Chapter 3.3

3.4K 64 0
                                    

NAPATINGIN si Alyzza sa pinto ng opisina niya nang bumukas iyon at nakitang pumasok si Justin. He was wearing blue jeans and Hangten brown collared shirt with a baseball cap, and he looked so good in that. Mabilis niya iyong inalis sa isipan at ngumiti dito. Bakit ba malimit niya na ngayong pinupuri ang lalaking ito?
“Akala ko wala ka dito,” bati niya dito. Sabado nang araw na iyon at sa pagkakatanda niya ay hindi ito pumapasok tuwing Sabado.
“I had some emergency,” sagot nito. “Pero ayos na naman iyon ngayon.”
Tumango siya at sinimulan ng linisin ang sariling mesa. Plano niyang pumunta sa isang lugar ngayon at kailangan niya ng magmadali.
“Ano ‘to?”
Bumaling siya dito at nakita itong nakatingin sa isang kahon na malapit sa mesa niya. “Oh,” napangiti siya. “Mga laruan ‘yan. Binili ko ‘yan para sa mga bata sa orphanage. Nalaman ko na mayroon palang isang foster home malapit sa hotel na tinutuluyan ko. Kaya plano kong bisitahin sila ngayon.”
Tumingin ito sa kanya. “Ganoon ba?” tumango ito.
“Yeah,” itinuloy niya ang pag-aayos ng mga gamit. “I should do a power of good since I’m already here. Sayang naman ang opportunity kung hindi ko man lang sila mapapasaya kahit simpleng bagay lang.”
Nang makatapos siya, muli siyang tumingin dito. “Kailangan ko ng umalis,” paalam niya dito.
“Mabubuhat mo ba ‘yan?” tukoy nito sa box ng mga laruan.
Napangiti siya. “Nadala ko nga ‘yan dito,” sagot niya at tumitig sa kahon ng mga laruan. Mabigat nga lang talaga.
“Tutulungan na kita,” iyon lang at binuhat na nito ang kahon. Magpo-protesta pa sana siya pero nagsalita na muli ito. “Puwede nating gamitin ang sasakyan ko. Sabihin mo lang sa akin ang lugar,” pagkasabi niyon ay tumuloy na ito sa pinto.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon