Pangarap Kita

34 0 0
                                    

Mga alon sa karagata’y nangag-uunahan

Sa pagpugay sa lupa’t mga usling batuhan

Upang maging kaaya-aya sa bathalang nananahan

Kung kaya’t pagbagtas nila’y lubhang napakarahan…

Sinag ng buwan ay sadyang mapamihag

Sa dilim ng gabi na ibig ng lumiwanag

Kislap ng mga bituin di na halos mabanaag

Nang mga mata kong ang luha’y lumalaglag…

Simoy ng hangin ay pilit kong nilalanghap

Upang maging buo ang mumunting pangarap

Sa isang diwata na minsan ko pang nakaharap

Na minsan ko ring hinandugan ng aking paglingap…

Ngunit sadyang maramot yaring tadhana

Pagtatagpo naming ay lubhang pinaikli pa

Di ko maatim na sa kanya’y magpahayag na

Pagkat di pa panahon ng takdang pagbunga…

Laking lungkot ko ng kami’y magkahiwalay

Niloloob ko sa kanya ay di nagawang maialay

Kapalaran kaya sa akin ay mayroon pang maibibigay

Isa pang pagkakataon na kay tagal kong hinintay…

Ngunit hindi parin ako nawawalan ng pag-asa

Na baka sakaling sumagi ako sa kanyang alaala

Mabigkas manlang ako sa kanyang pananalita

Mga hapis sa puso ko’y maiibsan na’t mawawala…

Narito ako ngayon sa aking pag-iisa

Pawang  gunita niya ang aking nakikita

Larawan mo sa dilim ang nakakasama

Hanggang sa sumapit ang bagong umaga…

                Sa Tulang:   “Pangarap Kita”

                            Ni:    Aspog Kulas Piro

Pusong NamamaalamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora