Chapter 1

24 12 1
                                    

"Mga suki bili na kayo ng tilapia sariwang-sariwa pa"
Linggo ngayon kaya nandito ako sa palengke isa sa pagtitinda ng isda ang raket ko

"Ay bakit ganito?"
nandidiring sinuri ng babae ang paninda ko

"Bakit ate anong problema natin diyan"

"Sariwa ba ito,pula na yung mata"
tingin ko sa babaeng to naghahanap lang ng away.

"Wag ka ng maginarte nakacontact lense ang isda ko"
sigaw ko pabalik sa kanya at naagaw naman namin ang atensyon ng mga namimili.Yan ang gusto ko nasa amin ang atensyon.

"Baka naman nag aadik tong isda mo!"
Sabay hagis niya ng isda sa mukha ko, ay palaban

"Ah ganon!"
Umalis ako sa pwesto ko at lumapit sa babae.
"kung inggit ka sa isda ko gumaya ka"
hinila ko ang buhok ng babae at sinubsob ko ang mukha niya sa planggana kasama ng mga isda

Kasabay noon ay nagkagulo ang mga tao para pigilan kami.Nanlaban naman ang babae at tinulak ako.
Hindi naman ako papatalo kaya agad akong tumayo at sinabutan siya.

Walang magawa ang mga tao para mapigilan kami.Ang iba naman ay patuloy lang sa pagpupustahan kung sino saming dalawa ang matibay

"tumigil kayo!"
Nagulat ang mga tao sa malakas na sigaw ng tanod.Ang bilis naman makasagap ng balita ng mga to napurnada na tuloy
"Bakit kayo nag aaway"

"Ito kasing babaeng to bibili na nga lang nanglalait pa"

"Talaga namang kalait-lait yang isda mo"
Sabay hablot na naman niya sakin kaya kinalmot ko din siya

"oh ayan na naman kayo gusto niyo bang dalhin ko pa kayo sa barangay hall.Magusap kayo ng maayos"

"Alam niyo sir wala naman talagang kwentang away to kaya miss?"
Lumingon ako kay angge
"sorry na peace na tayo"sabay ngiti at kindat ko sa kanya ng pasimple.

GIRL LIKE MEWhere stories live. Discover now