Chapter 2.2

3.6K 65 0
                                    

IBINABA ni Justin ang hawak na telepono at napahawak sa ulo. Kakatawag lang sa kanya ng isa sa mga empleyado niya sa brokerage firm niya sa Canada at sinabing may problema daw sa process ng produktong i-e-export doon.
Umiling siya at napabuntong-hininga. Katatapos lang niyang gawan ng solusyon ang problema ng brokerage niya dito, ngayon ay sa Canada naman? Muli niyang inabot ang telepono at tinawagan ang Samaniego Air Lines para magpa-book ng flight papuntang Canada ngayong hapon. Kailangan niyang pumunta na doon ngayon. Hindi niya gustong patagalin pa ang problemang iyon at makaabala pa ng husto sa lahat.
Pagkatapos ng tawag ay muli siyang nag-dial ng isa pang numero – ang numero ni Liezl. Magpa-paalam na din muna siya sa nobya dahil siguradong ilang linggo din siyang mawawala. Ayaw niya namang mag-alala ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin AguirreWhere stories live. Discover now