Chapter 53: Heart of the Darkness

440 40 0
                                    

Chapter 53: Heart of the Darkness


Nagising si Loisel sa isang pamilyar na lugar. Pagmulat ng mata niya ay nakita niya ang napakadaming libro at mga antique collections ng kanyang lola at lolo (second world) (Go back to Chapter 1: Ang katapusan ang Simula ng Lahat). Bagaman nagising ay hindi siya makagalaw at makapagsalita. Para bang nasa gitna siya ng isang sleep paralysis dahil kahit gusto nitong bumangon ay hindi umaayon ang kanyang katawan sa gustong gawin ng kanyang utak.

Hanggang sa napapikit siya sandali at nang nagmulat muli ay nakita niya ang mukha ni Liwa, habang siya ay nasa isang tila paraisong lugar dahil maraming mga bulaklak at mga paru paru sa paligid. Maaraw at maasul din ang langit habang ang hangin ay nagbibigay gaan sa kanyang pakiramdam.

"Liwa?" Tumakbo siya sa kanyang kaibigan na nakasuot ng hulos puting damit at niyakap ito ng mahigpit. "Buhay ka, Liwa!" Nang kumalas siya ay nakita lamang niya ang ngiti ni Liwa.

"Hindi lang ako ang nandito ngayon, Loisel." Sa sinabi ni Liwa ay napatingin si Loisel sa kanyang likuran, nakita niya ang mukha ni Apo Lara at ni Sigasig na kapwa nakasuot din ng puti.

"Apo Lara? Sigasig!" Mabilis na niyakap muli ni Liwa sina Apo Lara at Sigasig.

Lumapit si Liwa sa kanila.

"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon, Loisel?" Tanong ni Apo Lara.

"Ha?" Naudlot ang ngiti ni Loisel sa tanong ni Apo Lara. "Nandito ako ngayon... kasama kayo..."

"Subukan mong alalahanin ang mga nangyari kung bakit ka napunta dito sa lugar na ito," ngiti ni Sigasig sa kanya.

Nagisip ng malalim si Loisel hanggang sa naalala niya kung paano siya tumilapon sa dagat at naumpog sa isang malaking coral reefs. Naalala niya rin na patay na pala ang mga kasama niya ngayon dito.

"Patay na ako?" Tanong niya sa kanila habang nakapapahawak sa kanyang katawan.

"Buhay ka pa, Loisel..." tumingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang nagsalita, si Tersayah.

"Tersayah?"

"Ako nga. Alam mo, hahalikan sana kita eh, naalala kong si Sonata nga pala ang aking asawa, hindi ikaw," nagtawanan silang dalawa. "Buhay ka pa, Loisel," paguulit ni Tersaya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "Kaya bumalik ka na. Kailangan ka ng mga tao para iligtas sila."

Sa huling saad ni Tersayah ay parang nagising siya sa ilalim ng dagat. Agad niyang dinukot ang perlas mula sa kanyang bulsa na nakuha niya mula sa mga sirena sa Lawa ng mga Sirena. Agad niya itong sinubo at nilunok kasama ng ilang tubig dagat na kanyang naipasok sa kanyang bunganga.

Agad agad siyang tinubuan ng buntot ng isang sirena, at pagkatapos ay agad siyang nakahinga sa ilalim ng dagat. Lumangoy siya papataas at madaling nilabanan ang mga malalakas na alon ng dagat.

Nang nakaabot siya sa ibabaw ng dagat ay naramdaman niya sa kanyang mukha ang pagpatak ng mga ulan mula sa itaas. Napatingin din siya sa pampang at kitang kita  niya kung papaano tumitilapon sa hangin ang ilang mga kawal niya. Mabilis siyang lumangoy papunta sa pampang at nagtago sa isang malaking bato. Inuluwa niya ang perlas at tinubuan muli siya ng paa.

***

"Mahal na hari, halika na! Bakit ka tumigil?" Tanong ni Lila nang tumigil si Rostavios sa pagtakbo dito sa pusod ng dagat. Rinig na rinig mula sa malayo ang pagkahol ng mga lobong unti unting namamatay.

Biglang tumalikod si Rostavios sa kanya at tumakbo papunta sa pampang ng dagat.

"Mahal na hari, narinig niyo si Binibining Sonata!"

Moonlight Sonata (Season 1 and Season 2)Where stories live. Discover now