22

21.6K 427 24
                                    

HINDI pumayag ang parehong pamilya nina Dashrielle at Kaia na wala silang engagement party. Kaya naman two weeks bago sila ikinasal ay nagpahanda ang mga ito. Engrande iyon kahit kakaunti lang naman ang bisita. Karamihan ay kakilala lang ni Dashrielle at pamilya nito. Pinaka-kaunti ang sa kanya dahil wala naman siyang malapit na kaibigan. Wala rin siyang tinuturing na pamilya kundi si Manny Abenilla lang. Wala rin naman itong kamag-anak dahil isa itong orphan at lumaki sa ampunan. Mga kaibigan lang ng Daddy niya ang inimbitahan nito at kakaunti lang rin iyon.

Ang tanging nakakausap lang tuloy ni Kaia sa event ay si Dashrielle at ang mga college friends nitong si Cato, Pierre at Seymor. Pero kung ang pamilya nila ay masaya para sa magaganap na kasal, parang kaiba naman ang tatlo. Hindi iilang beses na narinig niya si Cato na nanghihinayang para sa pagiging bachelor ni Dashrielle. Clearly, the two guys are cut with the same cloth. Mukhang playboy ang lalaki at naiinis ito dahil akala yata ay napa-"tame" na niya ang lalaking kasama nito palagi sa gulo. Si Pierre naman ay tahimik lang. Naikuwento sa kanya ni Dashrielle na may pagkasuplado daw kasi ang lalaki. Samantalang si Seymor naman ay frustrated pa rin na "napasagot" niya kaagad ang lalaki.

"It should have been me," malungkot na sabi sa kanya ni Seymor nang makausap siya. Mukhang na-heart broken nga niya ito kahit hindi naman niya sinasadya.

Ngumiwi si Kaia. "You are a nice guy, Seymor. I'm pretty sure makakahanap ka rin ng babaeng para sa 'yo,"

"But not as easy as Dashrielle had..." mahina lang ang pagkakasabi ni Seymor noon pero umabot pa rin sa tainga ni Kaia. Hindi na nga lang niya iyon pinansin. Naikuwento nga rin sa kanya ni Dashrielle na may pagka-hopeless romantic ang lalaki. Atat na itong magpakasal. Ang hindi nga lang niya maintindihan ay bakit hindi nito subukan na magka-girlfriend. Guwapo naman ito. Pero ang sabi ni Dashrielle, wala pa raw niligawan si Seymor kahit minsan. Nagkakagusto ito pero madalas naman ay hindi nito tinutuloy sa panliligaw.

Inakbayan ni Dashrielle si Kaia. "Tumigil ka na sa pangungulit sa fiancée ko. She's already hitched and will be legally mine forever after two weeks."

Umingos si Seymor sa kaibigan. Tumahimik na rin ito. Pero napapansin pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito habang tinitignan silang dalawa ni Dashrielle.

Somehow ay parang nakonsensya tuloy si Kaia sa mga inaasal ni Seymor. Kung tutuusin, mas dapat na gustuhin niya si Seymor dahil mabait ito. Matutulungan rin naman sila nito sa business. Pero mas mahirap maging unfair sa taong mabait...

Para sa ikabubuti mo rin ito, Seymor... sabi na lang ni Kaia sa isip para pagaanin ang konsensya niya.

Wala namang naging problema sa party. In fact, nag-enjoy rin siya kahit na ba karamihan na naroroon ay hindi niya kilala. Halos lahat rin sa mga ito ay nagpaparamdam na masaya para sa kanila ni Dashrielle. Ang kinalulungkot lang siguro ni Kaia ay alam niyang pagkatapos ng kasal ay malulungkot rin ang mga ito.

At malapit ng masira ang lahat...

Pero inalis ni Kaia ang mga negative na nasa isip. She allowed herself to be happy. Lalo na at nakikita niyang masaya rin si Dashrielle. Gusto niya na nakikita na masaya ito. Kaya nga lang, hindi pa pala yata sapat ang engagement party para maging masaya ang lalaki. Pagkatapos kasi noon ay ipinagpaalam siya nito sa Daddy niya.

"I'll just take her somewhere po. Ibabalik ko rin siya, promise,"

"Dapat lang. Two weeks ko na lang siyang legally na solo na pagmamay-ari. 'Wag mo naman na ipagkait sa akin si Kaia,"

Tinawanan ni Dashrielle ang komento ng ama. "'Wag po kayong mag-alala. Kapag naging pasaway si Kaia ay ibabalik ko rin siya sa inyo,"

"I doubt about that," wika ng ama niya at hinayaan na silang umalis.

"Saan ba ang somewhere na 'yan?" tanong niya sa lalaki. Sinabi lang sa kanya ni Dashrielle na may pupuntahan sila.

"You'll see," wika nito at kinindatan siya. Hinawakan na nito ang kamay niya at hinila palayo sa event place. Nagpunta sila sa sasakyan nito. He is using his Toyota Hilux today. Pinasakay siya nito sa passenger seat.

"Wala ka ba talagang balak sabihin?"

Umiling pa rin si Dashrielle. "At wala rin akong balak na ipakita sa 'yo kung saan ang lugar na iyon,"

"Ha?"

Ngumisi ang lalaki. Mula sa back seat ay may kinuha ito. It was an eye mask.

"Para saan 'yan?"

"Stop asking questions. Just put it in your eyes," Itinaas ni Dashrielle ang kamay nito.

"Teka nga! Baka may gawin kang masama sa akin, ha?"

Tumigil si Dashrielle. His eyes met hers. He stared at it for a while. Mabilis na napabilis na naman tuloy na napatibok nito ang puso niya. Hindi nga lang niya sigurado kung dahil ba sa weird na epekto nito sa kanya o dahil sa kaba. Kakaiba kasi ang titig na iyon ni Dashrielle. There is no naughtiness in it. Para bang seryosong-seryoso ito.

"What?"

"I am going to be your husband in two weeks time, Kaia. So this question is very important for me..."

"Hmmm...say,"

"Do you trust me?"

Hindi nakasagot kaagad si Kaia. Should she?


--

A/N

Hello everyone! I hope you have a happy weekend. Ako, ito, medyo pagoda...kaya isa lang ang update sa WIP ko nga na-flawed. My Grandma celebrated her birthday kasi yesterday at medyo gumala naman kami today. Hehe. But I'm happy I wrote today.

Tapos na ang bakasyon ng aking Bebe(BF) bukas kaya balik pangungulit na naman siya sa akin. Haha. Kaya asahan niyo na baka hindi na ako ganun kasipag like this week. CHAROT! Hindi. Mas gusto ko na sana mas ma-inspire niya pa ako magsulat nito.

Anyway, iyon lang. Masyado ng late. Hehe. Ay nga pala may mga nakuha ba akong miyembro rito ng Cady Bears? Medyo madami ang aking requests this weekend, infairness. Sana nag-member kayo.

Ay, ang daldal ko. O siya tutulog na nga. Good night!


Flawed (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ