TPO # 4

903 20 2
                                    

Nang maka-uwi ako sa bahay nakita ko lang 'dun si Yaya Mildred na nagdidilig ng halaman sa garden. Si Yaya Mildred ang nag-alaga sa 'min simula bata pa kame ni Savannah. Wala kasi parents namin dito pareho. Palagi sila nasa business trip, sa totoo lang okay lang sakin 'yun atleast wala dito si Mommy na step mother ko. Ayaw ko kasing nandito 'yun dahil kapag nandito 'yun kailangan maayos at pino ang kilos ko. Pahirap para sakin ang maging ganun lalo na't gusto ko puro aksyon. Hindi ako yung babaeng typical na girlish at puro pahinhin. Amp! Mababaliw ako kapag ginawa ko 'yun.

"Yaya! May pagkain?"

"Oo nandun sa kusina. Bakit ang aga mo umuwi?"

"First day of school kaya ganun. Puro orientation lang." Tumango naman siya at saka pinag patuloy ang ginawa niya kaya naman pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.

Nang makita ko ang pagkain agad ko nanaman naramdaman ang langit. Amp! Ang sarap ng ulam sinigang na baboy. Shems! Paborito ko 'to. Nang maka-kuha ako ng pagkain kinain ko na lahat ilang minuto lang naubos ko agad at syempre sumandok ulit ako para sa round 2. Hahahaha!

Nang mabusog ang alaga ko sa tiyan umakyat ako sa kwarto ko para maligo nang matapos ako maligo nagbihis ako at humiga sa kama at biglang nakatulog.

"Mama, saan ka po pupunta?"

"Papasok na muna ako sa trabaho anak."

"Bakit po may dala kayong maleta? Hindi na po ba kayo babalik?"

"Hayaan mo na siya Samantha. Aalis na mama mo at hindi na babalik." Napayakap ako ng mahigpit kay mama ng sabihin 'yun ni Papa. Si Mama aalis? Saan siya pupunta? Iiwan niya na ako? Hindi niya na ba ako mahal? May ginawa ba akong mali? Makulit nanaman ba ako? Hindi ko nanaman ba fli-nash ang inidoro nung nag poop ako. Naguguluhan ako?!

"Papa? Bakit mo sinasabi 'yan kay Mama? Hindi naman siya aalis eh. Papasok lang siya ng work diba po mama?" Habang sinasabi ko 'yun hindi ko na napigilan umiyak. Nagsisinungaling kasi sakin si Papa eh. Sabi niya hindi na babalik si papa. Babalik pa mama ko. Babalik pa siya.

"Bitawan mo na ako Samantha. Kailangan ko na umalis." Nasasaktan ako dahil unti-unti ni mama tinatanggal ang pagkakayakap ko sakanya.

"Mama. H'wag na po kayo umalis!!! Hindi na ako makikipag away sa mga kaklase kong lalaki. Hindi ko na po sila bubugbugin. Please lang po h'wag nyo na ako iwan."

"Bitawan mo na ako. Kailangan ko na umalis. Arnel! Hawakan mo na 'tong anak mo!!" Nang sabihin 'yun ni mama unti-unting napabitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya at bigla naman akong hinawakan ni Papa kaya naman unti-unti kong nakita si mama na naglalakad papalayo sakin.

"George! Ano nangyayari sayo?! George! Gising!" Naalimpungatan ako ng marinig kong biglang may nagsalitang babae pag mulat ko ng mata ko nakita ko si Savannah.

"Napanaginipan mo nanaman ba siya?" Tumango ako saka umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Nagulat ako ng marinig kong naiyak ka kaya pumasok ako at gisingin kita. Akala ko kung ano na nangyari sayo. Ayos kana ba?" Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko ang basa sa pisngi ko. Taena! Pati sa panaginip ayaw ako tantanan ng nanay kong 'yun. Putspa! Buong buhay ko nagmo-move on ako sa nangyaring 'yun pero hanggang ngayon binabangungot ako ng nakaraan!

"Ayos lang ako. Gusto ko lang ulit mag pahinga." Tumango naman so Sav.

"Naiintindihan ko. If you need anything tawagin mo lang ako sa kwarto ko. Okay?" Tumango naman ako saka humiga. Lumabas na si Sav at sinara ang pinto.

Sinubukan kong pumikit para ipagpatuloy ang pag tulog ko pero parang bigla akong naduwag sa pag tulog. Natatakot ako na baka mapanaginipan ko ulit 'yung nangyari nung 8 years old ako. Hanggang ngayon dala-dala ko parin ang sakit na nararamdaman ko ng iwan ako ng nanay ko dahil sa hindi niya mahal ang tatay ko. Simula ng iwan niya ako tinatak ko sa sarili ko na patay na ang mama ko. Hindi na siya babalik pa at nawala na siya na parang bula.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa study table ko. Binuksan ko ang isang maliit na box at kinuha ang korting puso na kwintas na birthday gift sakin ni mama nung nag 8 years old ako.

Sabi ko, itatapon ko 'to o kaya hindi ko titignan pero bakit hindi ko magawang gawin 'yun. Siguro dahil umaasa parin ako na babalik siya, umaasa parin ako na maalala niya ako pero hanggang kelan ako aasa? Habang buhay ba?.... Unti-unti ko nanaman naramdaman ang luha na pumatak sa pisngi ko. Putspa! Palagi nalang ba ako iiyak sa tuwing maalala siya?! Naiiyak ako dahil namimiss ko siya pero mas nangingibabaw ang galit dahil sa pag-iwan niya sakin at sa tatay ko.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa study table ko at lumabas sa terrace para makasimo'y ng hangin.

Pag tingin ko sa langit gabi na pala. Aisssh! Ang haba pala ng tulog ko hindi ko napansin na gabi na pala. Habang nasa terrace ako tinignan ko ulit yung kwintas na bigay sakin ni mama. Hindi ko tuloy napigilan na hindi umiyak.

"George? Umiiyak ka ba?" Napa punas bigla ako ng luha ko ng marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang bahay.

"Hindi ah. Ako iiyak? Kadiri no!!" Kumunot naman ang noo ni Grayson.

"Nakita kaya kita. Umiiyak ka eh!" Tukmol na 'to! Ano bang ginagawa niya diyan! Amp' nakalimutan ko bahay pala niya 'yan pero bakit umuwi siya diyan ngayon akala ko 'dun siya sa kabilang bahay nila eh.

"Bugbog you want?!" Tinaas ko kamao ko. Fck! Chismoso! Kalalaking tao! Ugh!

Pumunta siya dun sa may balcony ba 'yun at saka umupo.

(Hindi ko alam tawag 'dun tignan niyo nalang 'dun sa picture.)

"Ayaw ko ng gulo ngayon. Gusto ko lang mag pahinga." Good! Wala din ako sa mood makipag asaran sakanya.

Pumunta din ako dun sa tabi niya saka umupo. Dito palagi tambayan namin ni Grayson kapag bati kame o kaya naman gusto makapag-isip. Mag katabi ang bahay namin ni Grayson kaya palagi ako nakakasabay pumasok sakanila. Si Francis at Austin naman pumupunta dito para sumabay kapag ayaw nila mag dala kotse.

"Alam ko naman na umiiyak ka ayaw mo lang ipakita na weak ka." Napatingin ako sakanya at nakita kong seryoso mukha niya habang naka tingin sa langit.

Si Grayson ba 'tong kausap ko ngayon bakit parang hindi.

"Alam kong gwapo ako pero h'wag mo ko titigan ng ganyan. Sige ka baka mailang ako sayo." Tumingin siya sakin at saka ngumiti. Amp! Tukmol na 'to masyadong gwapong gwapo sa sarili. Nahiya naman si Piolo Pascual sa kahanginan niya! Ugh.

I rolled my eyes. "Gray, four words : ASA. KA. PA. DUDE!"

Tumawa siya ng mahina pero bigla din agad naging seryoso. "Anong problema mo?" I asked.

"Kung pano ka magiging babae!" Taena! Kelan ko ba makakausap ng matino 'tong aswang na 'to. Nakakainis, napaka bipolar niya! Pabago bago ng reaksyon ng mukha. Ugh!

"Ako ba talaga ginagago mo?!" He nodded. Lord, alam ko pong masama pumatay ng tao pero kung demonyo naman po papatayin ko hindi naman siguro malaking kasalanan 'yun diba?

Dumukot ako sa bulsa ko may nakapa akong candy kaya binigay ko sakanya 'yun.

"Para saan 'to?" He asked.

"Kainin mo 'yan ng gumaling na ang utak mo." Tumawa naman siya. Taena! Yung tawa niya hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa kasi halata mong pilit eh.

Tumayo ako at aalis na sana kay lang bigla kong naramdaman ang kamay niya na hinawakan ako. "Ano bang kailangan mo?!" Napatingin ako sakanya at nakita ko ang mukha niya na seryoso at may gustong sabihin.

"Ano kasi amp nevermind." He paused and shook his head.

"Kapag hindi mo sinasabi sakin ihuhulog kita dito?!" Tinuro ko 'yung baba. Ngumiti naman siya.

"Gusto mo pumunta dun sa isa naming bahay sa QC sa Saturday? May party na gaganapin. Punta ka!" Umiling naman ako.

"Kung naka dress ang mga babae sa party na 'yan sa bahay nalang ako. Ayaw ko ng puro pasu-syal lang. Sige na matutulog na ako." Binitawan naman niya ako at saka umalis na ako ay pumunta na sa kwarto ko.

THREE PLUS ONEWhere stories live. Discover now