Chapter 4

8 5 2
                                    

Yana's Pov

"hey yana,how are you"
bati ni creed sakin habang naglalakad papunta sa gawi ko at umupo sa isang stool

"anong kaylangan mo kups"

"a dirty martini please"
sabay ngiti ng malawak ng abnormal na to

"stirred?"
at mas lumawak pa ang ngiti niya.Nakakainis makita ang mukha ng lalaking ito sa harapan ko

"alam na alam mo na talaga ang gusto ko"

"ayan!"
Binaba ko sa harap niya ang isang glass ng martini
"laklakin mo hanggang masunog ang baga mo"

"ganyan ka ba makitungo sa mga customer dito"

"sayo lang"

"hahaha ang hirap mo naman ligawan"
Ininom niya ng diretso ang alak at ibinaba ang glass

"sinabi ko na sayong hindi ako nagpapaligaw"
Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa ibabaw at humarap kay creed

"sayang naman ang kagwapuhan ko kung tatanggihan mo lang"
Ang lakas yata ng tama ng isang to

"mas masasayang ang oras mo kapag pinagpatuloy mo pa yang kaabnormalan mo"
Ngumiti na naman si creed na parang nakaisip ng pang asar.

"oo tama ka Yana,abnormal na nga sigurong matatawag ang taong may taglay na sobrang kagwapuhan."

"hibang ang magkakagusto sa babaerong tulad mo"
tumingin naman ako sa gawi ng isang babaeng papunta sa pwesto ni creed. kita ang hubog ng katawan nito dahil hapit na hapit ang damit

"Hi creed wanna have fun"
sabay hawak sa balikat ni creed ng nakakaakit.

Natawa naman si creed sa inaakto ng babaeng ito at napangiwi na lang ako ng hinapit ni creed sa bewang ang babaeng hipon na to

"lets dance"
Manliligaw pala...Hah!manigas siya

----------

" Manong bayad po"
Humarap ako sa nagbayad at inabot ang pera niya

"babae ho ako"
Sabay ngiti ko sa pasahero

"ay pasensya na"

"San tong bente"

"Sa Francisco bayan lang"

Bigla namang nag kaaberya ang jeep ko.Hayy nako, kung minamalas ka nga naman sa oneway pa nasiraan

"Mga ate,mga kuya pasensya na po pero kaylangan po natin lumipat sa ibang jeep nagkaron po kasi ng problema tong makina"

"ano ba yan!Kung kaylan nag mamadali"

"pasensya na ho talaga ibabalik ko na lang yung binayad niyo"

Pagkatapos ko maibalik ang mga bayad nila ay bumaba din ako para icheck ang makina.

Beep*beep*beeeeeep*
Busina na ng busina tong kotseng nasa likod ko.
Maya-maya lang ay may bumabang isang babae mula sa kotseng yon.

"Hey!What's going on,Geez I'm running on time!"
Hindi naman to makapaghintay, sabagay base sa outfit niya mukhang may meeting tong pupuntahan.

"Sorry miss nasiraan kasi ako"

"Pag bulok na kasi wag mo ng ipasada"
Nag-init naman bigla ang ulo ko sa sinabi niya.Kung short tempered siya pwes!Shortest ang akin

"Yung ugali mo bulok!kaya wag mo ng ipakita.Ang baho umaalingasaw!"

"How dare you to talk to me like that!Your nothing but a trash"
Kitabg-kita ang pagkairita nya sa bawat linya niyang binibigkas

"Kung gusto mong makadaan agad,paliparin mo yang sasakyan mo ang init-init dumadagdag ka pa sa problema ko"

"Hindi mo ba ko nakikilala?"
Hindi ko siya pinapansin at tinuloy ko lang ang ginagawa ko

Nilapitan naman ako ng babae at hinila ang balikat ko paharap sa kanya

"Wag mo kong iniisnob kapag kinakausap kita"

"Kung gusto mong makilala kita,magpakilala ka"

"I guess you don't know me,I'm Venice Santiago,daughter of Mayor Lordan Santiago.Papalagpasin kita sa ngayon pero sa susunod na makita ko yang pagmumukha mo---
Agad kong pinutol ang sinasabi niya,sakto natapos ko nang ayusin ang makina ko

"Sa tingin mo matatakot mo ako?Wag mo kong pinagbabantaan dahil hindi mo din ako kilala"
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata at nginisian sabay sakay ko sa jeep at pinaharurot ito ng mabilis.
Nakakatawa ang babaeng yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GIRL LIKE MEWhere stories live. Discover now