ILANG TAONG PAG-IBIG

4 0 0
                                    

ILANG TAONG PAG-IBIG?
-Kuya Jaz

Ilang taong pag-ibig. Hindi ako magbibilang o magkukwenta ng mga nakaraang walang ka-kwenta kwenta na hindi makalabas sa bibig.
Ito ay isang katotohanan na tanging IKAW lang ang makaiintindi. Ano nga ba ang ibig kong sabihin sa ilang taong pag-ibig?

Sisimulan ko ito sa kinse. Kinse anyos na nararapat lang muna sa paaralan pero ninais na humanap ng magiging kasin, katipan at iibigin. Sa murang isipan alam na ang ibig sabihin ng "huwag iputok sa loob." Huwag iputok sa loob ang hawak na sinturon ni Hudas at baka ikaw ay masiraan ng kinabukasan. Kinse anyos na kahit panitikan ay hindi alam ang kahulugan.

Isusunod ko ang dise-sais. Dise-sais na mukha pang silais pero mas masarap ihagis. Mukha pang aso ang mukha kung makatahol ng jowa parang akala mo ay hindi na tatanda. Seryosohin muna ang Matematika bago ang kaniyang statistika. Dise-sais na dapat libro ang hawak pero jumbo hotdog ang gusto. Dise-sais na dapat bitamina pa ang isubo pero alam mo na kung ano ang sinasabi ko.

Magpatuloy ka lang sa pagbabasa dahil ang akin nang isusunod ay ang dise-siete. Malapit ka nang umabot sa tamang edad para makipag-relasyon pero ang iyong isip ay hindi na birhen. Dise-siete na mas laspag pa sa tsinelas ko ang katawan. Dise-siete na mas maluwang pa sa saya ni lola. Alam mo ba iyon? Dise-siete pa lamang, malamang ito ay mag-aaral, maaring tambay at walang magawa sa bahay at buhay. Dise-siete pero mas may karanasan pa sa trenta anyos.

Tatlong taong pag-ibig na akin munang ipagbabawal sapagkat ang ating bayan ay nangangailangan ng kabataang magsisilbing kinabukasan na sinaad ng ating nasirang bayani. Menor de edad na alam kong kakayanin ang hirap sa loob ng paaralan.

Kilala kita. Kilala mo ang iyong sarili. Huwag mong hayaang masira ang buhay dahil lang sa sarap na nais makamtan.

Hilaw ka pa kung maituturing. Hilaw at ang hilaw ay matigas. Matigas na puso sana ang mayroon ka para hindi masaktan ninumang pipilitin kang ibagsak.

Tatlong Taong Pag-ibig.

Unspoken Reality.Where stories live. Discover now