligid. Pinagaaralan ko yung lugar at naghahanap ng mga bagay na maaaring makapagexplain sakin tungkol sa babae na nasa panaginip ko kung totoo man iyon.

Moonlight Sonata (Season 1 and Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon