TPO # 1

1.9K 47 5
                                    

Sabi nila everything's starts in high school. Dito ka daw magkakaroon ng crush, lovelife or whatsoever. Psssh! Seriously, nakakaawa ang mga taong naniniwala sa mga katangahang 'yan. Duuh! Masyado silang nanunuod ng mga fairy tale. Nakakadiri! Umaasa lang sa wala.

"Taena! Bilisan nyo naman kumilos, kalalaki ninyong tao ang kupad kupad niyo!"

"Ang aga-aga ang ingay ingay mo! Ikaw na nga lang 'tong makikisabay sa'min eh."

"Ano may reklamo ka?" Tinapik ko si Francis. Psssh! Nakakairita silang tatlo. Kalalaking tao, naunahan pa ng babae mag bihis.

"Wala. Alam ko namang boss ka eh."

"Buti alam mo!" Bigla namang dumating si Austin at si Grayson. Aissh! Daig pa talaga ng babae kung mag-ayos. Mga bakla talaga 'tong mga tukmol na 'to. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang daming patay na patay na babae sa mga 'to eh.

"Sa wakas dumating narin kayo. Ang bagal niyo kumilos, baka ma-late tayo sa school." Binulyawan ko agad sila ng salita. Nakakairita kasi talaga halos thirty minutes na ako nag-aantay ngayon lang sila dumating.

"Gorgie, h'wag ka ngang sumigaw. Nasisira beauty mo eh." Sabi ni Austin. Nakoo! Ilang beses ko bang sinabi sakanya na 'wag niya ako tatawaging Goergie at hindi niya ako madadaan sa pagpapa-cute niya. The heck! Nakakadiri!

"Pwede ba! George itawag mo sakin. Ilang beses ko na sinabi sayo 'yan diba? Uupakan na kita eh!" Tinaas niya yung dalawang kamay niya nung inambahan ko siya ng suntok.

"Sorry boss. Hindi na po mauulit."

"Good! Ang bagal bagal niyo baka ma-late tayo sa school." Tinalikuran ko na sila at sumakay sa kotse na walang bubong. Haha! Oo, mayaman kaming apat at syempre pinaka mayaman si Francis at Grayson sunod si Austin at pang huli ako.

"Akala mong nag-aaral ng mabuti puro palakol naman grades! H'wag ka ngang mag madali dahil sa lintik na school na'yan." Biglang nag salita si Grayson. Aissh! Pektusan ko kaya 'to. Kung ako palakol grades, siya naman patapon. Hindi naman ako bobo mahilig lang ako mag-cutting classes at saka tinatamad lang ako mag-aral kaya mababa grades ko. Ayaw ko kasing kinukumpara sa kapatid ko.

"Ulol. Mas patapon grades mo sakin. Bilisan niyo na." Tumahimik nalang sila saka sumakay sa kotse. Good dogsss! Dapat ipagpatuloy niyo ang pag-sunod sakin. Hahaha!

Ooopppsss! Sorry guys for being rude. I know nagpakilala na ako pero para sa ikabubuti ng buhay niyo gagawin ko ulit. Kahit half demons naman ako eh kahit papano may puso ako.

Ako si Samantha George Lopez, 16 years old at nag-aaral sa paaralan. Malamang! Kung pwede lang h'wag na mag-aral hindi ko na ginawa 'to kaya lang hindi pwede eh. May kapatid akong babae at magka-age lang kame. Hindi ko alam kung pano nangyari pero sabi nila kapatid ko si Savannah sa nanay. Sana nga hindi ko na siya naging kapatid eh. Hindi dahil galit ako sakanya ha... Super close naman kaming mag-sisteret! Kaya lang ayaw ko siya maging kapatid dahil palagi nila kaming pinagkukumparang dalawa. Lahat ng magandang katangian ni Savannah ay kabaliktaran ng sakin. Maganda siya, Panget ako. Girlish siya, Boyish ako. Fashionista siya, Baduy ako, Matalino siya, Bobo naman ako, Sexy siya at Payatot naman ako. Basta lahat ng makikita mo sakanyang katangian wala sakin. Siguro nung nagpaulan ang diyos ng kagandahan at katalinuhan nakatago ako sa loob ng dress ng nanay ko. Anyway highway, may parehas pala kaming katangian. We're both famous pero siya sikat dahil maganda at kung ano-ano pa. Ako sikat dahil kasama ko ang tatlong famous sa school. Si Grayson, Francis at si Austin kaklase ko sila since first year high school at hindi naman dapat kasama ako sa Bad Boys THREE na'yan kaya nga lang may nangyari kaya nasama at naging PLUS ONE.

Nagkaton lang na siraulo, gago at bad girl din ako. Nakipag pustahan ako noon sakanila na kapag nanalo ako sa isang battle ng pakikipag suntukan sa Stronghold Group na leader dun si Grayson ay magiging parte ako ng grupo kaya a'yun napasama ako. Saling ketket kung baga pero 'wag nyo ko i-smallin dahil kaya ko makipag bakbakan no!

"Hoy! Tomboy kanina pa ako nagsasalita nakatulala ka dyan! H'wag mong sabihin nabighani ka sa kagwapuhan ko?" Taena! Hindi ako na gwapuhan sa ulol na 'to. Masyado lang ako natulala dahil sa iniisip ko. Aissh! Pahamak kayo eh 'yan tuloy mukhang timang ako dito kasi naman nag introduce pa ako eh.

"Utut mo! Ako maiinlove sa cheap na katulad mo. Dream on!"

"Oooohhh!" Saba'y na sabi ni Francis at Austin.

"Haha. Kunwari ka pa! Hindi din kita type no!" As if I care?! Ako ba type siya? Utut niya mabantot!

Nandito na pala kame sa school kaya naman bumaba na kame sa parking lot at as usual madaming girls na nagtitilian dahil dumating ang tatlo. Nakakairita talaga! Ang sasakit sa tenga!

"Omgssh! Nandyan na si Grayson!"

"Ang cute talaga ni Austin beybi!"

"Ang cool talaga ni Aaron!"

Ilan lang 'yan sa naririnig kong sinisigaw ng mga babae. Amp! Tinitigan ko lang sila ng masama. Bigla naman nabahag bunto't nila. Bwahahaha! Takot lang nila sakin.

Nang makarating kami sa bulletin board kung saan nakalagay kung anong section namin. Nagsitabihan ang lahat kaya nagkaroon ng malaking space para makadaan kame. Good Dogsss! Haha!

Tinignan ko yung name ko at nakita kong section ko ay second to the last. Tinignan ko naman section nung tatlo at last section sila. Hahaha! Paraan ko na 'to para mang-asar ang mga gago.

"Ano?! Sino sa 'tin ngayon ang bobo! Pano ba 'yan last section nanaman kayo. Bwahahaha!" Tinignan lang ako nung tatlo ng masama. Napatigil ako ng pag tawa. Uh-oh! Pikon ang mga gago!

Napalunok tuloy ako ng laway ko ng wala sa oras. "Uh-oh! Easyhan niyo lang mga bruh! Nagbibiro lang ako."

"Gorgie, hindi na tayo classmates. Huhuhu!" Sabi ni Austin.

"Pano ba 'yan Sam, hindi ka na namin classmates. Nakakalungkot naman." Dagdag naman ni Francis.

"H'wag nga kayo malungkot. Mabuti nga 'yun eh. Hindi na natin classmate ang tomboy na 'yan." Nag smirked naman si Grayson.

"Kung pektusan ko kaya ngala-ngala mo Grayson! Mas gusto mo pang hindi ako kaklase ha! Kaya ko naman sarili ko no! Pakielam ko sayo." Inirapan ko siya saka naman tumingin ako kala Francis at Austin.

"Okay lang 'yan. Kapag break magsasama naman tayo eh." Ngumiti naman silang dalawa.

"Georgie! Sa 'min ka mamaya sasabay mag recess at lunch ha." Tumango naman ako.

"Onaman!" I smiled.

Bigla naman nag bell kaya naman umalis na ako at pumunta sa section E... Okay lang naman na hindi ko sila makasama dahil magkatabi lang classroom namin. Duuh! Parang ang layo naman ng F sa E no?! Hahaha!

***

A/N : Want more updates? Comment lang kayo and Vote para naman sipagin ako. Thankiesss!

THREE PLUS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon