28

20.4K 404 85
                                    

"H-HA?" namumutlang wika ni Dash sa pasabog ni Kaia.

Nahawa na rin si Kaia sa pamumutla ni Dash. Naglihis ito ng tingin sa kanya. Bahagyang lumayo ito."K-kaya hindi mo maipasok dahil wala iyong butas,"

"N-no. That's impossible..."

Hindi makapaniwala si Dash sa nalaman. May ganoong klase ba naman ng babae? Walang butas ang pagkababae? Napakaraming paano sa kanyang isip.

"I hope so. But that is the truth,"

"But how?"

"Ayoko munang i-elaborate sa ngayon. But that's what it is, Dash. It's not possible for you to penetrate on me, even your fingers..."

Kaya pala hindi makabigay-bigay... Mula sa magulong damdamin ay nakaramdam ng galit ngayon si Dash. Nagsinungaling sa kanya si Kaia.

Tumiim ang panga ni Dash. "At hindi mo iyon inamin sa akin,"

"Kung inamin ko, siguradong hindi mo itutuloy ang pagpapakasal sa akin."

Hindi nagsalita si Dash. May punto si Kaia. At aminado naman siya rito na kaya lang niya pinakasalan ito ay dahil sa sex.

"A-alam ko na unfair para sa 'yo ito, Dashrielle. But I have to do something because of my Dad..."

Napakabigat ng loob ni Dash. Lumayo na rin siya kay Kaia. "Ang tanga-tanga ko para magpadala sa mga pang-aakit mo."

Pumikit si Kaia, mukhang pinipigilan ang mga luha. "H-hindi ko rin naman ito ginusto. But I was born with this. I have a curse,"

"Kailan mo pa ito nalaman?"

"I-I had a boyfriend once."

"So hindi ka talaga ganoon kainosente,"

"I didn't said that I am. Minahal ko si Mark. Willing ako na ibigay ang lahat sa kanya. Pero hindi ko pala kaya. Wala pala akong kakayahan na paligayahin siya nang husto o kahit sino pa man na lalaki,"

Mababaliw na yata si Dash sa sitwasyon na kilalagyan niya ngayon. "This is the craziest thing that I have ever heard,"

"And experience," dugtong ni Kaia. "It's crazy for me, too. Pero umasa ako, Dashrielle..."

"Umasa? Paano ka aasa samantalang alam mo na naman pala ang totoo?" Asar na asar si Dash. "Niloko mo ako, Kaia! Pinaasa mo! Napaka-unfair mo!"

Hindi nagsalita si Kaia. Nagyuko lang ito ng ulo. Mukhang in-expect na nito ang galit niya. But who wouldn't be mad on this situation?

Hindi masisisi si Dash ng kahit sino sag alit na nararamdaman niya ngayon. Hinintay niya si Kaia. Hinabaan niya ang pasensya kahit madalas na wala siya noon. Umasa siya na makukuha na niya ito---ang pinakagusto niya rito. And now, this is what he all got.

Ito na yata ang pinakamasamang karma na naranasan ni Dash sa buong buhay niya.


--

A/N

Naloka ba kayo sa rebelasyon? Haha. Isipin niyo na lang ang nararamdaman ni Dash. Kawawa naman. HAHAHA.

Anyway, salamat sa mga nagbasa. Natutuwa talaga ako na maraming nagko-comment, meaning kasi marami talagang sumusubaybay. Dahil sa inyo, feeling ko may saysay pa ang pagsusulat ko kahit na....HAHAHA yoko na ituloy baka ma-issue pa ako.

This novel will tackle a very sensitive topic. But I hope I can give justice and will pull it off!

Sana nandiyan lang kayo palagi. Salamat talaga :)


Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon