NILOKO O NAGPALOKO

3 0 0
                                    

NILOKO O NAGPALOKO?
|Kuya Jaz|

Sisimulan ko ang akdang ito sa simpleng pagbati sa iyo ng magandang araw.
Magandang araw? Paano naging maganda ang araw ko kung ako ay naloko lang pala?
Masakit pala talaga ang masaktan lalo na kung tinamaan ka ng sobra. Halos lumagapak sa pinakailalim ng daigdig ang puso ko.

Isusunod ko naman ang pagtanong sa iyo ng kumusta ka na? Kumusta ang nararamdaman mo ngayon? Malinaw na ba na ikaw ay hindi na mahalaga sa kaniya? Klaro na ba sa isip at puso niya ikaw ay wala na? Kumusta ka na, Ginoo at Binibini? Hindi mo ba alam kung bakit ka naloko?

Ikatlong talata ng akdang ito, aking sasabihin kung bakit ka at ako ay naloko. Bakit nga ba, Kuya Jaz?
Naranasan ko na rin ang ganitong pakiramdam. Akala mo siya na ang para sa iyo, siya na ang itinakda sa iyo, akala mo siya na ang magmamahal sa iyo. Pero, alam mo ba na kaya ka naloko ay dahil nagmahal ka? Pag-ibig ang siyang tunay na dahilan simula pa lamang. Kahit na paano mo pa baligtarin ang daigdig, hinding hindi mo mauutusan ang puso na huminto. Huminto sa pagmamahal.

Ngayon sabihin mo, niloko o nagpaloko?

Bakit ka niloko? Ito ay dahil mahina ka. Hindi ka nagbaon ng tatag at lakas ng loob bago sumabak sa giyera, wala kang dalang sandata para makalaban kung sakali mang kailanganin. Mahina ka at ito ang ginamit na lakas ng mga pangahas na nilalang sa mundo. Mahina ka at ito ang enerhiya nila.

Utak muna bago puso. Nasa taas na siya! Siya ang pinakamataas pero hindi siya ang sinunod! Tanging harot at landi na puso ang nag-utos ang tanging pinakinggan. Bago umibig, huwag mahihiyang magtanong. Kung may ritemed ba nito?

#PenForThePhilippines
#ManunulatKami

Unspoken Reality.Where stories live. Discover now