Chapter 9.2

3.6K 71 1
                                    

MULING napabuntong-hininga si Alyzza bago kumatok sa condominium unit na tinutuluyan ni Justin sa Quezon City. Sinabi sa kanya kanina ni Liezl ang address nito. Napag-desisyunan niyang kausapin ito. Hindi naman maaaring habang-buhay na lang siyang tumakbo at magtago.
Bumukas ang pinto at nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Justin sa pagkakita sa kanya.
“Alyzza,” he mumbled. She had always loved the way he called her name.
Pinilit niyang manatiling kalmado at ngumiti dito. “Hi.”
Tumikhim muna si Justin bago siya inanyayahang pumasok sa loob. Pumasok naman siya at sinuri ang loob ng unit nito. Mas malaki iyon kaysa sa apartment nito sa Canada. “May kailangan ka ba? Paalis na sana ako,” sabi nito.
Napatingin siya dito. “Saan ka pupunta?”
“Canada. I can’t stay here,” sagot nito, iniiwasan ang mga mata niya.
Her heart tightened at the thought of him leaving again. “B-Bakit?” nangangatal na ang boses niya.
When he looked back at her, she saw the sorrow that passed his dark eyes. “I don’t want to bother you,” humugot ito ng malalim na hininga. “I know you don’t want to see or talk to me and—” napatigil ito nang humakbang siya palapit dito.
Tiningnan niya ito sa mga mata. Tama, dapat niyang itaya ang puso niya at aminin ang nararamdaman para dito. Wala na siyang pakialam sa iisipin o sasabihin ng ibang tao.
“Just because I don’t talk to you anymore doesn’t mean that I don’t want you to stay and I don’t love you,” bulong niya. “I want you to stay, Justin. I love you. Hindi ko alam kung bakit o paano,” napailing siya. “Patuloy kong sinasabi sa sarili ko na hindi pero alam kong nagsi-sinungaling ako.”
Agad niyang pinunasan ang mga luhang nag-umalpas sa mga mata niya at tinitigan ito. Kitang-kita niya ang pagdaan ng pag-asa sa mga mata nito habang nakikinig sa pagtatapat niya.
“Akala ko hinding-hindi ako mahuhulog sa’yo,” patuloy lang siya sa pagsasalita. “Wala ka sa mga standards ko pero—” napatigil siya nang higitin siya nito palapit sa katawan nito.
“Ssshhh…” he shushed. “I thought staying away from you would be the best but I just kept on missing you, Alyzza,” bahagya siya nitong pinakawalan at pinaka-titigan. “I missed you so much. Hindi mo alam kung gaano ko ninais na makita ka nitong nakaraang mga linggo.”
Muli na namang tumulo ang mga luha niya. Bakit ba niya itinulak palayo ang lalaking ito dahil lamang natatakot siyang masaktan?
“I missed holding you close to me like this,” pagpapatuloy nito. “I missed your smiling face. I missed you sleeping beside me,” ngumiti ito. “Alam mo ba na nahihirapan na akong matulog nitong mga nakaraang gabi?”
Ginantihan niya ang ngiti nito. “Sa tingin mo ba hindi rin ako nahihirapan?”
“Will you sleep here with me… tonight?” nasa tono nito ang pagmamakaawa.
She wrapped her arms around his neck and held him close. “Kung hindi dahil kay Liezl, hindi ko pa maiisip na pumunta dito ngayon.”
He smiled and met her lips with his, kissing her gently and hugging her tight. Ginantihan niya ang halik nito. Ni minsan ay hindi pumasok sa isipan niya na mahahalikan niya ang lalaking ito. Pero ngayon, ang tanging nais niya na lang ay halikan siya nito at magkulong sa matitipuno nitong mga bisig.
Napabuntong-hininga siya nang lumayo ito at tinitigan siya. She could see the desire in his eyes and could feel him controlling that.
Itinaas nito ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya. “Sleep beside me, okay?”
Hindi na siya nito pinasagot at agad na pinangko at dinala sa loob ng kuwarto nito. Inilagay siya nito sa malambot na kama bago sumunod sa kanya. Humiga ito sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. She missed his scent and warmth. Masayang-masaya siya dahil kasama niya na ulit ito. Nagpapa-salamat siya kay Liezl na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para aminin ang tunay na nararamdaman niya. She wanted to stay with him like this for the rest of her life.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon