CHAPTER 3 - UNEXPECTED

43.5K 1.2K 45
                                    

Kabanata 3

U N E X P E C T E D

D U K E ' S P . O . V .

Hindi ako makapaniwala na ayos na kami. Pinapansin na niya ako pero nandoon pa rin ang konting pagkainis ng mukha niya 'pag may maling bagay akong ginagawa. Well it's my fault anyway. Ang sarap niya kasing asarin gaya no'ng bata pa kami. Pero ngayon ay sisikapin kong 'wag painitin ang ulo niya. Gusto kong paibigin siya at gagawin ko ang lahat para mangyari iyon. Lalo na't puwede ko na siyang malapitan nang hindi niya ako iniiwasan. At 'pag napaibig ko na siya at 'pag naging kami na, hindi ko na siya pakakawalan pa.

Walang oras na hindi ako nakatitig sa Nestle ko. Fuck! Kahit simpleng kasuotan lang ang suot ay napakaganda niya. Lalo pa sa pagkakapusod ng buhok niya. Ang cute. Para siyang Japanese dahil sa pagka-chinita niya. Tapos yung ilong niya ay maliit pero pointed. Yung pisngi niya ay matambok. May dimples din siya na lalong makikita 'pag ngumiti na siya, na isa sa mga gustong-gusto kong makita. Tapos yung lips niya ay parang labi ni Yoon Eun Hye, may hati sa gitna na nakakaakit.

She's perfect for me. She belongs only to me. No one can come close. Dahil itinaga ko na sa isip at puso ko na siya ang bagay sa akin. Iisipin ko pa lang na hindi kami ang magkakatuluyan sa bandang huli ay parang sasabog ang puso ko sa sakit. Tiyak na mababaliw ako 'pag nangyari iyon.

Umungot ako nang may maliit na kamay na sumasabunot sa akin. Hinawi ko iyon dahil ayokong masira ang panaginip ko. Panaginip na sinagot na ako ng Nestle ko.

"Kuya! I want milk! Kuya!" Napakunot-noo ako nang unti-unti kong nakikita sa panaginip ko si Bettina. At nakita ko rin ang unti unting paglayo ni Nestle ko. Hinahabol ko siya dahil ayokong iwan niya ako.

"Nestle! Please, don't leave me! Nestle!" Sa aking pagtakbo ay bigla na lang akong nahulog na kinagising ng diwa ko. Dumilat ako at nakita ko si Bettina na nakangiting nakatunghay sa akin.

"Gising ka na po?" inosenteng tanong nito na akala mo ay hindi ako inihulog sa kama para magising.

"Bakit mo ako hinulog, ha? I'm your brother," maawtoridad na sabi ko habang nakahawak sa likod. Sumakit iyon dahil sa pagkakahulog. Naupo ako sa kama at humilata muli.

"'Pag hindi mo ako ginawan ng milk, hindi ako kakain. Tapos baka magkasakit ako. Tapos iiyakan n'yo ako sa hospital. Tapos makokonsensiya ka. Tapos—" Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko na ang bibig niya.

"Enough! Ang dami mong sinasabi. Oo na! Gagawin ko na ang milk mo, mahal na prinsesa," nafu-frustrate na sabi ko rito. Haist! Napakadali talaga nitong pasunurin ang lahat. Dati ang cute-cute pa. Pero ngayon, naku, parang matanda kung mag-utos. Kawawa ang magiging boyfriend nito paglaki. Napapailing akong tumayo at nag-unat.

"Let's go," aya ko rito. Nasa pinto na ako nang mapansin kong hindi siya sumusunod. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at tinaas ang dalawang braso.

Gigil na napabuga ako ng hangin at lumapit uli sa kanya. Tumalikod ako paluhod at hinintay kong sumampa siya. Napaubo pa ako nang mahigpit itong kumapit sa leeg ko.

"Bettina, luwagan mo. Hindi makakahinga si Kuya," sabi ko rito na mabuti't sinunod ako.

"Ang bait talaga ng kuya ko," malambing nitong sabi at hinalikan ang pisngi ko. "Kaya favorite kita, e," sabi pa nito. "Bakit ako pa? Sina Kuya Drake mo na lang. Bakit laging ako?" Halata sa boses ko na ayaw kong maging favorite kuya niya. "Si Kuya Diesel, mas love pa ang boxing. Si Kuya Drake, mas gusto pa ang libro. Si Kuya Deo, censored," natawa ako sa sinabi nito kay Deo. Ang manyak kasi ng isang iyon. "Tapos sina Kuya Samuel at Kuya Serge, lagi ako pinapaiyak. Kaya ayoko sa kanila. Ikaw kasi si Ate Nestle lang ang love mo." Napangiti ako sa sinabi nito.

Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu