TPO # 7

639 20 0
                                    

Lumipas ang dalawang subjects at recess na pero nag decide ako na sa rooftop nalang muna ako tatambay. Ayaw ko muna pumunta sa cafeteria dahil for sure madaming tao dun at nandun yung tatlo.

Gusto ko muna magpa hangin dito at gusto ko ng tahimik na lugar. Umupo muna ako saka nagkabit ng headset sa tenga kaya lang bigla nanaman may tumabing lalaki sakin. Psssh! Ano bang problema niya? Palagi nalang ba siyang eepal.

"Ano nanaman ba problema mong nerd ka?"

"Bakit nandito ka? Hindi ka ba sasabay sa tatlo?" He asked.

"Pakielam mo?"

"Nag tatanong lang. Bakit ba ang sungit sungit mo?"

"Pakielam mo?"

"Hindi ka ba nagugutom?"

"Pakielam mo?"

"Wala kana bang ibang sasabihin kung hindi pakielam mo?"

"Pakielam mo?"

"Okay fine. Alam kong gusto mo kumain kaya nagdala ako ng burger at ng softdrinks." Pag tingin ko sa likod niya nakita ko yung pagkaing dala niya kaya naman biglang tumunog yung tiyan ko. Aissh! Nagugutom na rin kasi ako tinitiis ko lang. Hindi kaya ako nag breakfast. Di uso sakin yun eh kaya nga kumakain ako ng bongga sa cafeteria kapag recess eh.

"Anong kapalit kung ibibigay mo sakin yan?" I raised my chin. Mabuti ng tinatanong ko mamaya may papagawa pala siya sakin tapos yun pala gagawin ko para sa burger at softdrinks.

"Kailangan ba may kapalit kapag mag bibigay ka ng isang pagkain sa tao?" Sabi niya habang binibigay yung pagkain sakin inabot ko naman yun. Nagugutom na ako eh basta pagkain walang tatanggi. Bawal kaya tumanggi sa blessings.

Kumagat ako sa burger bago nagsalita. "Malay mo. Mamaya may papagawa ka pala sakin tapos suhol 'to."

"No. Wala gusto lang kita maging close dahil alam kong mabait ka." He shook his head. Ako mabaet? Sabagay mabaet naman ako sa taong mabaet sakin. Huwag lang ako gagaguhin baka makita nila kung ano talaga ang ugali ko.

"Pssssh! Porke't ba naligtas ka lang sa pagkaka suntok sayo ni Grayson. Mabaet na ako?"

He nooded. "Hindi naman pero yun kasi ang sa tingin ko. Hindi ka din plastik unlike the other girls na mga puro paganda." Wow! Kung makapag salita naman siya akala mo gwapo. Duuh! Nerd kaya siya kung makapang lait wagas.

"Gwapo mo ha." I said in sarcastic way. Natawa naman siya. Nakakainis, anong nakakatawa palibhasa na realize niya pinupunto ko.

"Nag-uusap na tayo pero hindi mo pa ako kilala. Ako nga pala si Jason Castro section B." He offered his right hand kaya naman nakipag shake hands ako.

"Di ko na kailangan magpakilala dahil alam kong kilala mo na ako as George Lopez na malandi, tomboy nakiki-grupo sa tatlo at syempre demonyitang babae." I smiled in my most dazzling smile. Haha! Natawa din siya.

"Ang ganda mo pala kapag naka ngiti ka eh." Ha?! Ako maganda? Utang na loob wala akong pera pang bayad. Hindi din ako bola para bulahin niya.

"Ulol ka."

"In born na talaga sayo yang bad words mo no?" Yeaaah! Wala kayong pakielam kung ganito ko. Hindi ako magbabago dahil lang sa ayaw niya o dahil napapangitin kayo. The hell I care?!

"Yeah. Natural na sakin yan at di porke't nagmumura masamang tao na."

"Oo nga naman." He nodded.

"Ikaw bakit nerd ka? Nasasarapan ka mag-aral?" Seriously. Nakakatanga tanong ko pero curious lang ako. Malay mo naman mahawaan ako ng pagka happy niya sa pag-aaral at sipagin din ako.

THREE PLUS ONEWhere stories live. Discover now