Kung maibabalik kolang mga panahon na nagdaan
Titiyakin kong masabi sa iyo lahat at mapatunayan
Mapahiya man sa karamihan kung ito’y kinakailangan
Gagawin ko parin maaninag mo lang laman ng kalooban…
Mga bata pa tayo noon na iyong sasabihin
Na tila isang laro lamang na iyong ituturing
Subalit sa puso ko’y maliwanag na ito’t matining
Handa kong patunayan libong taon man ang dumating…
Paano kopa madurugtungan kahapong nagdaan
Ni hindi ko alam kung saan ka masusumpungan
Marahil ay huli na ang lahat para sa isang suyuan
Dahil limot mona ako sa tagal ng panahong nagdaan…
Marahil ay may sarili ka ng daigidig na ginagalawan
Di na kailanman magagambala sa iyong katahimikan
Marahil ay maligaya kana sa iyong kinalalagyan
At sino paba ako upang alalahanin at mapakinggan…
Hangad ko ang iyong kaligayahan nasaan kaman
Kung hindi narin tayo magkita magpakailan paman
Isang alala ka na lamang sa puso ko’t kalooban
Na minsan akong nagmahal sa iyo ng buong katapatan…
Panahon lang ang makapagsasabi kung malilimot paba kita
Maging ang hapdi sa puso ko ngayon na damang-dama kopa
Maamong mukha mo’y sariwa pa sa aking gunita’t alaala
Ilang panahon na ang nagdaaan ay ayaw paring mabura…
Patawarin nawa ako ng Diyos sa aking nadarama
Kung bakit hanggang ngayon ay minamahal parin kita
Gayong wala na rin daan upang suyuan ay mabuo pa
Maituturing na pangarap na lamang ang ikaw ay makasama…
Paalam na sa iyo Sinta na minsan kong minahal
Na natutuhan kong ibigin ng buong puso’t kalooban
Di ko man magawang mapawi alaalang nagdaan
Salamat narin sa iyo kahit ako’y nabigo’t nasugatan…
Sa Tulang: “Ikaw Na Anino Ng Nakaraan” (Huling bahagi)
Ni: Aspog Kulas Piro
YOU ARE READING
Pusong Namamaalam
PoetrySalamat sa lahat ng tumatangkilik sa aking mga tulang kathang-isip. Isang kaparaanan ito upang mailahad ang bawat nilalaman ng puso't kalooban, malungkot man ito o masaya ang mahalaga ay manatiling totoo sa sarili at makapag-bigay aliw sa mga bumaba...