ISINARA ni Justin ang hawak na folder at ipinatong ang ulo sa headrest ng swivel chair na inuupuan. Damn headache.
Ipinikit niya ang mga mata. Pagkatapos ng kasal nina Matthew at Liezl ay muli siyang bumalik dito sa Canada para lamang magpaka-subsob sa trabaho.
Napamulat siya ng mata nang marinig ang pagtunog ng cell phone niya. Tinatamad niya pa ‘yong inabot at sinagot. The caller was an employee from his firm in the Philippines.
“Ano?!” napatuwid siya ng upo sa sinabi nito. “Smugglers?” Malinaw siyang nakinig sa lahat ng sinasabi ng employee niya sa kabilang linya. How dare those people try smuggling products using his firm?
“Alert the police at once, huwag niyo hahayaang makalusot ang mga produktong iyan,” utos niya. He didn’t know that there were moles in his brokerage firm in the Philippines na magpapapasok ng smuggled products sa bansa.
Tinapos niya na ang tawag at nag-desisyong bumalik ng Pilipinas. Kailangan niyang resolbahin ang bagay na ito sa lalong madaling panahon. He wouldn’t let anyone to ruin the name of his brokerage that he had worked hard for.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...