CHAPTER 31 - MARRIED COUPLE LIFE

39.1K 765 28
                                    

CHAPTER 31





NESTLE




Pigil ang tawa ko habang pinapahiran ko si Duke ng make-up sa mukha. Nakaupo ako sa tiyan niya habang nakatunghay sa kaniya habang nilalagyan ko siya.



"Wife, are you done?" tanong niya habang nakapikit ang mata.



"Wait lang Hus. Saglit na lang," tugon ko. Kinuha ko ang lipstick at nilagyan siya sa labi. Nang matapos ay pinagmasdan ko ang mukha niya. God. He's so beautiful. Kinuha ko ang camera at pinicturan siya. Dumilat siya nang marinig ang tawa ko. Humawak siya sa bewang ko at naupo kaya makalapit na kami.



"Ano bang nakakatawa at natatawa ka, ha?" tanong niya. Humawak ang isa kong kamay sa leeg niya payakap at pinakita sa kaniya ang picture niya. "Ikaw ha. Gumaganti ka," sabi niya at kiniliti ako kaya napahawak ako sa kamay niya para pigilan siya. Huminto siya at kiniss ako sa pisngi ng mariin. Napangiti ako at tinapat ang camera sa amin para picturan. Humarap ako sa kaniya at nagkiss kami habang hinihintay na magclick ang camera.



Bumitaw ako at tiningnan ang picture namin. "Ang ganda-ganda naman ng Duke ko," sabi ko habang nakatingin sa kuha namin.



"Wife, it's handsome not beautiful, okay?" sabi niya. Binaba ko ang cam sa kama at humarap sa kaniya. Parehong kamay ko na ang nakayakap sa leeg niya.



"Ganun din yun. Gwapo sa maganda," sabi ko sa kaniya at inayos ang buhok niya. Yumakap siya sa akin na nakasubsob ang mukha sa dibdib ko habang nakayapos ang kamay niya sa bewang ko. Kanina pagpasok namin sa kwarto ay naisipan namin na bumawi ng tulog. Mabuti at nakaramdam kami ng antok, kundi tiyak na aatakihin na naman niya ako. "Hus, labas tayo. Parang gusto kong mamasyal ngayon," sabi ko sa kaniya. Tumunghay siya at ngumiti.



"Mabuti at naisip mo yan. Kanina ko pa iniisip kung saan ka dadalhin," sabi niya kaya napangiti ako.



"So tara na! Magbihis na tayo, para marami tayong mapuntahan," excited kong sabi.



"Yes, wife. Magbihis na tayo," sabi niya at hinawakan ako sa pang-upo at binuhat ako pababa ng kama.. Tumakbo siya sa walk-in closet namin kaya natawa ako. "Bihisan kita," pilyong sabi niya na kinapingot ko sa tenga niya.



"Tumigil ka, Duke. Alam ko ang iniisip mo," banta ko nang ibaba na niya ako. Tinungo ko ang damitan ko at pumili ng isusuot. Napaabante ako nang yakapin niya ako sa bewang mula sa likod.



"Wife, pili mo ako ng isusuot," bulong niya sa tenga ko at kinagat ng mahina.. Napaiwas ako ng mukha at pumili ng isusuot ko. Iniwan ko muna iyon at lumapit sa closet niya habang nakayakap siya na sumunod.



"Dapat simple lang. Dahil masyado kang pansinin kung poporma ka pa," sabi ko sa kaniya habang pumipili ng isusuot niya.



"Bakit nagseselos ka ba, hmm?" sabi niya at hinalik-halikan ako sa pisngi.



"Syempre," tugon ko at humarap sa kaniya kaya medyo napalayo siya pero nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa bewang ko. Tinapat ko sa kaniya ang damit at napatango ako na bagay sa kaniya ang tshirt na puti na may nakaprint na I'm taken. "Sadya ba ang print nito?" tanong ko na kinangiti niya.



"Wait," sabi niya saglit. "See," sabi niya na may kinuha sa likod ko at hinarap sa akin ang isang tshirt na maliit na pambabae. At napangiti ako dahil meron ding print na He's Mine habang may nakapaskil pa na mukha niya. "Pinagawa ko yan nang hindi mo alam," sabi pa niya kaya tumingala ako sa kaniya habang nakangiti. Humawak ako sa mukha niya at pinisil ang pisngi niya.



"Ang sweet ng husband ko. Mas-mas lalo akong nahuhulog sa'yo," sabi ko habang nakatingin sa mata niya.



"Kahit mahulog ka, handa kitang saluhin, Wife ko," sabi niya at pinagdikit ang noo namin at ilong.

Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon