Kabanata 1
t r a n s f e r e e
N E S T L E ' S P . O . V .
Nagtatawanan kami ni Hana habang papasok ng university. Kinukuwento niya kasi 'yong muntik na niyang pagka-late daw. 'Yon pala ay maaga pa. Dahil sa pagmamadali, ayun, kamuntikan na raw siyang magpagulong-gulong sa hagdan nila. Napapailing na lang ako sa kinukuwento nito. Hindi ko alam kung totoo ba iyon. Lagi kasi akong niloloko ni Hana. Tumingin ako sa mga estudyante na nagsisiksikan habang tinitingnan ang bulletin board. Nagkatinginan kami ni Hana at tiningnan din ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. "Miss, anong meron?" tanong ni Hana sa babaeng nasa harap namin.
Lumingon ito at binalik muli ang tingin sa tinitingnan nito. Hindi ko makita kasi natatabunan ng mga ulo.
"Sabi rito, meron daw bagong estudyante na lumipat dito," sabi no'ng babae.
Napahinga ako nang malalim dahil 'yon lang pala. Bakit kailangan pang pagkaguluhan?
"Really? Guwapo ba ang transferee?" nae-excite na tanong ni Hana. Napapailing ako dahil lalaki agad ang naisip. Matatawa talaga ako 'pag babae ang transferee.
"Ano ba, Hana. Guwapo na naman ang nasa isip mo. Paano kung babae iyon? Bigti na, gano'n?" saway ko rito. "Actually, boys daw ang transferee. Galing daw sa kalaban ng school natin," singit no'ng babae.
"Oh, 'di ba, boys daw. Shocks. Excited na ako. Kailangan kong magpaganda, baka maka-jackpot ako kahit isa," sabi ni Hana na kinikilig ang tumbong.
"Hay! Bahala ka na nga diyan. Sumunod ka na lang sa room 'pag tapos ka nang kiligin," walang gana kong sabi. Iniwan ko na siya doon at lumakad na sa hallway. Inayos ko ang ID ko dahil bumaliktad pala. Mag-aangat na sana ako ng tingin nang bumunggo ako. Napaatras ako at napahawak sa noo ko. Masakit dahil tumama ako sa isang tao.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang maputing lalaki. Tila bago lang dito, dahil ngayon ko lamang siya nakita. "Sorry, Miss. Nasaktan ka ba?" mahinahon at may pag-aalala nitong sabi.
"Oo. Ayos lang ako," sabi ko at aalis na sana sa harap niya nang humarang siya sa daanan ko. Napataas ako ng kilay.
"A, miss, puwede mo bang ituro ang principal's office? Bago lang ako, kaya hindi ko pa kabisado ang university n'yo," pakiusap nito.
Tumingin ako sa wristwatch ko at napansing medyo maaga pa naman. Kaya tumango ako rito na kinaliwanag ng mukha nito. He's like a boy next door. He's handsome and I think 5'6 ang height. His smile can make girls' heart beat fast. But not to me. Hindi ko lang siguro siya type. Maybe kung meron pa siyang ipapakita, baka mapahanga ako.
"Thanks," nakangiting sabi nito kaya napukaw ako mula sa pagtitig sa kanya.
"Sumunod ka na lang sa akin," sabi ko at tumalikod. Siya siguro 'yong tinutukoy na transferee sa bulletin. 'Pag nalaman ni Hana na nauna kong nakita ang transferee kaysa sa kanya, tiyak na magwawala iyon. Natawa ako sa loob ko. Tila hindi para sa kanya ang inaasam niya.
"You're beautiful when you're smiling." Bigla akong napatingin sa tranferee na nasa tabi ko na pala. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nagkamot pa siya ng ulo na tila nabigla rin. "Totoo naman. Hindi kita binobola. I swear!" Nakataas pa ang kamay nito.
Tumingin na lang ako sa harapan at hindi na pinansin ang sinabi niya.
"By the way, I'm Khalil," pagpapakilala nito. Tumango ako dahil wala naman akong sasabihin. Hindi ko naman tinatanong ang pangalan niya. "Ikaw?" tanong nito.
"I'm Nestle," sabi ko.
"Hmm, I heard that name. I think it's a product company, right?" nag-iisip pa nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
RomanceSi Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay natupad ang pangarap niyang iyon. Siya rin ang panganay na anak ng sikat at kinakatakutan na si Dimitri Sergio Ford na isang Mafia Boss. Bu...