Chapter 2

22 11 0
                                    

" Andito na si Ate Yana!!!!"
Sigaw ng mga batang nasa harap ng terminal ng bus. Oo nakatira ako, kami sa isang abandonadong terminal ng bus at mga sirang bus na rin ang nagsisilbing tirahan namin mula pa nung una.

"Oh nasan na si ate Angge niyo?"

"Nasa loob na po, kanina pa nga po kayo iniintay"
Sagot ni Minnie ang pinaka maliit na bata at pinaka gusgusin.

Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa isang sirang bus na aking tinutuluyan , hindi naman gaanong kalakihan pero nagawa ko namang ayusin at nalagyan ko ng iba pang gamit na second hand man mapapakinabangan pa rin.

Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa isang sirang bus na aking tinutuluyan , hindi naman gaanong kalakihan pero nagawa ko namang ayusin at nalagyan ko ng iba pang gamit na second hand man mapapakinabangan pa rin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                       Front of bus

                       Front of bus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                           Middle

                             Back

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                             Back

Naabutan ko si angge na nagbibilang ng kinita namin.

"Kamusta yana! Ganda ng acting natin kanina ah" sabay abot sakin ng walong daan.

"Angge!!!!!" " Yung hati namin"
Sigaw ng mga kasamahan namin mula sa labas.

" Oo ito na palabas na akala mo naman tatakasan tong mga to"

Ganyan kami dito. Mahilig gumawa ng palabas o maliit na gulo para kumita katulad nalang ng kanina. Habang nagkakagulo kami kuno ni angge ay sumisimple ang mga kasamahan namin sa pandurukot ng mga wallet ng mga nakikiusyuso.

Hindi madaling mabuhay sa maynila lalo na kung wala kanamang napag aralan.Mahirap maghanap ng trabahong permanente o trabahong may malaking sahod. Kanya-kanyang diskarte lang yan.

----------

Tok tok tok!

"Paps nadiyan kaba??"
Nandito ako sa tapat ng isang lumang bodega sa loob pa rin ng terminal, Para bisitahin ang taong tumayo bilang magulang ko.

" Oo napadaan ka"
Isang lalaking may kaedaran na ngunit nanatili pa ring malakas. Siya ang may ari ng abandanong terminal na mas piniling wag ipagbili sa iba ang lupa dahil sa ito na lamang ang natitirang pagmamay ari niya.

" paps iaabot ko lang po itong apat na daan sa inyo"
Agad niyang sinarado ang palad ko pahiwatig na hindi nya matatanggap ang perang tulong ko.

"Naku iha wag na, itabi mo na lamang iyan dagdag bayad rin iyan sa nirerentahan mong jeep"

" lagi nalamang ninyo tinatanggihan ang perang inaabot ko sa inyo"

"Yana kinupkop kita para alagaan hindi para kumayod para sa akin, ngayong malaki ka na at kaya mo nang magtrabaho matutustusan mo na ang mga pangangailangan mo at hindi mo na kailangang bayaran ang mga naitulong ko sa iyo."

" Hindi ko naman po binabayaran ang mga bagay na naitulong ninyo sa akin.Maliit na pagtanaw lang to ng utang na loob paps"

" Naku lumayas kana at may trabaho ka pa baka mahuli ka"
At saka niya sinara ang pinto.

*Sigh*

"Sige paps alis nako stay strong!!"

Hindi alam ni paps ang iba pa naming ginagawa. Ang buong akala nya lang ay pagpapasada ng jeep, pagtitinda sa palengke tuwing linggo at pagbabarista sa isang bar tuwing gabi ang raket ko.

GIRL LIKE MEWhere stories live. Discover now