PROLOGUE

33 13 1
                                    


"Ning ipangako mong babalikan mo ako kapag may umampon sayo ha"

"alam mo totoy kapag mayaman ang umampon sakin aampunin din kita"

"talaga?"Tuwang-tuwa siya sa sinabi ko at labas pa ang dimple niya

"syempre diba sabi mo dapat magkasama tayo habang buhay kasi bff tayo"niyakap ako ni totoy ng mahigpit.Natatakot ako na baka di ko na ulit siya makita kapag may umampon sakin o sa kanya

Maya-maya pa ay napansin namin ang usok na pumapasok sa aming kwarto.Baka tapos ng kumulo ang tubig ni Sister Ana.

"nako toy bumalik ka na sa inyong kwarto baka mahuli ka"dali-daling binuksan ni totoy ang pinto at lumantad sa amin ang makapal na usok na bumabalot sa buong lugar.

Agad kong ginising ang iba pang kasama ko at si totoy naman ay maingat na nagpunta sa kanilang kwarto upang sabihan ang iba pa naming kasama.

"Luna gising!Sheena!Bianca gumising kayo!Nasusunog ang bahay ampunan"
Nagsigawan ang aming mga kasamahan at ang iba naman ay nagiyakan.

"nasaan na sina sister!"Sigaw sakin ni Caitlin sapagkat di na kami magkarinigan dahil sa ingay ng iba naming kasamahan.

"hindi ko alam sana ligtas sila"
"Mga kasama kunin niyo ang mga kumot niyo at basain ng tubig"
Bagay na naalala ko sa isang librong nabasa ko noon.

Nang nakabalik si totoy sa aming kwarto ay tinulungan kami upang makalabas sa nasusunog na ampunan. Pinauna namin ang mga kasama kong babae sapagkat pupuntahan namin ang kwarto nila sister na ngayon ay mas makapal na ang apoy.

"Sister!Nandyan ba kayo'sigaw ni totoy habang ako ay nananalangin na sana ay nakalabas na sina sister Ana.Wala kaming narinig na sumagot kaya naman tinungo ko agad ang pinto ngunit ito'y nakalock.

Luma na ang ampunan kayat marupok na ang kahoy nito at madaling natutupok ng apoy.

"Ning!" bigla nalamang akong tinulak ni totoy at agad akong tumalsik sa sahig.

Pagmulat ng aking mata ay nakita ko siyang walang malay at nadadaganan ng isang malaking kahoy.

"toy gumising ka,tulong po!Tulungan niyo po kami"Hindi ko na napigilang umiyak dahil wala akong magawa para sa bff ko.

Nakarinig ako ng mga paparating at laking pasasalamat ko ng mga bumbero pala ito at tinulungan kami.

Nang makalabas kami sa ampunan ay sinakay agad si totoy sa sasakyang umiilaw na malakas ang tunog na nakakarindi sa tenga

"totoy wag mo kong iwan"Hinabol ko ang sasakyan pero sadyang mabilis ito.Hindi ko alam kung saan nila dadalhin ang kaybigan ko.Umiyak ako ng umiyak habang pabalik sa labas ng ampunan at nadatnan kong binubuhat nila ang katawan ni sister Ana at sunog ang kalahati nito.

"sister Ana!"Pinigilan akong lumapit ng mga mama sa kanya pero pinipilit ko pa din abutin si sister.

Pakiramdam ko ay magisa na lamang ako at wala ng kasama,tanging ang kwintas ko na lamang ang natira sa akin.

Tanging si Sister Ana lamang ang aking kasundo sa ampunan dahil ang iba naming tagapag-alaga ay pinagmamalupitan kami.Dahil doon ay napilitan akong tumakas ng gabing iyon sa lugar kung saan naging tahanan ko ng tatlong taon...









"happy birthday yana"bulong ko sa aking sarili kasabay ng pagpatak muli ng aking luha

GIRL LIKE MEWhere stories live. Discover now