Chapter 2: The Paintings

114 7 0
                                    

Lauren

"Kahit ano para sa'yo, Lauren. Anything— everything for you, Lauren." Napasinghap ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at napabalikwas.

Kinuha ko ang pinakamalapit na gamit na nakuha ko at tinutok ko sa kanya ang lamp ko. "Paano ka nakapasok dito?!" So much for surprises.

Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin. Matangkad, sobrang itim ng buhok pati ng kilay, he looks so pale pero kung tititigan mo ng mabuti, he looks scorching hot kahit sobrang lamig ng aura at ng paligid namin, his jaw— so sharp. Pati na rin ang paraan ng paglalakad niya, isa ba siyang modelo? Walang tunog sa bawat pagtapak niya.

"Oras na, Lauren." Napasandal ako sa bintana sa likod ko. Ano'ng pinagsasabi ng lalaking to?!

"Sino ka?" Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ng lamp ko at pinuwesto sa harap ko, pumapagitna ito sa aming dalawa.

Tinitigan niya ako ng mabuti at hindi ko namalayan na kinuha niya ang lamp at binalik sa lagayan. Natulala ako, hindi ko alam kung bakit nawala ako sa sarili ko. Pumikit ako ng mariin at inisip ang mga nangyari. Ngunit pagdilat ko ay wala na siya roon.

Nagulat na lamang ako ng biglang may malamig na hangin malapit sa tenga ko— may bumulong sa tenga ko. "Sumama ka sa akin, Lauren." nanlaki ang mga mata ko at napaatras palayo sa kanya kaya muntik nang mahulog yung lamp pero kaagad itong nasalo ng lalaki. "Ipapaintindi ko sa'yo ang lahat. Lahat ng gusto mong malaman, malalaman mo. Sumama ka lang sa akin." Umayos ako ng tayo sa sinabi niya at tinitigan din siya. "Please, Lauren." iniwas niya ang tingin niya sa akin, hindi ata 'to sanay gumamit ng salitang "please".

Tumikhim ako. I crossed my arms. "What makes you think I'll trust you? Hindi ko nga alam kung sino ka." Derechong sabi ko.

Tumingin muli siya sa akin. "I'm Vladimir..." lumapit siya sa mukha ko. "Lauren, trust me, and everything will fall into place." nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Ang lapit ng mga mukha namin.

"H-hindi ko alam—" he cut me off at nagulat ako kaya nakalmot ko ang mukha niya. Napasigaw naman ako ng bahagya dahil may linya ng dugo ang kaniyang kaliwang mukha kung saan ko ito nakalmot.

Umigting ang bagang niya habang nakayukong nakatingin sa gilid ko tsaka muli akong tiningnan. "Lauren, you were attacked by a rogue." Nag-iigting ang bagang niya na parang sinasabi niya sa sarili niyang hindi niya dapat iyon sinabi. "Your family..." tumigil siya sa pagsasalita at tumalikod sa akin. "If you want to know everything, trust me," nilingon niya ulit ako at hinawakan ang kamay ko. Sobrang lamig ng kamay niya. "Come with me."

Hindi ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya. I was dumbfounded, paano niya nalaman na inatake ako? What the hell is a rogue? What about my family?

Isa nalang ang nalaman ko, sakay na ako sa isang mamahaling kotse. Siya ang nagmamaneho at hindi ko na masundan ang mga pangyayari. Tila nawala ako sa sarili ko dahil sa pag-iisip ko sa pamilya ko. Naaalala ko na naman, mag-isa nalang pala ako.

Dumaan ang sinasakyan namin sa isang napakalaking maitim na gate. Bumaba si Vladimir matapos pagbuksan ng isang matipunong lalaki na naka sunglasses pa rin kahit gabi. Sunod naman akong pinagbuksan ng pinto ng lalaki'ng 'yun. Bumungad sa akin ang isang mansyon na kulay puti with different kinds of shades.

"Nasaan tayo?" hindi ko mapigilang magtanong. Nakatabi na sa akin si Vladimir habang inaayos ang kwelyo niya.

"Bahay." Tipid niyang sagot at hinawakan ang bewang ko, napaigting ako pero nadala niya rin ako. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa kanyang bahay— na mansyon.

May mga katulong din siya sa loob na yuyuko sa tuwing makakasalubong kami— siya. 'Yung iba, parang hindi mapakali at parang agresibong nakatingin sa akin kaya napayuko nalang rin ako.

The Vampire's HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon