TPO # 6

695 19 0
                                    

Nandito kame ngayon ni Savannah sa kwarto ko at ang daming sinasabi na tungkol sa nangyari sakanya kanina pero ako hindi pumapasok sa tenga ko. Putspa! Nakakainis kasi naiisip ko parin si Francis. Ugh!

"Sam? Naiintindihan mo ba sinasabi ko sayo?" Napatingin ako ng biglang kurutin ako ni Savannah sa tagiliran ko.

"Ano nga ba sinasabi mo?" Taena! Kanina pa nag sasalita si Savannah pero sa iba naman tumatakbo utak ko. Nakakainis kasi si Francis eh. Hindi ko parin makalimutan yung nangyari sa music room. Nababaliw na talaga ako.

"Ano bang problema? Nagsasalita ako dito hindi ka naman nakikinig tapos parang ang lalim ng iniisip mo. Now tell me ano ba 'yang bumabagabag sayo?" Sasabihin ko ba sakanya pero kahit ako hindi ko alam nararamdaman ko. Nakakalito talaga.

Huminga muna ako ng malalim saka nag salita. "Alam mo yung feeling na kinakabahan ka?"

"Oo. Natural 'yan. Ano ba ibig mong sabihin?" Nakakailangan naman si Sav. Masyadong focus sa sinasabi ko kasi talagang inaabangan niya mga sinasabi ko. Bahala na nga.

"Eh yung bumibilis tibok ng puso mo?" Savannah nodded.

"Tapos parang nag slow motion ang paningin mo kapag gumagalaw siya?"

"Tapos?"

"Kapag hinahawakan ka niya feeling mo nakukuryente ka?"

Nag smile si Savannah pero bumalik din sa pagka seryosong mukha.

"Oh tapos? Ano naman?" She asked.

"Binabalisawsaw ba ako?" I asked. Seriously, wala talaga akong idea kung ano nararamdaman ko ngayon. The heck! Sa buong buhay ko feeling ko ngayon ko lang naramdaman 'to.

Tumawa naman ng napaka lakas si Savannah. Taena! Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nakakainis feeling ko tuloy naapakan ang pride ko. Ano bang meron? Natatanga na ako eh.

Tinulak ko si Savannah pero tawa parin siya ng tawa.

"BWAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!" Wala ng bukas? Pakshet! Nakakairta ha! Kapag nag locked panga niya nako ako talaga tatawa ng bongga.

"Taena! Nababaliw kana!" I rolled my eyes.

"Haha-kasi naman-haha-hindi mo-haha-talaga-haha alam ang ibig sabihin nyan?" Utang na loob papasakan ko na ng kamao ko ang bunganga niya. Tinitigan ko siya ng masama at mukha naman nakuha siya kasi umayos siya ng upo at kinakalma sarili.

"Hmm-haha-okay okay. Seryoso na. Hindi mo talaga alam?"

"Tatanungin ko ba kung alam ko?" I raised my eyebrow.

"Hmmm. Sabagay!" She smiled. Fck! Ano bang meron?! Nakakaloko na kasi eh.

"Tangina. Sasagutin mo ba tanong ko o hindi? Dami pang dada eh."

"Kasi naman natutuwa lang ako kasi akala ko tomboy ka pero hindi pala talaga. Hindi mo na kailangan mag boyfriend para mapatunayan yun dahil ngayon alam ko na sagot." Taena! Asan ang sagot niya sa tanong ko. Yung totoo pinaglalaruan ba niya ako. Ugh!

"Dami mong paligoy ligoy. Ano ba sagot sa tanong ko?!" Nabwibwiset na talaga ako. Hindi ko naman kasi talaga alam eh. Nakakabaliw kayang isipin.

"IN LOVE KA SAMANTHA!" Bigla naman ako nabulunan kahit wala akong kinakain sa sinabi niya. Ako in love? Kanino kay Francis? Shet! Ang barbero ni Savannah.

"Ako? Inlove? Utang na loob naman Savannah! Wala sa dictionary ko 'yang salita nayan." Putspa! Hindi ko lubos maisip na inlove ako kay Francis pero ano yung nararamdaman ko na kakaiba sakanya? Aisssh! Ang gulo.

"Alam kong bago pa sayo yan pero seriously yan talaga nararamdaman mo sakanya. Haaay! Akala ko pa naman tomboy ka. Thank God at hindi pala talaga." Para siyang kinikilig habang sinasabi yun. The heck!

THREE PLUS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon