Chapter 45: King of the West and the Queen of the South

475 43 3
                                    


Chapter 45: King of the West and the Queen of the South

ROSTAVIOS' POV

"Mahal na hari ng tanyag na emperyo ng Kanluran..."

Nagbigay pugay ang pinuno ng Bulubundukin ng Sitirus sa harapan ko ngayon, habang ako ay nakatingin sa kanila ng kanyang mga kasamahan. Nasa loob kami ng aming palasyo habang nakaupo ako sa aking trono. Nakahawak sa aking kamay si Ilumina habang nakatitig sa babaeng may kakaibang kulay na mga mata. Meron itong kulay lila at nakakaakit na kulay. Bagay na hindi pangkaraniwan.

"Ako si Hector, ang pinuno ng mga taong lobo mula sa bulubunduking lugar sa Hilaga," pagpapakilala niya.

Tumayo ako tsaka ako pumunta sa kanyang harapan para bigyan siya ng pormal na pakikipagkamay.

"Maraming salamat sa pagpunta rito kaibigan. Napakadami kong bagay na nabasa tungkol sa uri mo," sambit ko.

"Marahil ay alam mo kung bakit kami nagparito, mahal na hari," sambit ng babaeng may kulay lila'ng mga mata.

"Oo, binibini. Alam kong malapit na naman mangyari ang isang kakaibang pangyayari magi-isang daang taon na ang nakakaraan. Ang isang linggong kadiliman. Ang paggising ng mga bampira at paglabas nila mula sa kanilang lungga para makainom ng sariwang dugo."

"Tama ka, mahal na hari. Nandito kami para pagusapan ang plano tungkol sa pangyayaring 'yun. Ang ating mga ninuno ay palaging may magandang ugnayan sa isa't isa kung kaya naman ay kailangan nating tulungan ang isa't isa laban sa mga bampira," sambit ni Hector.

"Maraming salamat, kung gayun, kaibigan. Gusto ko sana kayong imbitahan sa tanghalian, dahil batid kong sobrang napagod kayo sa paglalakbay mula Hilaga. At habang tayo'y kumakain ay paguusapan natin ang mga bagay tungkol diyan."

***

"Ilang buwan na lamang ay magiisang daang taon na ang makakalipas pagkatapos ng huling paggising ng mga bampira sa hilaga. Ibig sabihin ay mangyayari na muli sa susunod na mga buwan ang nangyari noon." Sambit ni Hector.

Nakaharap kami sa hapagkainan habang nagsimulang kumain ang iba sa mga bisita.

"May mga nabasa ako tungkol sa kasaysayan na nangyari magiisang daang taon na ang nakalipas. Maraming namatay sa isang linggong kadiliman na 'yun. Halos maubos ang lahi ng mga tao. Sa hindi pangkaraniwang bilis ng mga bampira ay maaaring mangyari ulit ang bagay na 'yun," pagsabat ni Ilumina.

"Ang naturang bilis ng mga bampira at sensitibong pangamoy ang nagbibigay sa kanila ng pagkakataong mahanap ang mga tao sa kanilang mga pagtataguan. Sadyang matalino at makapangyarihan ang mga bampira, at hindi kakayanin ng aming grupo ang protektahan ang lahat ng mga taong nabubuhay ngayon," sambit ng isang lalaking may kalakihan ng katawan. "Ako nga pala si Wakin, mahal na hari, kapatid ni Zelena," turo niya sa babaeng may kulay lilang mga mata.

Tumango ako at nagisip.

"May moderno kaming armas laban sa pakikipagdigma," asik ko at uminom ng tubig. "Sa tingin niyo ba ay makakaya nitong talunin ang mga bampira?"

"Narinig nga namin ang inyong modernong paraan ng pakikipagdigma, ngunit ang bagay na 'yun. Malaki ang maitutulong nito laban sa mga bampira ng Castopeia ngunit hindi ito garantisado. Marami paring masasaktan at mapapahamak," sambit ni Hector.

"Ngunit 'wag kang mabahala, mahal na hari, may isang nilalang na makakatulong sa atin para protektahan ang mga tao dito sa kanluran," sambit ni Zelena at napatingin sakin.

"Sino?!" Tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Ang babaeng may tatlong kaluluwa."

Nangunot ang noo ko at napatingin kay Ilumina.

Moonlight Sonata (Season 1 and Season 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang