||RANDOM THOUGHTS||

3 0 0
                                    

Hawak mo na ang panulat at papel. Ano ang dapat mong gawin? Isulat ang nasa isip o ang naisip pati na rin ang nararamdaman. Mawalan ka man ng imahinasyon, nandiyan ang pinto. Buksan mo at lumabas ka na!

Isipin na nila ang gusto nilang isipin.
Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin,
Pero laging mong tatandaan na hindi ka narito para tapakan lang ng madla. Nakatayo ka sa entablado dahil may dapat kang gawin.

Bakit ihihinto mo ang mga bagay na alam mong nakagawian mo na?
Ganoon ka na ba kababaw para isipin na hindi ka na dapat pa magpatuloy dahil lang sa may nawala (supporters/readers)?

Huwag kang haharap sa madla at tatayo sa entabladong hindi nakapaghanda. Palawigin ang isip, huwag puro materyal na bagay. Mag-aral ng mabuti't matiwasay.

Kung hindi mo kayang hawakan ang kapirasong basura, ibulsa mo siya. Ibulsa mo, huwag lang maging pakalat-kalat. Alam mo ang pakiramdam ng tinatapon.

Kung mananatili kang tikom ang bibig, paano namin maririnig ang hinaing mo na maaring magpabago sa bansa? Huwag kang matakot, maging matapang ka.

Lumangoy ako kahit nakakapagod manalo lang sa karera ng buhay. Lumabas ako pero kinutya ng karamihan. Ang hindi nila alam, wala akong pakialam.

Ang paaralan ay tinayo para tayo'y may matutunan hindi para iparanas ang hirap ng buhay sa mundong puno ng kalokohan.

Pulling me down will never make you higher than me. You're just showing me that you can't celebrate ones success.

Minsan sasabihin mong walang nandiyan para sa iyo kahit may isang taong matagal nang nandiyan para intindihin ka, pero pilit mong tinutulak palayo dahil ang gusto mo ay iyong taong kahit kailan hindi ka na mapapansin.

Kapag nasaktan ka dahil sa pag-ibig, huwag kang maghahanap ng taong nandiyan para sa iyo dahil alam mo ang sakit. Wala sa kanila ang gamot, nasa iyo.

Kaya pala hindi tayo habang buhay na mabubuhay dahil kapag nangyari iyon, sira na ang kalikasan. Sira na nga, mas masisira pa. Nasaan na ba ang disiplina?

Iyang pagiging palaban mo ilagay mo sa lugar. Huwag mong ipaglaban ang taong nilayuan ka na.

Kapag may isa kang bagay na hindi naintindihan, hindi pa bukas ang isip mo. Masyado kang nagpapalamon sa sistema at nagpakulong sa limitadong katotohanan.

Ang katotohanan ay nararapat lamang para sa mga taong naghahanap ng katotohanan, hindi iyong taong naghihintay na may makahanap ng katotohanan at pakikinabangan.

Ang iba kapag napagsabihan, magagalit. Alam kasi nila na mali sila at hindi nila iyon matanggap. Immature.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken Reality.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon